Chapter 16

225 21 25
                                    

GABI na ng magising ako. Nakatulog pala ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Nagpalit muna ako ng damit at dinampot ko yung plastic bag na may laman na gamot at tubig. Hindi pa din ako kumakain kaya lumabas ako ng kwarto ko at akmang bababa na nang marinig kong parang may sumisigaw. Napatingin ako sa kwartong nasa tabi ko. Kwarto yun ni Chance at medyo nakaawang ang pinto.

Hindi sa pagiging chismosa pero parang gano'n na nga, lumapit ako sa pinto at narinig ko ang pamilyar na boses.

"Kailan ka ba talaga magseseryoso sa pag-aaral, Chance? Ha?!", galit na tanong ng babae. Si mom! Kelan pa sya nakabalik?

"Seryoso ako.", malamig na sagot ni Chance. Gumilid ako sa may pader para hindi nila ako makita. Ano kayang nangyayari?

"Seryoso? But you don't even tell me what's going on with your studies. Kung hindi ko pa nalaman sa teacher mo mismo eh kelan ko pa kaya malalaman?!", sabi ni mom. Natawa naman ng mapait si Chance.

"Tell you? Why? Do you even care? All you care about is your business.", sabi nya. Hindi ko man nakikita ang mukha ni mom ay sigurado akong nagulat sya sa sagot na yon ni Chance.

"W-what are you saying? Of course, I care. I'm your mother!", sabi ni mom.

"You are my mom but I can't feel it. Ever since d-dad died, parang wala ka na din! All you do is work and work. Ako? Nakikita mo lang ako kapag ganitong palpak ako!", galit na sabi ni Chance.

"A-anak. You know I'm doing this for you.", sabi ni mom. Umiiyak na sya. At umiiyak na din si Chance.

"For m-me? I don't need those money, mom! I n-need your moral support for w-what I wanna do. And you can't... you can't give it!", gumagaralgal ang boses na sabi ni Chance.

"Anak, ang gusto ko lang naman makapagtapos ka muna ng pag-aaral. It's for your own good!", paliwanag ni mom.

"You don't care! I can decide on my own!", sigaw ni Chance pagkatapos ay nakarinig ako ng parang sinampal.

Aalis na sana ako dahil sobra na ang mga naririnig ko pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Chance. Nagulat din syang makita ako doon. Sandali pa kaming nagkatinginan pagkatapos ay mabilis syang naglakad pababa.

"Son, wait! I'm sorry! I'm sorry, Chance!", habol sa kanya ni mom.

Umiiyak pa din ito pero hindi na nagtuloy sa pagbaba ng hagdan. Nilapitan ko sya at niyakap nya naman ako.

"I didn't mean to hurt him.", sabi nya habang umiiyak pa din. Nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya kaya naman nung bumitaw sya sa akin ay nagpaalam akong susundan si Chance.

"Susundan ko po. Kakausapin ko sya.", sabi ko.

"Please, Holy, anak. Please.", sabi ni mom. Tinawag ko si manang Norma para alalayan si mom at dalhin sa kwarto.

"Magpahinga po muna kayo.", sabi ko tsaka lumabas ng bahay. Nakita kong nandoon pa din ang kotse ni Chance.

Saan kaya nagpunta yun?

Naglakad ako hanggang sa makalabas ako ng gate pero wala sya doon. Madilim na at tanging ilaw na lang ng mga poste ang nagbibigay liwanag sa kalsada. Tahimik na din. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa playground ng subdivision.

Nakita ko si Chance na nakaupo sa damuhan. Hindi na sya umiiyak pero nakatulala sya sa langit. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.

Chance
NAKITA kong palapit sa akin si Holy pero hindi ko sya nililingon. Hanggang sa makaupo sya sa tabi ko ay hindi ko pa din sya pinapansin. Nalulunod ako sa sarili kong isip. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko kay mom.

