Chapter 18

230 18 18
                                    

"DON'T you have anything else to wear?", tanong sa akin ni Chance nang makababa ako. Tiningnan ko ang damit kong suot.

"Hindi naman ito yung suot ko kanina ah.", sabi ko sa kanya.

"No, I mean, bakit ba laging itim o gray ang suot mo? Wala bang ibang kulay ang closet mo?", kunot ang noong tanong nito.

"Meron.", nakangiting sagot ko. Napatingin naman sya sa akin. "Puti.", dagdag ko. Lalo naman sumeryoso ang mukha nya at natawa ako dahil doon.

"May mga binili sa akin si mom kaso masyadong makukulay. Hindi ko trip. Paborito ko ang black. Okay din naman ang gray. Anong masama?", dagdag ko pa. Naglakad na sya palabas kaya naman agad akong sumunod sa kanya.

"Get in.", sabi nya after i-unlock ang pinto. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat at sumakay na doon.

"Saan tayo pupunta?", tanong ko nang makaalis na kami sa bahay. "Mamamasyal ba tayo?", masayang tanong ko pero hindi pa din sya sumagot. "Buksan natin ang radyo ah?", sabi ko at akmang bubuksan ang radyo ng kotse nya pero tinapik nya ang kamay ko. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Ayoko ng maingay while I'm driving.", sabi nya.

"Eh saan ba tayo pupunta??", tanong ko ulit sa kanya. Medyo mataas na ang boses ko.

"Pwede ba? Just shut up for a while. Ang ingay mo eh.", iritableng saway nya sa akin.

"Nye nye nye nye.", panloloko ko sa kanya habang nagme-make face pa.

"What are you doing?", tanong nya nang mapasulyap sa akin. Tinaas ko ang kanang palad ko paharap sa kanya at nagulat naman sya.

"Shut up. Ayaw mo ng maingay while you're driving di ba?", sabi ko sa kanya.

"Tsh.", singhal nya pero hindi na nagsalita pa ulit.

Maya-maya kumaliwa kami papunta sa isang magarang building. Nag-park kami sa harap non at agad naman bumaba si Chance.

"Anong meron dito?", takang tanong ko sa kanya. Naglakad sya sa papasok at sinundan ko naman sya.

"This is our talent agency.", sagot ni Chance.

Talent agency? Anong gagawin namin dito? Sumakay kami sa elevator at pinindot nya ang 4th floor. Pagbukas ng pinto ay nakasalubong namin si Kemen at Jax. Nagulat pa ang dalawang ito nang makita ako. Sabagay, ano ba kasing ginagawa ko dito?

"Dude, what's up? Sakto ang dating mo dahil may photo shoot tayo today sa studio sa baba.", sabi ni Jax.

"I know, it's in my schedule.", sagot naman ni Chance.

"Hello, Holy. Nice to see you again.", bati sa akin ni Kemen. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Hi.", sabi ko.

"What are you doing here with him, Holy?", curious na tanong sa akin ni Jax.

"Hindi ko nga din alam eh.", natatawang sabi ko.

"Baka may date sila after photo shoot.", nakangiting sabi ni Kemen kay Jax.

Date?! Muntik akong mabulunan sa sarili kong laway dahil doon.

"Shut up both of you.", seryosong saway sa kanila ni Chance pero hindi naman nasaway ang dalawang kaibigan nya. "Wait for me here. I'll just talk to someone.", sabi nya sa akin. Tumango lang ako at lumakad na sya papunta sa isang kwarto.

"Are you two dating?", nakangising tanong ni Jax nang mawala sa paningin namin si Chance.

"Ha? Hindi ah!", mabilis na tanggi ko. Natawa naman silang dalawa.

"Look at you blushing! You're so cute!", natatawang sabi ni Kemen. Ako? Nagbablush? Automatic na napahawak ako sa mukha ko.

"Goodluck on that. Mauna na kami sayo at magre-ready pa kami sa baba eh.", paalam ni Kemen.

