Chapter 35

152 8 12
                                    

NASA harap kami ng hapag-kainan para kumain. Pero ako, nakatulala pa din. Hindi dahil sa pagkain, halos parang ganito din naman kasi kinakain namin kina mom Amanda. Pero dahil sa mga kaharap ko na ipinakilala sa akin ni lolo.

"Why are you not eating, hija? Ayaw mo ba ng pagkain?", tanong ni tita Morinne. Napatingin ako sa kanya.

Ang ganda nya sobra, para syang artista. Ang puti nya at ang tangos ng ilong. Ang balat nya, ang kinis. Alam mo yung parang walang pores? Gano'n! Bilugan ang mga mata nya na kulay itim. Perfect din ang pagkaka-arko ng kilay nya at ang mga pilik-mata nya mahaba na makakapal. Matangkad din si tita Morinne. Mukha syang artista talaga!

Natauhan ako ng ngumiti sya sa akin. Nahihiyang umiling ako.

"Hindi po. I-ibig ko pong sabihin, gusto ko po! Hehe.", natatarantang sabi ko. Tsk. Hindi ako sanay makakita ng kasing-ganda ni tita Morinne kaya natataranta ako eh!

"Tsk. Baka sanay kasi sa pang-mahirap na pagkain.", pasaring ni Maddi.

Oo, si Maddi na na-meet ko doon sa agency nila Chance! Si Maddi na may gusto kay Chance! Hindi ko alam kung paano o bakit, basta anak sya si tita Morinne! Mag-pinsan kami!

Hindi ako makapaniwala! Pero hindi na ako magtataka na mag-ina sila dahil pareho silang maganda. Ang balat, mukha lahat maganda! Pero ang ugali, tingin ko sobrang magkaiba.

"Maddilyn.", warning sa kanya ni tita Morinne. Sumimangot lang naman si Maddi at tsaka nagtuloy sa pagkain.

"Kumain ka na, Holy.", nakangiting sabi sa akin ni Harold. Tsk!

Oo, si Harold na kaklase ko! Hindi ko alam kung paano o bakit, basta anak din sya si tita Morinne! Mag-pinsan kami! Hindi pa din ako makapaniwala! Sumasakit yata ang ulo ko!

"Oo.", sabi ko sa kanya na nakangiti din. Kumuha ako ng fried rice, bacon at egg na nasa lamesa. Ipinagsalin naman ako sa baso ng orange juice ni Harold. "Salamat.", sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya.

"It was Harold who told me about you.", sabi ni tita Morinne habang kumakain kami. "He knew your parents from the painting na nakasabit sa wall ng stairway natin. Then one time he told me, one of his classmates looked like Lovi, your mom.", nakangiting paliwanag ni tita Morinne.

"You really looked like your mom, hija.", comment naman ni lolo.

"I was so curious, I asked him for a photo of you. At nang makita kita sa picture, I was so excited I don't know why. I have you checked and followed by our men...", paliwanag nya.

"Men?", curious na tanong ko.

"We own an exclusive protection squad, apo. Nagtrabaho din doon ang parents mo and now, your tita Morinne handles it.", paliwanag ni lolo. Tumango lang ako.

Tama, yun ang trabahong inalisan nila mama at papa noon.

"Pagkatapos po?", tanong ko kay tita Morinne. Ngumiti muna sya bago nagpatuloy.

"And then, I knew you lost your parents. And I found out things to prove that you are actually my brother's daughter. I told papa and he did the rest.", sabi ni tita.

"I was so happy when she told me. At finally, andito ka na. Kasama namin. I am so happy.", masayang sabi ni lolo sa akin. "Of course, I want to thank Harold as well. If you didn't notice Holy, baka hindi pa din namin sya nahahanap until now.", sabi ni lolo nang bumaling kay Harold.

"I'm glad to help, lolo.", sabi nya. "It was hard not to notice her, anyway.", makahulugang sabi ni Harold at tsaka tumingin sa akin.

Nagkatinginan kami at ngumiti sya. Kinabahan ako sa tingin na yon. Gusto ko syang batukan at sigawan na 'huy! Magpinsan tayo! Pinsan!' pero nanahimik na lang ako.

