Chapter 22

233 20 15
                                    

Holy
NAGULAT ako ng halos parang yakapin na ako ni Chance nung mag-take kami ng picture sa booth kanina. At hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Kung hindi agad ako binitawan ni Chance kanina, pakiramdam ko eh aatakihin na ako sa puso. Pero bakit gano'n? Wala 'to. Ngayon lang kasi nadikit sa lalaki ng gano'n bukod sa papa ko. Nanibago lang ako. At nagulat. Kinukumbinsi ko pa ang sarili nang tawagin ako ni Harold. Napag-iwanan na pala ako paglalakad.

"Let's try this game!", tawag nya sa atensyon ko. Itinuturo nya yung action game na babaril ng mga zombie sa life-size screen.

"Tara!", nakangiting sabi ko. Ilang minuto pa nga ay nalimutan ko na ang nangyari kanina at nag-enjoy na ako ulit sa paglalaro. Ilang oras pa kaming naglaro doon. Halos lahat ng pwedeng laruin namin sa Game Center ay sinubukan namin.

Nag-eenjoy din naman si Gellina kasama si Chance. Habang dalawa kami ni Harold na magkasama at partners sa mga game na kelangan ng dalawang players. After no'n ay kumain muna kami ulit at tsaka nag-decide na umuwi.

"I had fun. Thank you sa time mo.", sabi sa akin ni Harold habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ako din. Sana next time kasama naman natin si Cristina.", sabi ko.

"Get in.", sabi ni Chance. Hindi ko namalayan na nauna pala sya sa amin maglakad. Binuksan nya na din ang passenger seat.

"O pano. See you na lang sa Monday.", sabi ko kay Harold. "Gellina, next time ulit ah?", nakangiting sabi ko sa pinsan ni Harold. Nakangiti naman itong tumango.

"Ingat kayo.", sabi nito. Sumakay na ako sa kotse. Nakita ko naman na sumakay na din sila Harold at Gellina sa dala nilang sasakyan pero nauna na kaming lumabas ni Chance sa parking lot.

Habang nasa byahe ay seryoso ang mukha ni Chance. Well, ano pa bang bago? Hahaha. Lagi naman yan seryoso eh. Nanahimik na lang din ako dahil pagod na din ako. Gusto ko ng maligo at mahiga sa kama ko. Mabilis naman kaming nakauwi ni Chance. Salamat at walang traffic. Magkasunod kaming umakyat ni Chance sa taas.

"Goodnight.", sabi ko pa sa kanya bago pumasok sa kwarto ko.

Pero hindi nya ako pinansin. Padabog na isinara nito ang pinto ng kwarto nya. Nagtataka man ay hinayaan ko na sya. Baka pagod na din, sa isip ko.
---

9AM na nang magising ako kinabukasan. Mabuti na lang at Linggo, wala kaming pasok. Bumaba ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng makakain. Doon na din ako kumain sa kitchen counter.

Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa sala para sana manood sa TV pero inabutan ko doon si Chance na nag-aaral. Oo, nag-aaral! May nakabuklat na mga libro at notes sa coffee table. At hawak nya sa isang kamay ang questionaire ng huling exam namin.

"Nag-aaral ka??", tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Why do you sound so shocked? Hindi ba ikaw na mismo nagsabi na bumawi ako sa studies ko? Tsh.", inis na sagot nya sa akin. Natawa naman ako at naupo sa sahig katulad nya.

"Eh bakit dito ka nag-aaral?", tanong ko ulit sa kanya.

"I can't focus at my room. I feel sleepy when I study there.", sagot nya. Mas lalo naman akong natawa. Inis na nag-angat sya ng tingin sa akin. "What's so funny?", tanong nya. Sumeryoso naman ako ng mukha.

"Wala naman.", sabi ko. "Kelangan mo ba ng tulong?", maya-maya ay tanong ko sa kanya.

"Just shut up. It will be a big help.", masungit na sagot nya habang patuloy sa pagbabasa.

Tsh, sungit. Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko. Pagbaba ko ay dala ko na ang gamit ko. Naglatag din ako ng libro at notebook sa coffee table at nagsimulang magbasa.

"What are you doing?", tanong sa akin ni Chance.

"Nag-aaral. Di ba sabi ko din sabay tayong mag-aral? Ayan.", sagot ko na hindi nag-aangat ng tingin sa kanya. Hindi naman na sya nagsalita.

Dalawang oras mahigit na kaming nag-aaral nang tumunog ang cellphone ko na inilapag ko sa sofa. Dinampot ko iyon at binasa ang text. Nireplyan ko iyon at ibinalik ulit sa sofa pagkatapos.

"Harold?", tanong ni Chance na nakatungo pa din sa librong binabasa.

"Si Reeya. Nakikibalita lang.", casual na sagot ko. Maya-maya ay binitawan ni Chance ang librong hawak sa ibabaw ng coffee table at seryosong tumingin sa akin. "Bakit?", tanong ko sa kanya nang nanatili syang nakatingin lang.

"Do you like Harold?", maya-maya ay tanong nya sa akin. Napaisip pa muna ako bago sumagot.

"Oo. Why not, di ba? Okay naman syang friend eh.", sagot ko at nagtuloy na sa pagbabasa.

"Hindi yon! I mean, gusto mo ba sya as a guy!", seryoso pa din na tanong nito. Natawa naman ako nang tumingin ako sa kanya ulit.

"Saan mo naman nadampot yang idea na yan?", tanong ko sa kanya. Agad naman syang nag-iwas ng tingin.

"W-wala. I was just curious. Kasi kahapon...", sabi nya pero hindi nya na itinuloy.

"Wala akong gusto sa kanya, okay?", sagot ko. Napatingin naman sya sa akin at parang nanunuri pa ang tingin.

"Are you sure?", tanong nya pa.

"Mabait si Harold. Pero wala akong gusto sa kanya.", sabi ko. Ako naman ang tumingin ng seryoso sa kanya. "Bakit mo tinatanong? Siguro... may gusto ka sa kanya 'no?", sabi ko sabay hagalpak ng tawa.

"What?!?!", inis at gulat na tanong nya sa akin. Namula pa ang tenga nito dahil sa inis. Lalo akong natawa sa kanya.

Pikon eh! Hahahaha!

"Eh bakit mo nga tinatanong?", natatawa pa din na tanong ko sa kanya.

"Wala, okay? I was just curious and that's it!", sabi nya. Pagkasabi nya no'n at saktong lumapit sa amin si Teli.

"Handa na po ang lunch nyo sa dining area.", sabi nya sa amin.

"Salamat.", nakangiting sabi ko naman sa kanya at umalis na sya. Nagmamadali naman na tumayo si Chance at pumunta na sa dining area. Inayos ko muna ang gamit ko tsaka sumunod sa kanya at tahimik kaming kumain.

The Brightest ColorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt