Chapter 41

142 6 13
                                    

"OKAY naman. Hehe.", sagot ko sa kanya. Nakangiti syang tumango-tango.

"Do you like him?", tanong nya ulit. Nakangiti pero seryoso ang tanong nya.

"Oo.", I answered him honestly.

"Well, I can see that he likes you too.", sabi nya.

"Talaga?", tanong ko. Alam ko, sinabi na sa akin ni Chance na gusto nya ako. Pero nagugulat pa din ako na malaman na napapansin din yun ng ibang tao.

"Oo. Like what Cristina said earlier, he was never like that to any girl at school. And I doubt there ever was outside school.", natatawang sabi ni Harold. "Don't get me wrong. He's alright and all but it seems that he's not interested to anyone. Even Maddi.", sabi nya.

"Ganyan nga din sinabi nung dalawang kaibigan nya sa modeling agency nila.", sabi ko.

"See. So I guess he really likes you.", sabi ni Harold. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit mo sinasabi sa akin ang mga yan?", tanong ko sa kanya. I'm just curious. Ngumiti muna sya bago sumagot.

"Because I liked you too.", sabi nya. Nabigla naman ako sa sinabi nya pero narealize kong past tense na ang ginamit nya. Napakunot ang noo ko.

"I mean, it's not that I don't like you now. I still do but unlike how Chance 'like' you. I like you as a sister and I want you to be happy.", paliwanag nya.

Hindi ko alam pero para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi nya. Sa totoo lang ay gusto ko din naman syang kasama pero tulad ng sa kanya, parang kapatid lang din ang turing ko sa kanya. Masyado lang pala akong assuming, wew!

"Alam mo bang selos na selos sayo yun si Chance?", natatawang tanong ko sa kanya. Natawa din naman sya.

"Well, it's obvious.", sagot nya. "Parang laging badtrip sa akin yun eh.", nakangiting dagdag nya pa.

"Hay. Sana narinig nya ang usapan natin para hindi na sya magselos.", sabi ko. Maya-maya ay nag-ring ang phone ni Harold.

"Excuse me. Iwan muna kita.", sabi nya.

"Sige lang.", sabi ko.

Tumayo naman sya at naglakad palayo habang may kausap sa cellphone nya. Napahiga ako sa sofa nang makaalis sya. Gusto kong tawagan si Chance para sabihin sa kanya ang mga sinabi ni Harold. Pero naalala ko yung pagtawag nya kanina.

Hmm. Hayaan ko muna syang mag-isip at magselos ngayon. Bukas ko na sasabihin. Hahahaha!

Nasa gano'n akong sitwasyon nang biglang dumating si Maddi na may kasamang dalawang babae at dalawang lalaki. Sa postura ay mukhang mga model din katulad nya.

"Who is she?", maarteng tanong nung isang babae na maikli ang straight na buhok. Napatingin ako kay Maddi at umayos ng pagkakaupo.

"Hi, Maddi.", masayang bati ko sa kanya pero inirapan nya lang ako.

"Can you leave? My friends and I are gonna watch some movies.", mataray na sabi sa akin ni Maddi.

Tumayo naman agad ako. Dinampot ko ang lata ng drinks at bowl ng chips na ginamit namin ni Harold. Akmang tatayo na sana ako nang magsalita ang isa pang babae na kasama nya. Kulot ang buhok nito na blonde.

"Before you leave, can you please shake off the part of the sofa that you just sit on? It looks dirty.", maarteng sabi nito.

Natawa naman silang lahat dahil doon. Napangiwi ako sa kaartehan nya pero pinagpag ko pa din ang sofa. At sinadya kong papuntahin ang pinapagpag ko dun sa dalawang maarteng babae.

"Oh, gosh. Be careful!", sabi nung maikli ang buhok.

"Sorry. O eto, ikaw na magtuloy.", sabi ko sabay abot nung throw pillow sa kanya na ginamit ko pang-pagpag. Ngumiti ako sa kanila pero pare-parehong inis ang nasa mukha ng tatlong babae samantalang natatawa naman ang dalawang lalaki na kasama nila.

"How dare you?!", sigaw nito at akmang sasampalin ako pero nasalo ko ang kamay nya. Iniikot ko yun papunta sa likod nya. Napangiwi sya sa sakit. "Ah-aah!", sigaw nya.

