Chapter 34

157 10 16
                                    

KAHIT ang kwarto ko, ang gara din! King size yata ang kama ko sa laki. May malaking cabinet at drawer na gawa sa magandang klase ng kahoy sa isang side. May vanity mirror pa doon at dalawang shoe racks na puno ng magagandang rubber shoes, high heels at pambahay na tsinelas. Agad ko yung nilapitan at isinukat ang rubber shoes na nahawakan ko. Sakto ah, nakangiting sabi ko sa isip ko.

Meron din akong sariling sala sa kwarto ko. May malaking TV screen na nakadikit sa pader. Sa harap non ay may coffee table at isang mahabang sofa na kulay gray. Iyon yata ang pinaka-magandang kulay na nandoon dahil ang pader ay kulay pastel pink! Tsk.

Maganda naman yon kaso hindi ko lang talaga trip ang kulay na yon para sa pader. Di bale na, ang importante may pader ang kwarto. May malaking bintana din sa kwarto ko na may puting kurtina at kapag binuksan iyon ay tanaw ang magandang garden area na maraming bulaklak na nakatanim.

Pumunta ako sa banyo at nagulat ako sa laki! Puti ang tiles doon. Ang toilet area at sink ay nahaharangan ng kulay gold na kurtina. May shower din. At meron akong bath tub na kulay ginto!

Napangiti ako ng malaki. Tiningnan ko ang maliit na cabinet na nandoon. May laman iyong iba't-ibang brand ng shampoo, conditioner at sabon. May scrubs din at mga lotion. At lalo akong natuwa nang makita ko ang hinahanap ko. Bubble bath liquid!

Excited akong kumuha ng damit at tuwalya mula sa maleta ko at naligo sa bago kong bath tub. Lakas maka-sosyal! Nasa ganoon akong pagpapaka-sosyal nang may maisip ako. Tumayo ako at isinuot ang robe na nakasabit doon sa banyo. Lumabas ako at dinampot ang cellphone ko na nasa side table.

Nang makabalik ako sa bath tub ay dinial ko ang number ni Reeya. Nangingiti pa ako habang hinihintay na sagutin nya ang tawag ko.

"O hello?", sabi ni Reeya nang sagutin nya.

"Hulaan mo anong ginagawa ko?", tanong ko sa kanya sabay tawa.

"Hoy gaga, kelan pa ako naging manghuhula??", mataray pero pabirong sabi nya. Lalo akong natawa.

"Bibigyan kita ng clue. Pangarap natin ito gawin noon pa.", sabi ko. Saglit syang natahimik sa kabilang linya.

"Magpakamatay sa kakakain?", sabi nya. Napasimangot naman ako. May pinangarap ba kaming gano'n??

"Gaga. Gutom ka siguro 'no??", sabi ko sa kanya. Natawa naman sya.

"Oo at nagluluto ako kaya sabihin mo na ang sasabihin mo!", pasigaw na sabi nito. Napabungisngis naman ako sa sinabi nya.

"Nasa bath tub lang naman ako naliligo at may bubbles pa.", sabi ko sabay tawa ng malakas.

"Talaga? Hayup ka, may bath tub ka dyan sa kwarto mo kina Chance?? Bwisit ka! Ang daya mo!!", sigaw nya. Inilayo ko ng konti ang cellphone mula sa tenga ko pero natatawa din ako.

"Wala na ako kina Chance! Andito na ako sa lolo ko at ang gara ng bahay, grabe!", masayang sabi ko.

"Seryoso ka? Hala. Kelan pa??", hindi makapaniwalang tanong nya.

"Ngayon lang. Basta kwento ko sayo kapag nagkita tayo. Doon pa din naman ako papasok sa LIS at magkikita pa din tayo.", sabi ko habang naglalaro ng bubbles.

"Malapit lang kayo? Eh di magkikita pa din kayo ni Chance nyan. Yiie.", pang-aasar ni Reeya.

"H-huy, anong... bakit naman sya n-nasali sa usapan ha??", nauutal na tanong ko.

"O bakit, ayaw mo na ba syang makita?", kunwari ay inosenteng tanong nya.

"Hindi naman sa gano'n..."

"Eh di gusto mo syang makita?", tanong nya ulit. Unti-unti naman akong naiinis.

"Tigilan mo nga ako, Reeya! Panira ka naman eh!", sabi ko sa kanya at narinig ko syang tumawa.

"Ikaw ang magtigil, Holy. Kitang-kita ko kung paano ka tumingin sa kanya lalo nung nasa ospital si nanay. At kitang-kita ko din kung paano ka nya tingnan 'no!", sabi nya. Napaisip naman ako.

Paano ko ba sya tingnan? At paano ba sya tumingin sa akin? Tsk!

"Reeya, pwede ba? Tsk.", sabi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh.

"Umamin ka nga sa akin. May gusto ka na sa kanya 'no? Yiie.", tanong nya sa akin. "Sagot!", dagdag nya pa nang di ako sumagot.

"S-siguro. Hindi ko pa alam!", inis na sabi ko. Bigla naman ayang tumili sa kabilang linya at muntik ko na mabitawan ang cellphone ko. "Huy ang ingay mo!", sigaw ko sa kanya.

"Kinikilig ako, langya ka! Bagay naman kasi kayo, gaga!", kinikilig na sabi nito.

"Kaso hindi nga pwede--"

"Bakit? Hindi ka naman na nila siguro aampunin kung andyan na ang lolo mo? O edi hindi na kayo magiging magkapatid kahit sa papel pa! Bakit hindi pa pwede?!", tanong nya. Napaisip din ako.

Oo nga pala 'no? Sinabi ko nga din pala kay Chance yon, bakit ko ba nalimutan? Napangiti ako nang maalala ko ang reaction nya nung sinabi ko yun sa kanya.

"Huy, ano na?! Namatay ka na sa kilig!", sabi nya pa.

"Ikaw, dapat ka ng itumba. Masyado ka ng maraming alam!", kunwari ay inis na sabi ko sa kanya. Pero ang totoo kinikilig din talaga ako! Hahahaha!

"Pa-experience muna ng bubble bath bago mo ko ipatumba!", biro nya. Sabay pa kaming natawa.

Ilang minuto pa kami nag-kwentuhan bago ko pinatay ang tawag. Nagbanlaw na ako at nagbihis. Paglabas ko sa banyo ay naupo ako sa gray na sofa at nag-isip.

Nagdrama drama pa kami ni Chance kanina eh magkikita pa din naman pala kami. Hahahaha! Wala naman palang balak si lolo na ilipat ako ng school at ilayo dito. Hays. Sinuswerte pa din.

Nahiga ako sa sofa at itinaas ang paa sa arm rest no'n. Ngayong ganito na ang sitwasyon, wala na sigurong masama kung magustuhan ko si Chance di ba? At ngayon na ganito na ang sitwasyon, masasabi ko na nga sa sarili ko na oo, gusto ko na nga sya.

Kinikilig na napangiti ako at tinakpan ang mukha ko kahit ako lang naman ang nandoon sa kwarto. Ngayon pa lang ay namimiss ko na sya. Excited na kong makita sya bukas!

The Brightest ColorOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz