Chapter 11

299 25 23
                                    

Holy
"EH BAKIT mo kasi sinapak? Tsk, tsk.", tanong ko kay Vien na hanggang ngayon ay namimilipit pa din sa ginawa ko sa kanya.

Humarap ako kay Chance at hinawakan ang mukha nya, sinipat kung saan sya tinamaan. Sabi ko pa naman kay mom ay titingnan-tingnan ko ang anak nya! Yari ako nito pag nagpeklat 'to, nakakahiya!

May maliit na sugat sa gilid ng labi nya pero tingin ko naman ay hindi magpepeklat yon. Sinuswerte ka pa ding tao ka, napapangiting nasabi ko sa isip ko nang bitawan ko ang mukha nya.

"Malayo sa bituka yan.", sabi ko.

"H-ha?", wala sa sariling tanong ni Chance. Tsk, tsk. Naalog yata ang ulo. Hahaha!

"Mauna na ko sa inyo. Salamat sa invitation.", sabi ko sa mga kasama ko kanina na hanggang ngayon ay parang gulat pa din. "Tara na bago pa tayo paalisin ng guard dahil sa gulo nyo.", sabi ko kay Chance at sa mga kasama nya at naglakad na palayo.

Naramdaman ko naman na sumunod sila sa akin sa paglalakad. Pagdating sa parking lot, dun humagalpak ng tawa ang dalawang kasama ni Chance. Nagtataka naman akong napatingin sa kanila.

"I'm sorry, miss. Hindi lang ako makapaniwala sa nangyari.", sabi nung mukhang Korean. "By the way, I'm Jax.", dagdag nya sabay lahad ng palad nya. Inabot ko naman yon.

"I'm Kemen.", pakilala naman nung isa pa.

"Holy.", nakangiting sabi ko.

"And this is Chance. But I guess magkakilala na kayo? I mean, you wouldn't save him if you don't know him, right?", nakangiting tanong ni Jax.

"I didn't save him. At oo, magkakilala kami. I'm his--"

"Classmate.", seryosong sabi ni Chance na hindi pinatapos ang sasabihin ko.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya pero iniwasan nya ang tingin ko. Top secret nga kaya na adoptive sister nya ako? Ayaw nya bang ipaalam? Hmm.

"So that's why!", sabi ni Kemen na napa-padyak pa ng kanang paa. Nagtatanong ang mukha na lumingon ako sa kanya. "Chance was looking at you and then that guy thought Chance was looking at his girlfriend!", natatawang sabi nito. Natawa din naman si Jax.

Tinitingnan ako? Bakit kaya? Badtrip pa din sya saken?

"What you did there? It's hilarious. Ang lakas nun ah! Ouch!", iiling-iling na sabi ni Jax.

Nakitawa na lang din ako samantalang si Chance ay masama ang tingin sa dalawang kaibigan. Maya-maya ay nag-ring ang phone ni Jax.

"Hello? Uh, yes. Okay, okay. Be there in 10 minutes.", sabi nito at binalik agad ang phone sa bulsa. "Sorry, we have to go. Si manager yun eh.", sabi nito kay Chance.

"Sige.", maikling sagot ni Chance.

"Sinuswerte ka, dude.", biro pa ni Kemen kay Chance bago sumakay sa kotse nya.

"Shut up.", saway ni Chance sa kaibigan pero tinawanan lang sya nito. Sumakay na din si Jax sa sariling kotse at nagpaalam.

"Ingat kayo.", sabi ko sa kanila.

"Hope to see you again, Holy.", nakangiting sabi ni Jax at tsaka pinaandar ang kotse kasunod ni Kemen.

Naiwan kami sa parking lot ni Chance pero maya-maya lang ay binuksan nito ang passenger seat ng kotse nya.

"Get in.", hindi nakatingin sa akin na sabi nya. Tumingin pa ako sa likod ko baka kasi hindi ako ang kausap nya. Pero dalawa lang naman kaming nandoon.

"Ako ba?", inosenteng tanong ko sa kanya.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita? Dadalawa lang tayong andito.", masungit na sabi nya. Pero napangiti pa din ako ng malawak.

Isasabay na ko pauwi, pinagbuksan pa ko ng pinto. Tsk, iba pala nagagawa ng sapak. Mabilis akong sumakay sa loob at baka magbago pa ang isip nya.

Habang nagda-drive ay pareho kaming walang kibo. Nagugutom na kasi ako. Hindi ko man lang na-enjoy kahit yung fruit shake na bigay ni Harold. Hayy. Kinuha ko ang phone ko at itetext ko sana si Monica para itanong kung anong merienda sa mansion nang magsalita si Chance.