"I'm done. May klase pa ko so I'll go ahead.", sabi ni Maddi tsaka tumayo at humalik sa pisngi ni lolo. "I'll see you later, lolo.", sabi nya dito.

"Mag-ingat ka sa pagdadrive.", sabi ni lolo kay Maddi. Tumango lang ito at pumunta sa mommy nya para humalik din sa pisngi nito.

"Bye, mom.", sabi nya.

"Be good, Maddi.", paalala ni tita Morinne. Ngumuso naman si Maddi sa kanya pagkatapos ay diretsong lumabas ng dining area.

"May klase din ako. I can't be late dahil exam namin eh.", sabi ni Harold at uminom ng orange juice. Oo nga pala! Binilisan ko ang subo at uminom na din ng orange juice at tubig.

"Isabay mo na si Holy. Sa isang araw pa darating ang kotse nya at iisang klase lang naman kayo kaya isabay mo na sya.", sabi ni tita Morinne kay Harold.

"Sure, mom.", nakangiting sabi ni Harold tsaka bumaling sa akin. "Ready?", tanong nya. Tumango naman ako.

Nagpaalam si Harold sa dalawa tulad ng ginawa ni Maddi. Naiilang man ay ginaya ko naman sya. At dahil doon ay natawa si lolo sa akin.

"Apo, if you're not comfortable at something, don't do it.", malumanay na sabi sa akin ni lolo. Napangiti naman ako na napapahiya.

"Pasensya na po. Hindi talaga ako sanay eh.", sabi ko.

"No worries. Okay lang, apo.", sabi nya.

"You don't have to do things just because others do it too, hija. Just be natural. Pamilya mo kami. We will love you no matter what.", sabi ni tita Morinne.

Hindi ko napigilan mapangiti. Dahil sa mga sinabi nila ay nawala ang pagka-ilang na nararamdaman ko kanina. Niyakap ko si lolo at pagkatapos ay si tita Morinne na bahagya pang nagulat pero hinaplos-haplos din ang buhok ko.

"Thank you po.", mahinang sabi ko nang bumitaw ako.

"Go ahead. Don't be late now.", sabi nya. Tumango naman ako at nagpaalam. Paglabas ko ay nasa gilid ng kotse nya si Harold, naghihintay sa akin.

"Get in.", nakangiting sabi nya nang buksan ang pinto ng passenger seat.

"Thank you.", sabi ko at naupo na doon. Mabilis din syang sumakay sa driver's seat at nagmaneho na papunta sa school.

"Nagulat ka siguro 'no?", maya-maya ay sabi nya. Napalingon naman ako sa kanya.

"Sobra. Hindi ko akalain na magpinsan pala tayo! Lalo na si Maddi. Eh unang pagkikita pa lang namin tinarayan na ko nun eh.", natatawang sagot ko.

"Nagkita na kayo noon ni Maddi?", tanong nya sa akin. Tumango naman ako.

"Oo, sa modeling agency nila Chance.", sagot ko.

"I see. Pagpasensyahan mo na si Maddi gano'n talaga yun eh. Minsan naman mabait but most of the time, mataray.", sabi ni Harold sabay tawa.

"Hindi ba sya sa LIS nag-aaral?", curious na tanong ko. Umiling sya.

"Nasa fourth year college na sya. Hindi rin nya gusto mag-aral sa LIS dahil baka wala daw syang gawin kundi habulin si Chance.", sagot nya. Hindi naman na ako nagulat. Alam kong may gusto sya kay Chance. "You know that she likes Chance?", tanong ni Harold.

"Oo.", maikling sagot ko. "Nasa college na sya, ibig sabihin mas matanda sya sayo. Bakit hindi mo sya tinatawag na ate?", tanong ko ulit maya-maya.

"Ewan. Hindi lang ako nasanay. Ikaw ba, tatawagin mo syang ate?", tanong nya sa akin. Natawa ako ng malakas.

"Ako?? Eh baka lalo akong tarayan non! Tsk. Wag na.", nakangising sabi ko. Natawa na lang din si Harold.

The Brightest ColorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant