Chapter 64

117 6 0
                                    

Punch
"MADDI, hindi talaga. Hindi kita pwedeng hayaan na pumasok dyan sa loob.", sabi ko kay Maddi habang naka-park kami sa labas ng isang bar. Nakaupo sya sa passenger seat at nakatingin sa paligid. Parang may hinihintay.

"Sshh. You're too loud, Punch.", saway nya sa akin.

Maya-maya ay may nag-park na puting kotse sa tabi namin at mula doon ay bumaba ang isang payat na babae.

"Tsk. Sabi ko na nga ba't you'll be here on a Sunday night.", nakangising sabi nya.

Nang makapasok sa loob ng bar yung babae ay binuksan ni Maddi ang pinto ng kotse namin pero bago pa sya makalabas ay hinawakan ko sya sa braso nya.

"Have you forgotten? You can't go out alone and party.", seryosong paalala ko sa kanya. Naupo ulit sya sa passenger seat at tumingin sa mga mata ko.

"Who says I'm gonna party?", tanong nya. "And I'm not alone. Dalawa tayo dito, di ba?", nakangiting dagdag nya tsaka bumaba sa kotse.

Ilang segundo pa akong napatulala sa kotse and then... I smiled. Like a crazy. I feel energized upon hearing that.

"Tsk. Pasalamat ka, gusto kitang babae ka.", nakangiting bulong ko at bumaba na din sa kotse.

Sino ba kasing makakatanggi sa ganda ng ngiti nya? Hay.

Magkasunod kaming pumasok sa bar. Maingay at medyo crowded na din sa loob. Nauunang maglakad si Maddi at nakita kong nagpalinga-linga sya sa paligid. May hinahanap. Maya-maya pa ay lumapit sya sa isang grupo ng mga babae. Ano bang balak nito? Nang makalapit ay naupo sya sa single couch na nandoon. Sabay-sabay naman na napalingon sa kanya ang apat na babae na nakaupo doon. Nanatili naman akong nakatayo, nagmamasid sa paligid.

"Are you, girls, busy?", nakangiting tanong ni Maddi between the loud music. Nakita ko na nanlaki ang mata nung payat na babae na sinundan namin kanina.

"What do you want?", seryosong tanong ng babae. Tinaas ni Maddi ang kamay nya at tinawag ang atensyon ng waiter na malapit.

"Yes, ma'am?", tanong nito nang makalapit.

"I need a VIP room for us.", sabi nya sa waiter. Tumango naman ang waiter at pumunta sa counter. Ilang minuto lang ay bumalik na ito.

"Please follow me, ma'am.", sabi nya. Tumayo na si Maddi pero nanatiling nakatingin lang ang mga babae sa kanya.

"I'm not gonna ask you to follow me inside but you all have to follow me. Now.", sabi nya sa apat na babae. "Oh, and don't worry about the room. It's on me.", nakangiting sabi nya.

Nagkatinginan muna ang apat na babae pero tumayo na din at sumunod kay Maddi.

Nang makapasok sa kwarto ay agad na naupo si Maddi sa pulang couch na nandoon. Ang apat na babae ay magkakatabing naupo sa mahabang sofa.

"Ano bang kailangan mo?!", mataray na tanong ng payat na babae. Tahimik sa VIP room kaya naman kahit paghinga nila ay dinig ko.

"Joyan, right?", tanong ni Maddi. Hindi naman sumagot ang babae. "Are you aware of what's happening between Holy and Chance?", tanong ni Maddi.

"Ahhh. You came for that?", nakangiting tanong ni Joyan. "I am very aware. Ako ang may gawa nun eh.", proud na sabi nya. Ngumiti din si Maddi sa kanya.

"I want you to take back all that you said to Holy.", sabi ni Maddi.

"And why would I do that? Hindi ba gusto mo din si Chance?", tanong nya kay Maddi. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi nya. Oo, aware ako doon pero wala naman akong magagawa eh.

"And?", tanong ni Maddi. I was hoping she deny that pero hindi. I was a bit disappointed, I admit.

"You should be happy. Kasi nagkakasira na sila ni Holy.", sabi ni Joyan with a sly grin.