I feel guilty pero what can I do? I'm hurting and that's how I feel. Alam kong mali ako at kulang pa itong sampal na inabot ko.

"Ano bang nangyari?", tanong ni Holy after like twenty minutes of just sitting there. Hindi ako sumagot. Nandoon sya di ba? She must have heard everything. "Umuwi na tayo.", sabi nya nang hindi ako sumagot.

"Ayokong umuwi.", sabi ko.

"Eh di magkwento ka na lang. Anong nangyari?", tanong nya ulit.

"Narinig mo naman, di ba? Nalaman na ni mom yung mga bagsak ko!", inis na sagot ko sa kanya.

"O tapos?"

"Anong tapos? Wag ka na nga magtanong! Narinig mo naman. Nandoon ka, nakita kita!", sigaw ko nang lumingon ako sa kanya pero hindi naman sya natinag sa pagkakaupo nya. Bumuntong-hininga pa muna sya bago nagsalita ulit.

"Hindi daw sinasadya ni mom yan.", sabi nya sabay turo sa pisngi ko na sinampal ni mom kanina.

"I know.", sabi ko tsaka iniwas ang tingin sa kanya. Tumungo ako damuhan at naglaro ng mga damo sa daliri ko.

"Yun naman pala eh. Anong problema?", inosenteng tanong nya sa akin.

"Are you dumb? Nahawa ka na ba kay Cristina? The problem is me! I didn't want to hurt mom pero sinabi ko yun lahat sa kanya. I've d-disappointed a-and hurt h-her.", sabi ko.

Tumulo na naman ang luha ko sa bigat ng nararamdaman ko. Mabilis ko yung pinahid ng kamay ko pero tumulo pa din iyon ng tumulo. Natahimik naman sya at maya-maya ay naramdaman ko ang kamay nyang humahagod sa likod ko.

Ewan ko, pero iba ang dating non sa akin. It calms me.

"Alam mo isang sorry mo lang okay na si mom.", sabi nya habang hinahagod pa din ang likod ko.

"It's not enough.", bulong ko pero sapat para marinig nya.

"Then bumawi ka. Kung hindi sapat sayo ang sorry, bumawi ka sa kanya. Umpisahan mo sa pag-aaral mo.", seryosong sabi nya. "Gusto nya lang naman na mag-aral ka muna. Kung hindi mo kelangan ng pera, kelangan mo ng kaalaman. Maswerte ka binibigay sayo pareho ng mommy mo.", dagdag nya pa. Para naman akong natauhan sa mga sinabi nya.

Tama sya. Napaka-swerte ko.

"Hindi ko alam kung paano magsisimula. I'm left behind with lessons sa school.", sabi ko. Lumingon sya sa akin at ngumiti.

"Pareho lang tayo. Kelan lang ba ako pumasok? Sabay tayong mag-aral. Makakahabol din tayo.", sabi nya.

Hindi ko alam kung pinapagaan nya lang ang loob ko sa mga sinasabi nya pero I admit. It's effective. Gumaan ang pakiramdam ko.

"After mo mag-aral at hindi ka pa din suportahan ni mom sa gusto mo, promise andon ako. I can trust and support you on that.", malapad ang ngiting sabi nya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung dahil iyon sa mga sinabi nya o dahil sa ngiti nya. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakangiti na din pala ako.

"Tsh.", yun lang ang nasabi ko at nakangiting iniwasan ang tingin nya.

"Hindi ka naniniwala? Totoo yon ha! Hindi nga lang financial support. Wala akong pera eh. Hehe.", natatawang sabi nya. Natawa din naman ako.

"Halika na, umuwi na tayo.", sabi ko sa kanya at tumayo na. Inaabot nya sa akin ang kamay nya para tulungan syang tumayo. Tiningnan ko pa muna iyon bago abutin.

"Tara na.", sabi nya nang makatayo at nauna na maglakad. Tiningnan ko pa muna syang maglakad palayo at napangiti ako. I think I'm starting to like her.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now