"Gosh, stop that, stupid girl!", sigaw sa akin ni Maddi.

Binitawan ko ang kaibigan nya at bahagyang itinulak papunta sa kanya. Mangiyak-ngiyak itong tumingin sa akin. Si Maddi ay masama ang tingin. Samantalang ang tatlo pa nilang kasama ay mukhang nagulat.

"Please lang, hindi ko gustong makipag-away. Pero hindi din ako tatanggi kapag ako ang inunahan. So please.", nakangiting sabi ko. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko na parang sumusuko tsaka tumalikod at naglakad papunta sa kwarto ko.

Chance
MASAYA akong bumaba sa kusina para maghanap ng merienda. Ewan ko, pero kahit anong gawin ko ngayon masaya ako. Kahit simpleng bagay. Kahit nga siguro ako ang maghugas ng mga pinagkainan na nasa sink ay magiging masaya pa din ako.

Hays! Sarap mabuhay!

"O anong ngini-ngiti ngiti mo dyang bata ka?", tanong ni manang Norma nang makita nya akong naghahalungkat sa ref. Nakangiting itinaas ko ang kahon ng chocolate cake sa kanya. "Jusko, akala ko kung ano na nakita mo dyan. Akin na at ipaghihiwa kita nyan.", sabi nya.

"Hindi na, manang. Kaya ko na 'to.", masayang sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang kutsilyo sa shelf at inabutan naman ako ni manang Norma ng platito at tinidor.

"Kanina ka pa masaya ah. Mukhang maganda ang results ng exam mo.", sabi ni manang. Lalong lumapad ang pagkakangiti ko. Hiniwa ko ang cake sa gitna na korteng puso.

"Daig ko pa naka-perfect sa exam, manang.", natatawang sabi ko. Inilagay ko sa platito ang hugis puso na cake at nagsimulang kainin yon.

"Naku, eh bakit naman ganyan ang paghiwa mo sa cake? Ikaw talagang bata ka.", sabi ni manang.

"Gusto mo ba ng hugis pusong cake, manang? Ipaghihiwa kita.", alok ko sa kanya pero tumanggi naman sya. Tapos ay naisip ko si Holy. Gusto nya ng cake, dalhan ko kaya sya bukas?

"Ano bang meron at ang saya mo? Samantalang kahapon eh halos malukot ang mukha mo sa pagkainis.", tanong nya sa akin.

"Masaya lang po ako. Kasi okay na kami ni Holy.", sabi ko.

"Ang Holy natin?", tanong ni manang. Napatingin ako sa kanya.

Holy ko lang yun. Pero dahil si manang ka naman, okay lang. Hehe. Tumango ako.

"Bakit nag-away ba kayo?", tanong nya ulit.

"Nagkatampuhan lang po. Pero okay na ngayon. Hehe.", nakangiting sabi ko.

"Eh bakit ganyan ka kung kiligin? Akala mo eh girlfriend mo ang pinag-uusapan natin.", panunukso ni manang Norma. Pero lalo akong kinilig. "Naku, sinasabi ko na eh.", sabi nya.

"Ano po yun?", biglang kinabahan na tanong ko.

"May gusto ka kay Holy, ano?", tanong nya. Natigilan pa ako pero pagkatapos ay natawa din.

"Manang, huli ka na sa balita. Nasabi ko na nga sa kanya eh.", natatawang sabi ko.

"Talaga?? O anong sabi nya?"

At ayun, nagkwento ako kay manang kung paano kami nagkatampuhan hanggang doon sa umamin si Holy sa akin na gusto nya din ako. At hindi ko maiwasan ang mapangiti ng sobra.

"Ano ng plano mo ngayon nyan?", nakangiting tanong ni manang.

"I'll court her, manang. Mahirap na baka maunahan.", sabi ko sabay subo ng cake.

"Eh teka, alam na ba ng mommy mo yan?", tanong ni manang.

"Alam na ni mom na gusto ko si Holy pero hindi ko pa ulit nakwento sa kanya yung nangyari ngayong araw.", sagot ko.

At ang totoo nyan ay okay lang kay mom. Gusto nya din si Holy para sa akin. Siguradong matutuwa sya kapag nagkwento na ako sa kanya. Hehe.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now