Chapter 63

109 6 0
                                    

"SIGURADO ka? Magpapalipat ka ng school?!", pasigaw na tanong sa akin ni Reeya.

Sabado ng hapon iyon at sobrang nakakatamad sa mansion. Walang magawa. Kaya pareho kaming nakatambay sa couch na nasa tapat ng swimming pool.

"Oo. Nasabi ko na din kay tita Morinne.", sagot ko.

"Baka naman nabibigla ka lang, Holy.", sabi nya pa. Sumandal ako sa couch at bumuntong-hininga.

"Nabigla talaga ako sa mga nalaman ko eh.", sabi ko.

Nag-request ako kay tita Morinne na ilipat ako ng school. Hindi ko yata kasi kakayanin makapag-aral ng maayos kung araw-araw kong makikita si Chance at Joyan. Hindi naman tinanong ni tita ang dahilan ko pero ang sabi nya titingnan nya daw kung saang school ako pwede lumipat.

"Sana kasi hinayaan mo muna magpaliwanag si Chance.", sabi ni Reeya. Hindi ako sumagot.

May magbabago pa ba kung magpaliwanag sya?

"Your friend is right.", sabat ng isang boses mula sa likod namin.

Napalingon kami pareho ni Reeya. Si Maddi. Ngumiti sya sa amin. Her natural bitchy smile.

"Kumusta ka na?", tanong ko nang maupo sya sa couch na katabi namin. Ngayong araw lang ulit kami nagkita pagkatapos nung nangyari sa bar.

"Fine.", sagot nya. "Meaning... I'm taking a break from college. I'm seeing a counselor. And I can only go out with a security.", paliwanag nya. "Oh, and no parties.", dagdag nya pa sabay tawa.

"Wow. At masaya ka pa talaga ah.", bulong ni Reeya pero narinig pa din sya ni Maddi.

"This is better than being in jail. Or in a rehabilitation center.", natatawang sagot nya.

At masasabi ko ngang mas okay sya ngayon. Maaliwalas ang mukha nya at tumatawa pa. Hindi katulad noon na araw-araw masungit.

"Alam na ba ni lolo?", tanong ko.

"Yeah. I had good scolding over the phone. Babalik na din sya next week so I'm getting ready.", sagot nya.

"You know that she'll never hate you.", nakangiting sabi ko. Ngumiti din sya.

"I know.", sabi nya. "So... you and Chance. I heard what happened from Harold.", maya-maya ay sabi nya.

"Oh, eh di ang saya mo?? May gusto ka kay Chance eh, di ba?!", tanong sa kanya ni Reeya. Napatingin ako kay Reeya at sinenyasan sya na manahimik pero inirapan nya lang ako.

"Ikaw kanina ka pa ha? Bakit ka ba nandito, wala ka bang gagawin sa loob?", inis na tanong ni Maddi. Pero hindi kasing-hard ng mga pagsusungit nya nung mga nakaraang araw.

"Pasensya na, kamahalan, pero tapos na po. Wala na akong gagawin sa mansion nyo.", pataray din na sagot ni Reeya.

"Whatever. Maglinis ka ng pool!", sabi ni Maddi.

"Eh kung ikaw maglinis tutal gusto mo naman.", balik ni Reeya. Bigla akong natawa ng malakas. Sabay naman silang napatingin sa akin.

"Alam nyo... kayong dalawa, magkakasundo kayo. Pareho kayong maingay eh. Hindi na ko magtataka kung sa makalawa mag-bestfriend na kayo.", natatawang sabi ko. Umirap lang naman silang dalawa.

"Wala na akong gusto kay Chance, okay?", sabi ni Maddi. Napatingin ako sa kanya. "I realized na... maybe I just liked him because I know I couldn't have him. But I never really loved him.", paliwanag nya. At sincere sya sa mga sinasabi nya. Nararamdaman ko.

"Kahit wala ka ng gusto sa kanya, wala, meron pa din ibang pumapapel! Hay naku.", nakasimangot na sabi ni Reeya.

"That Joyan?", tanong ni Maddi. Tumango lang ako. "So anong gusto mong gawin natin with that girl?", tanong nya ulit. Nagulat ako sa tanong nya.

"Anong ibig mong sabihin?", nag-aalalang tanong ko. Gulat din na nakatingin sa kanya si Reeya.

"What? I was just asking.", sabi nya sabay tawa. Maya-maya ay tumayo sya mula sa couch na kinauupuan nya. "If you can't listen to Chance, I'll make you listen to someone else.", makahulugang sabi nya.

"Maddi, anong gagawin mo?", natitigilang tanong ko.

"Just hang in there, dear.", nakangiting sabi nya sabay lakad pabalik sa loob ng mansion. Nagkatinginan naman kami ni Reeya.

"Dapat nga yata syang ipa-rehab.", nabibigla pa ding sabi ni Reeya.
---

PAGKATAPOS ng gabihan ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Naligo at nag-toothbrush. Nagpalit na din ako ng pajama ko. Pagkatapos ko magbihis ay nag-ring ang cellphone ko. Nagulat pa ako nang tumunog yon. Lumapit ako sa side table ko para silipin ang cellphone ko. Si Chance ang tumatawag.

Noon kapag tumatawag sya, ang saya-saya ko. Isang text lang buo na ang araw ko. Ngayon, biglang nag-iba. Nandoon pa din ang pagbilis ng tibok ng puso ko pero may kasama ng kirot.

Hinayaan kong mag-ring ang cellphone ko. Nang matapos ay dinampot ko iyon.

36 missed calls.
24 text messages.

Lahat galing kay Chance. Hindi ko na binasa ang mga messages. Diretso kong binura lahat yon. Binura ko ang number nya sa contacts ko. Pati sa call register binura ko din tsaka ibinalik sa side table ang cellphone ko. Pabagsak na nahiga ako sa kama at pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit halos wala naman akong ginawa maghapon. Pumikit ako at nagdasal.

Sana bukas paggising ko, wala na 'tong nararamdaman ko.

Chance
NAKAILANG tawag at text na ako kay Holy pero kahit isang reply, wala. Does she hate me that much? Malungkot na ibinaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko at nahiga. Bakit hindi nya man lang ako hinayaan makapag-paliwanag?

Nakausap nya na daw si Joyan kaya wala na akong dapat ipaliwanag. Tsh. Mas nagtitiwala pa sya sa salita ng babaeng yun kesa sa akin? Then I remembered what she said nung huli kaming magkausap.

"I think you're not worthy of my trust."

Gusto kong magalit sa kanya pero paano? Mahal na mahal ko sya. Hindi ko magawang magalit kahit na nasaktan talaga ako sa sinabi nyang yon. Pero ayaw nya na akong makita. Anong gagawin ko?

Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko na nakabukas pa hanggang ngayon. Pinagmasdan ko ang madilim na langit. It seems like my brightest color is fading away from me. Will I be back in the dark again?

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon