Chapter 28

184 14 16
                                    

AYUN na nga. After ng klase ay dumiretso kami sa mansion para doon mag-aral. Kay Harold sumabay si Cristina dahil hindi na nya pinapunta ang driver nya. Si Jessa naman ay sa amin na lang sumabay.

Pagdating sa mansion ay nagpalit agad kami ni Chance ng damit pambahay. At as usual, nauna pa ako sa kanya bumaba.

Kahit kelan, parang babae kung mag-ayos eh. Pustahan, naligo pa yun! Pagbaba ay nakalabas na ang mga libro at notes nila sa lamesa sa sala.

"Dito na lang tayo mag-aral.", sabi ni Jessa.

"Sige.", nakangiting sabi ko at nagsimula na din maglabas ng notebook at ballpen mula sa bag ko.

"Ang tahimik nga dito 'no?", maya-maya ay tanong ni Cristian.

"Puro maids lang kasi kasama namin ni Chance dito. Si mom nasa Italy pa.", sabi ko.

"Y-you mean kayong d-dalawa lang magkasama dito ngayon?", seryosong tanong ni Jessa. Napatingin ako sa kanya. At seryoso nga sya.

"Hindi. Andito na kayo eh. May iba na kaming kasama.", biro ko. Natawa din naman sila pero si Jessa ay pilit ang tawa. Pero hindi ko na yun pinansin dahil dumating na si Chance at nagsimula na kaming mag-aral.

Ilang oras din kaming nag-aral doon sa sala. Dinadalhan kami ng merienda nila Annie at Monica kaya naman hindi kami nagutom. Hindi rin naman boring dahil panay din ang biruan namin habang nag-aaral. Paminsan-minsan ay nakikitawa din sa mga jokes si Chance. Pero madalas ay nakikita ko syang nakatingin kay Harold. Parang pinagmamasdan nya ang kilos nito.

Ilang araw din na naging gano'n ang routine namin. Hanggang Sabado ng tanghali ay napag-usapan namin na magkaroon ng group study for the last time bago ang exam next week.

"Parang mali pa din.", sabi ko kay Cristina nang makita ko ang solution nya sa papel.

"Ha? Where? Sinunod ko naman yung tinuro ni Jessa eh.", maarteng sabi nya habang nakatingin sa papel nya.

"Hay. Malapit na akong maniwala sa mga kaklase natin, Cristina.", kunwari ay seryosong sabi ni Harold. Nakangusong napatingin naman si Cristina sa kanya.

"What?", tanong nya kay Harold.

"Malapit na akong maniwala na slow ka.", biro ni Harold. Natawa naman kami kasama na doon si Cristina.

Oo, hindi sya napipikon sa mga ganyan ni Harold. Sanay na daw kasi sya. Simula first year highschool pala kasi ay magkaklase at magkaibigan na sila.

"Alam nyo, gutom lang yan. Kukuha muna ako ng pagkain.", natatawa pa din na sabi ko.

Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Habang kumukuha ng carbonara na niluto ni manang Norma ay nag-ring ang phone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko at agad na sinagot ang tawag nang makitang si Reeya yon. Hindi na pala kasi ako ulit nakadalaw sa ospital. Naging busy kasi kami sa pagrereview.

"Hello, Reeya. Anong problema?", agad na tanong ko.

"Wala, gaga. Problema agad kapag tumawag ako?", natatawang sabi naman nito mula sa kabilang linya. "Nakauwi na si nanay. Ibabalita ko lang.", dagdag pa nito. Kaya naman pala masaya na ang boses nya, sa isip ko.

"Talaga? Mabuti naman. Pasensya na hindi na ko ulit nakadalaw ha? Malapit na kasi exam namin eh.", sabi ko.

"Naku, okay lang. Salamat nga pala ulit sa tulong ha? Pakisabi din kay Chance.", sabi nya. Ngumiti naman ako.

"Makakarating.", sagot ko.

