Chapter 17

236 21 17
                                    

Chance
KAHIT Sabado ay maaga akong nagising. Nag-jogging ako sa labas at nag-exercise. Pagbalik ko sa loob ng bahay ay inabutan ko sa dining area ang mga maid na naghahanda ng breakfast.

"Good morning!", masiglang bati ko sa kanila. Parang nagulat pa sila at hindi agad nakapag-react.

"G-good morning po."

"Good morning din, sir."

"Good m-orning din po."

"O hijo, ang aga mo yata. Wala naman pasok ah.", bati sa akin ni manang Norma nang pumasok sya sa dining area. May dala syang isang pitsel na orange juice.

"Good morning, manang!", nakangiting bati ko sa kanya. "Nag-jogging ako sa labas. Hindi na din kasi ako makatulog eh.", sabi ko.

"Mukhang maganda din ang gising mo ah.", biro ni manang. Napangiti naman ako ulit. Ewan ko, pero paggising ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. "Sige maupo ka na dyan at pababa na din ang mommy mo para kumain.", sabi ni manang. Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Mom was already asleep when Holy and I got home last night, kaya hindi na kami nagkausap ulit.

Galit pa kaya sya sa akin?

"S-sige, manang.", sabi ko habang nag-iisip pa din.

Holy
HIHIKAB-HIKAB pa akong naglakad papunta sa dining area. Gusto ko pang matulog kaso gutom na ako. Hindi ako nakapag-dinner kagabi dahil sa drama nung mag-ina eh. Nalimutan ko na nga din inumin yung gamot ko pero wala naman na ang sakit ng ulo ko ngayon. Itinabi ko na lang yung gamot para kung sumakit man ulit ang ulo ko.

Nang makapasok ako sa dining area ay nagulat ako. Nandoon na si Chance. Nakaupo sa usual na upuan nya pero hindi pa sya nagsisimulang kumain. Parang nag-iisip sya pero nang makita nya ko ay agad syang ngumiti. Sinasapian ba 'to? Medyo natakot pa ako sa naisip ko.

"Good morning.", bati nya sa akin. Umupo ako sa usual din na upuan ko. Which is sa tapat ng upuan nya.

"Good morning. Ang aga mo ah? May lakad ka?", tanong ko sa kanya. Kumuha agad ako ng kanin at luncheon meat sa plato ko. Gutom na ko talaga eh.

"Meron. Pero mamaya pa naman. Nag-jogging lang ako sa labas kanina.", sabi nya. Kumuha na din sya ng pagkain nya.

"Oo nga, tama yan. Mag-exercise ka kahit papano para hindi isang sapak eh natutumba ka na.", biro ko sa kanya pero agad naman sumeryoso ang mukha nya. Pikon agad.

"Shut up. Nabigla lang ako non.", nakasimangot na sabi nya. Natawa na lang ako.

Maya-maya ay dumating na din si mom sa dining area. Lalong naman naging seryoso ang mukha ni Chance pero may halong kaba ang expression nya.

"Good morning, mga anak.", bati ni mom sa amin.

"Good morning, mom.", masayang bati ko sa kanya.

"G-good morning.", naiilang na bati ni Chance. Naupo na si mom sa upuan nya at kumuha ng tinapay at bacon.

"I'm going back to Italy today. Hindi pa kasi tapos ang inaasikaso ko doon. Na-extend pa kami ng one week dahil sa dami ng problema sa company.", paliwanag ni mom na pasulyap-sulyap pa kay Chance.

Tinitingnan ang magiging reaction nito. Si Chance naman ay napatingin sa akin. Sinimplehan ko sya ng tango pero hindi nagbago ang expression ng mukha nya.

"Ayy, naubos ko na pala 'to! Teka kukuha ako sa kusina.", sabi ko at dinampot ang plato ng luncheon meat.

"It's okay, Holy. Marami pa na--"

"No, mom. Dyan muna kayo.", sabi ko at dali-daling lumabas ng kusina. Hindi ako nag-diretso sa kusina. Nandoon lang ako sa pinto ng dining area para makinig.

Chance, this is your chance! Mag-sorry ka na!

"Anong ginagawa mo dyan?", takang tanong ni Monica sa akin. Sinensyasan ko syang wag maingay at inabot sa kanya ang plato.

"Wag kang maingay.", bulong ko. "Kunin mo 'to, lagyan mo ng luncheon meat. Please. Hehe.", sabi ko pa. Nagtataka man ay kinuha ni Monica ang plato at pumasok na sa kusina.

"Son, about what happened yesterday. I'm sorry. I know marami akong pagkukulang. Babawi ako sayo, I promise.", dinig kong sabi ni mom.

"N-no, mom.", sabi ni Chance. "I'm sorry. I shouldn't have said those things. I'm being immature and selfish. I'm sorry.", sabi nya. Yes, ganyan nga! Napapangiti pa ako habang nakikinig doon.

"I'm sorry I have to leave again. I hope it's okay.", sabi ulit ni mom.

"It's okay. I understand, mom. And I'm thankful. Alam kong para sa akin ang mga sacrifices mo. And this time... babawi ako, mom. Promise, babawi ako.", sabi nya.

"Son...", usal ni mom. Kahit hindi ko sila nakikita, ramdam ko ang saya nya sa isang salitang iyon. "Thank you.", dagdag nya pa.

Maya-maya ay dumating na si Monica dala ang plato na may laman nga na luncheon meat. Ipapasok nya na sana sa loob pero pinigilan ko sya.

"Ako na. Hehe.", nakangiting sabi ko. Ibinigay nya naman sa akin. Pagpasok ko ay inabutan ko pang nagpupunas ng luha si mom. Pero nakangiti sya.

"Eto naaaa. Kain naaaa.", mahabang sabi ko. Binigyan ako ng nagtatakang tingin ni Chance pero nginitian ko lang sya.

"Kain na kayo. Kumain ng marami.", sabi ni mom. At hindi na ako kelangan sabihan pa ng dalawang beses. Hahaha!
---

AFTER breakfast ay hinatid na din ni kuya Ferdi si mom sa airport. And as usual, nandito na naman ako sa sala. Nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa paanan ng sofa. Naghahanap ng magandang mapapanood.

"Eto!", sabi ko pa nang makita ang palabas. Hancock. Start pa lang. Nasa part na ako na nalaman ni Hancock na katulad nyang may special ability din tulad nya yung babae nang bumaba si Chance at humarang sa TV.

"Why are you sitting on the floor?", tanong nya.

"Bawal ba? Tabi dyan, nanonood ako.", sabi ko pero ako na ang lumipat sa kabilang side para makita ko. Pero humarang ulit sya. Masama ang tingin na humarap ako sa kanya.

"Ano ka ba? Nananadya ka ba?", inis na tanong ko. Hindi naman sya natinag sa pagkakatayo nya.

"S-samahan mo ko.", mahinang sabi nya imbes na sagutin ang tanong ko. Nagliwanag naman ang mukha ko. Nawala ang inis ko. Gagala? Game!

"Saan?", tanong ko pero nakatayo na ako.

"Basta. Magpalit ka na ng damit.", sabi nya. Napatingin ako sa damit ko at naalalang hindi pa pala ako naliligo.

"Hindi pa pala ko naliligo. Hehe.", natatawang sabi ko.

"Tsk! Bilisan mo!", inis na sabi ni Chance. Naupo sya sa sofa at nag-de-kwatro pa. Ibinato ko sa kanya ang remote na mabilis naman nyang nasalo.

"Hintayin mo ko!", sabi ko at patakbong umakyat sa kwarto ko.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now