Chapter 61

106 4 0
                                    

"GOOD morning.", bati ko pero pagdating ko sa kusina ay si Harold lang ang nandoon. "Nasaan sila?", nagtatakang tanong ko.

"Mom left early. Marami pa kasing aasikasuhin tungkol sa nangyari kagabi. Maddi is still in her room.", sagot nya. "Kain na.", aya nya sa akin. Umupo ako sa katapat nyang upuan tsaka kumuha ng pagkain.

"Ano nang nangyari pala?", tanong ko. Nilunok muna ni Harold ang nasa bibig bago nagsalita.

"Malakas ang evidence against that Riva so makukulong talaga sya. As for Maddi, hindi ko pa alam kung anong mangyayari. But mom's doing everything para hindi sya makulong.", sagot nya. Napatigil ako sa pagkain.

"Posible ba talagang makulong si Maddi?", nag-aalalang tanong ko.

Nakakaawa naman sya kapag gano'n ang nangyari. Sa tingin ko ay hindi nya kakayanin ang makulong. Kagabi nga lang takot na takot na sya eh.

"Well, she's a user and an accomplice. Though napilitan lang sya dahil sa pananakot ni Riva.", sagot ni Harold.

"Pinilit lang pala sya eh, bakit--", itinaas ni Harold ang kamay nya kaya naman napatigil ako sa pagsasalita.

"Don't worry, okay? Mom will do everything she can for Maddi.", nakangiting sabi ni Harold.

Tumango na lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya ay pumasok si Sheila, isa sa mga maids sa mansion.

"Ma'am, delivery po para sa inyo.", sabi nya at may iniabot na brown envelope sa akin. Naka-fold iyon sa kalahati at naka-tape.

"Sa akin?", tanong ko pa pero kinuha ko na din ang iniaabot nya.

Pagkaalis nya ay binuksan ko na ang envelope. Nahirapan pa akong tanggalin ang tape dahil sa dami.

"Ang dami namang tape nito.", bulong ko.

Nang mabuksan ay tumambad sa akin ang maraming litrato. Noong una ay hindi ko makilala o maintindihan ang nasa litrato pero ilang tingin pa ay nakita ko ang pamilyar na figure na nandoon. Kahit nakatalikod ang nasa litrato ay bigla akong kinabahan.

Chance?

Sa litrato ay mayroon syang kasamang babae. Magkatabi sila sa upuan, parang sa bar iyon dahil sa itsura ng background at medyo madilim din sa lugar.

Bawat lipat ko ng litrato ay palapit sila ng palapit sa isa't-isa hanggang sa magkadikit na ang mga katawan nila. At sa huling litrato ay magkalapit na ang mga mukha nila.

Anong ginagawa nila?

Tinatanong ko pa ang sarili ko pero obvious naman. They were kissing. At sa huling litrato na yon, kitang-kita ko ang mukha ni Chance.

"Holy, what's wrong?", tanong sa akin ni Harold.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at kitang-kita ko ang pag-aalala nya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at sunud-sunod ang tulo ng luha ko.

Tiningnan ko ulit ang mga litrato at napansin ko ang babaeng kasama ni Chance. Si Joyan ang kasama nya. Para akong sinaksak sa puso sa sakit na nararamdaman ko. Kaya pala gano'n na lang ang bati sa kanya ni Joyan nang magkita sila. Parang sobrang close sila. At kaya pala gano'n na lang ang reaction ni Chance nang lumapit sa amin si Joyan. Parang takot na ewan. Naalala ko din yung mga pagkabalisa nya simula nung magkita sila ni Joyan sa school.

Now it all made sense.

Naalala ko din yung mga sinabi sa akin ni Chance kahapon. Mahal mo ko, pero bakit ganito? Ang sakit sakit. Ang hirap huminga sa sobrang sakit.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now