"O sige, babye na muna. Marami pang gawain sa loob.", sabi nya. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nang maitago ang cellphone ko ay itinuloy ko na ang pagkuha ng pagkain.

Tok! Tok!

Napalingon ako sa katok na yun at nakita ko si Harold na nakatayo sa gilid ng bukas na pinto ng kusina.

"Do you need help?", nakangiting tanong nito at nagtuloy na sa loob.

"Hindi na, kaya ko na 'to.", sabi ko na ginantihan din ang ngiti nya. Pero kahit tumanggi ako ay nakatayo pa din sya sa tabi at nakatingin sa akin.

"Mukhang komportable ka na dito ah.", maya-maya ay sabi nya. Tumango naman ako.

"Mababait naman kasi mga kasama namin. Si Chance o yung mga maid, mababait lahat. Lalo na si mom.", sabi ko. Kumuha ako ng kutsara at tinidor sa rack at inilagay yon sa tray.

"I see. Glad to hear that.", sabi nya na nakangiti pa din. "Let me help.", sabi nya at sa pagkuha nya ng tray sa akin ay nahawakan nya ang kamay ko. Natigilan pa ako nang hindi nya agad bitawan iyon.

"Uhm...", nag-aalangan na sabi ko. Ano bang pwede kong sabihin?? Pero bago pa ko makapagsalita ay may sumingit na.

"Am I disturbing the two of you??", si Chance yon. At mukhang kanina pa sya nakatayo doon.

Chance
KANINA pa ko nakatayo doon pero it seems that they are too busy to notice me. Pero ako? I notice everything. From the way Harold looks at her, how he smiles at her hanggang doon sa paghawak nya sa kamay nito. At naiinis talaga ako.

"Am I disturbing the two of you??", hindi ko na napigilang magsalita at hindi ko din naman naitago ang inis sa boses ko.

And I don't care! They were both shocked when they saw me. Agad din binawi ni Holy ang kamay nya at naiwan kay Harold ang tray.

"N-no, not at all, pare. I was just helping her.", sagot ni Harold. Sinamaan ko lang sya ng tingin. I want to punch him there and then pero pinigilan ko lang talaga ang sarili ko. "Dadalhin ko na 'to doon.", paalam nito kay Holy.

"S-sige.", sabi ni Holy na hindi tumitingin sa sino man sa amin. Naglakad na palabas si Harold at tumango lang sa akin bago tuluyang umalis. Lumapit naman agad ako kay Holy.

"Ano?", tanong nya nang nanatili akong nakatayo lang sa harap nya at nakasimangot na nakatingin sa kanya. "W-wala kaming ginagawang masama.", sabi nya tsaka umiwas ng tingin sa akin. Lalo akong nainis.

"Then why are you explaining?!", halos pasigaw na tanong ko. Napaisip naman din sya at tsaka nag-angat ng tingin sa akin.

"Eh kasi... bakit ganyan ka kasi makatingin??", tanong nya sa akin.

"May gusto ba sayo si Harold?", tanong ko sa kanya.

"Ano? Wala! Ewan ko, pano ko naman yan malalaman? Ako ba sya?", naiinis na din na sagot nya.

"Gusto mo ba sya??", seryosong tanong ko.

"Naitanong mo na sa akin yan, di ba?", tanong nya din. Umiling ako.

"Just answer it.", sabi ko. Ilang segundo pa syang nakatingin akin at tsaka diretsong sumagot.

"Wala akong gusto sa kanya.", sagot nya. At doon lang kumalma kahit paano ang inis ko.

"Mabuti naman. And your feelings for him better stay that way!", sabi ko. Tatalikod na sana ako nang magtanong pa sya.

"Ha? At bakit naman?", inosenteng tanong nya.

Tiningnan ko sya ng diretso sa mga mata nya at seryosong sinagot ang tanong nya.

"Because I like you.", sabi ko. Kitang-kita ko kung paano sya nagulat at nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. I smirked. "So you better not like him at all.", sabi ko pagkatapos ay naglakad na palabas ng kusina.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now