"See you around.", sabi ni Jax at sumakay na sila sa elevator. Pakiramdam ko eh nakahinga ako ng maluwag nung umalis sila.

Ano bang iniisip ng dalawang yun? Tsk.

Pumunta ako sa waiting area na nandoon at naupo sa sofa. Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa din si Chance. Dinampot ko ang magazine na nandoon at nagbasa na muna. Pero ang totoo pictures lang naman ang tinitingnan ko.

"Excuse me.", tawag sa pansin ko ng isang lalaki. Agad akong napaangat ng tingin dito. "Do you mind if I sit here?", tanong nito na nakangiti sa akin. Matangkad syang lalaki at talaga namang gwapo. May dimple sya sa magkabilang pisngi kapag ngumiti.

"N-no, not at all.", nauutal na sagot ko. Ngumiti naman sya ulit at tsaka naupo sa sofa.

Tiningnan nya ang magazine na hawak ko. Napatingin naman din ako doon at napansin ko na sya ang nasa cover no'n!

"Ikaw? I mean, ikaw 'tong nasa cover?", nanlalaki ang mga matang tanong ko. Alpha Roy Riva, basa ko sa pangalan nya na nasa magazine. Natawa naman sya.

"People usually know me instantly even from afar.", sabi nya. Binigyan ko naman sya ng naiilang na ngiti.

"Ah, hehe. Hindi kasi ako mahilig sa fashion. Actually, ngayon lang ako nakabasa ng issue ng magazine na 'to.", sabi ko sabay lapag sa lamesa ng magazine na hawak ko.

"That's weird. What are you doing here then? If you don't mind me asking.", nakangiti pa din na tanong nya.

"May hinihintay lang ako.", nakangiti din na sagot ko sa kanya.

Chance
"ARE you sure about this, Chance?", tanong ulit sa akin ni Joy, ang handler namin, after I told her that I will take a break from modeling. "You're rising already eh. Sayang naman.", dagdag nya pa.

"Yes, I'm sure. I have to focus on my studies first. I don't wanna disappoint my mom again.", paliwanag ko sa kanya. Alam nya naman ang status ko sa pag-aaral kaya hindi na rin ako nahirapan na magpaalam sa kanya.

"Kung desidido ka na talaga, there's nothing I can do about it. Goodluck.", nakangiting sabi nya. "Basta alam mong may babalikan ka dito, if ever.", dagdag nya pa. Napangiti na din ako sa sinabi nya.

"Thank you. I'll go ahead now.", sabi ko at tumayo na.

"Basta yung photo shoot today ha? Gawin mo muna since you're already here. Then I'll file the leave for you.", sabi nya. Tumango naman ako at tuluyan nang lumabas ng opisina.

Paglabas ko ay agad hinanap ng mata ko si Holy. Nakita ko syang nakaupo sa isang sofa sa waiting area. Nagulat naman ako na makitang kausap nya si Alpha. Tsh. Nawala lang ako sandali, kung sinu-sino na ang kangitian nito, sabi ko sa isip ko nang makita kong masaya silang nagkukwentuhan.

"Holy.", tawag ko sa kanya nang makalapit ako. Pareho naman silang lumingon sa akin. Bakas sa mukha ni Alpha ang pagkagulat ng makita ako.

"Ah, so sya pala ang hinihintay mo?", nakangiting tanong nya kay Holy. Tumango naman si Holy at tumayo. Tumayo din si Alpha mula sa kinauupuan nya. "Hey.", bati nya sa akin.

"Hey.", bati ko din.

"This is new. I mean, you having a girl with you.", sabi nya sa akin na mayabang ang pagkakangiti. Hindi na bago sa akin ang ngiti nyang ganyan. Palibhasa ay sikat na kaya mayabang na din.

"Well, you're not the only one to notice.", seryosong sagot ko naman.

"This modeling distracts you from studying.", makahulugang sabi nya. Sabay tingin kay Holy. "I hope girls won't distract you from modeling.", nakangising dagdag nya. Nginisian ko din sya.

"Actually, I just file for a leave.", sagot ko at natigilan naman sya.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now