"Nagugutom ka ba?", tanong nito. Bigla akong napalingon sa kanya.

"H-ha? Nasabi ko ba ng malakas?", tanong ko sa kanya. Nakakahiya!

"Ang alin?", takang tanong nya naman na hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"Ahh. Hehe. Wala.", napapahiyang sabi ko. Akala ko pa naman nasabi ko ng malakas ang iniisip ko at narinig nya! Hindi nya na hinintay ang sagot ko at nag-park kami sa harap ng isang restaurant.

"Nagugutom na ko. Kumain muna tayo.", sabi nya at bumaba ng kotse. Yes! Masaya akong bumaba din at sumunod sa kanya sa loob.

Hinatid kami ng receptionist sa pang-dalawang taong lamesa at inabutan kami ng waiter ng menu. Nag-order kami pareho ng tag-isang rice meal at drinks. Ayaw nya ng dessert kaya ako lang ang um-order ng slice ng chocolate cake.

"Pwede bang makahingi ng yelo?", nakangiting tanong ko sa waiter.

"Sure, ma'am. Wait lang po at kukuha ako.", sabi ng waiter. Mabilis naman syang nakabalik dala ang dalawang baso ng yelo. "Lalagyan po ba ng tubig?", tanong nya. Umiling ako.

"No. Okay na yan, salamat.", sabi ko. Pagka-alis ng waiter ay kinuha ko sa bulsa ko ang dala kong panyo. Binalot ko doon ang ilang piraso ng ice cubes at inabot kay Chance.

"A-ano yan?", takang tanong nya sa akin.

"Ilagay mo sa labi mo. Parang namamaga na eh.", sabi ko na ininguso ang sugat nya. Nag-aalangan na inabot nya yon at inilapat sa gilid ng labi nya. Napangiwi pa sya dahil sa ginawa nya.

"Sakit 'no?", natatawang sabi ko sa kanya. Sinimangutan nya lang naman ako. "Akalain mo yun? Sinapak ka dahil tinitingnan mo ang girlfriend nya. Nakakamatay ba ang tingin? Jusko.", sabi ko pa sabay subo ng pagkain. "Never ako magjojowa ng ganun kaseloso!"

"Jowa?", tanong nya. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago magsalita ulit.

"Jowa. Boyfriend or girlfriend. Kasintahan. Gano'n!", paliwanag ko. Yun lang di pa alam. Rich kid kasi eh!

"Tsh. Wala naman yatang nanliligaw sayo, pano ka magkaka-boyfriend?", bulong nya pero narinig ko pa din.

"Wala nga! Kapag nagkaroon lang.", natatawang sabi ko. "Eh bakit mo ba kasi tinitingnan si Margarette? Yung jowa nung sumapak sayo.", tanong ko.

"Hindi ko sya tinitingnan.", sagot ni Chance.

"So ako nga tinitingnan mo?", tanong ko. Nabulunan naman sya sa tanong ko. Natatawang inabot ko sa kanya yung inumin nyang iced tea. "Ano ba yan, dahan-dahan kasi sa pagkain.", biro ko sa kanya.

"Shut up.", sabi nya nang makabawi. Pinunasan nya ang bibig nya gamit ang table napkin bago nagsalita ulit. "Bakit ba kasama mo yung mga yun? I didn't know you were friends with them.", tanong nya. Nagkibit-balikat naman ako.

"Try lang makipag-friends. Kaso 'eto pa nangyari. Next time baka hindi na nila ako yayain sumama.", sagot ko sabay tawa. Nakita ko naman na napatungo si Chance sa pagkain nya at namumula ang mukha. "Pero hindi kita sinisisi ah. Ang ibig kong sab--"

"Kumain ka na lang.", putol nya sa akin at gano'n na lang nga ang ginawa ko.

Pag-uwi sa mansion ay kanya-kanya kaming pasok sa mga kwarto namin para magpahinga. Nagpalit agad ako ng damit dahil ang init ng suot kong jeans. Sinuot ko yung paborito kong walking shorts at itim na tshirt.

Hay, komportable.

Nahiga ako sa kama at tumagilid ng pwesto. Inisip ko yung nangyari kanina. Ayoko naman talaga saktan si Vien, kahit ako nabigla ako sa ginawa ko. Kaso hindi rin naman tama yung ginawa nya kay Chance. Sa tingin ko, tama lang yun sa kanya. Hahaha! Pero nag-alala din talaga ako nung matumba si Chance, akala ko hindi na babangon eh. Tsk. Ang payat kasi, ayan isang suntok tumba agad. Nasa gano'n akong pag-iisip nang pumikit na ang mga mata ko.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now