Maddilyn
"I DON'T play as cheap as you.", sagot ko kay Joyan. Kitang-kita ko na nainsulto sya sa sinabi ko.

"Whatever. I'm enjoying what I'm doing. Now, if you don't have anything else to--", hindi ko sya pinatapos sa sasabihin nya at padabog kong inilagay sa lamesa sa harap nya ang isang folder na kanina ko pa hawak. Nagtatakang napatingin sya sa akin.

"These are records of your family's share with one of our company. Actually, sobrang liit ng share nyo. I can buy it with my own money.", sabi ko.

Nakita kong gulat na gulat si Joyan sa mga sinabi ko. Dinampot nya ang folder at sinuri ang mga papel na nandoon.

"I can gather the board of directors to support me for your father's dismissal in the company. After that... saan na lang kayo pupulutin?", nakangising tanong ko sa kanya. Mula sa gulat ay nagbago ang expression ng mukha nya. Naging takot iyon at kaba.

Tumingin din ako sa mga kaibigan nya

"I know one of you took those photos na pinadala nyo kay Holy. Standing here is my lawyer...", sabi ko sabay lingon kay Punch.

Saglit syang nagulat pero agad ding nakabawi. Napangiti ako. Madali syang makapick-up ah, sa isip ko.

"I can file a lawsuit against you", dagdag ko pa nang bumaling ulit sa kamila. Takot na takot na din sila.

"You're an A-argento?", tanong ni Joyan. I grin more widely.

"Look, I'm not willing to go that far if only you'll cooperate.", sabi ko. Unti-unti nyang inilapag ang folder sa lamesa at tumingin sa akin. Wala na yung taray sa mukha nya.

"Why are you doing this?", tanong nya. Napaisip din ako. Bakit nga ba? Napangiti ako.

If I were my old me, I would never do this. Pero... gusto kong bumawi sa mga kamalditahan ko kay Holy. I've seen how sincere and kind she is, I don't think she deserves this. No. No woman deserves to be hurt like this.

"What exactly do you want me to do?", tanong nya ulit nang hindi ako sumagot.

"Come with me.", sabi ko kay Joyan. "And the rest of you can do whatever you want."

Holy
PAPASOK na ako sa mansion mula sa likod-bahay. Tumambay ako kina Reeya dahil wala akong magawa sa mansion. Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng gabi. Ang dami din kasing kwento ni aling Lily. Nagpapasalamat din naman ako dahil kahit papaano eh nakalimutan ko saglit ang mga iniisip ko.

Bago pa ako makapasok sa mansion ay nakita kong dumarating ang kotse ko na dala ni Punch. Bumusina pa ito bago mag-park sa harap ng bahay kaya muntik pa akong mapatalon sa gulat.

"Holy, naiwan mo ang cellphone mo sa bahay.", sabi ni Reeya mula sa likod ko.

Inabot ko naman iyon pero nakatingin pa din ako sa kotse. Mula sa passenger seat ay bumaba si Maddi.

"What's up, losers?", nakangiting bati nito sa amin. Pareho kaming napasimangot ni Reeya. Wala talagang kupas ang isang ito. "I have something for you.", sabi nya sa akin.

"Ano yun?", nagtatakang tanong ko. Maya-maya ay may isang babae na bumaba mula sa back seat. Si Joyan! "A-anong ginagawa mo dito?", naguguluhan na tanong ko.

"Hala. Kinidnap mo sya, Maddi??", exaggerated na tanong ni Reeya. Inirapan naman sya ni Maddi.

"I did not! Kusa syang sumama.", sabi ni Maddi. "She's here to clear something.", dagdag nya nang tumingin sya kay Joyan.

Sinenyasan nya ito na lumapit sa akin. Parang takot naman si Joyan pero lumapit pa din at tumayo sa harap ko.

"Ano yun?", tanong ko sa kanya.

Lumingon pa muna sya kay Maddi na pinandilatan naman sya ng mata. Napalunok muna si Joyan bago nagsalita.

"Y-yung... yung mga sinabi ko sayo sa school... h-hindi yon totoo.", mahina at nauutal na sabi ni Joyan.

The Brightest ColorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora