Chapter 52

107 5 3
                                    

Holy
LINGGO ng hapon ay nagpaalam si lolo sa amin na uuwi muna sa Cebu para tingnan ang lagay ng mga business nya doon. Si tita Morinne sana ang pupunta, ang kaso ay may mga importanteng papel din daw kasi na kukunin si lolo sa bahay sa Cebu at baka mahirapan daw si tita Morinne na hanapin iyon.

"Don't worry, Morinne. I'm with your most trusted men. We'll be fine.", sabi ni lolo kay tita Morinne.

"If you're really decided, papa. Let me take you to the airport.", sabi nya. Isa-isa na din kaming nagpaalam kay lolo at ihinatid sya ng mga mata namin hanggang sa makalayo ang sasakyan nya.

Nang makaalis si lolo at tita Morinne ay nagmamadali din naman na pumunta sa garahe si Maddi. Paglabas nya ay dala nya na ang sasakyan nya at walang paalam na umalis.

"Saan pupunta yun?", takang tanong ni Punch nang makalapit sa amin. Galing sya sa likod na garahe para i-park ang kotse. Katatapos lang din kasi namin mag-driving lesson.

"Ewan.", sagot ko. Hindi naman nagsalita si Harold at parang malalim ang iniisip na naglakad paakyat sa kwarto nya.

"Magpahinga ka na. Uuwi na muna ako.", paalam sa akin ni Punch.

"Sige.", sagot ko. Umalis na sya at umakyat naman ako sa kwarto ko. Pagpasok ko ay nagri-ring pala ang cellphone ko. Si Chance. "Hello?", sagot ko sa tawag nya.

"Kanina pa ako tumatawag ah? Bakit hindi ka sumasagot?", inis na bungad nya sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"May ginagawa ako sa labas kanina eh. Naiwan ko dito sa kwarto itong cellphone ko.", paliwanag ko. Narinig ko na bumuntong-hininga lang sya. "Bakit?", tanong ko.

"Ha? Anong bakit?", takang tanong nya din.

"Bakit ka tumatawag sabi ko."

"Bawal ba tumawag? Hindi mo ba ko namimiss?", inis pa din na tanong nito. Natawa naman ako. Pinatay ko ang tawag at dinial sya sa Messenger video chat. Mabilis nya naman sinagot iyon.

"Bakit mo pinatay?!", tanong nya. Ngayon ay kitang-kita ko na ang iritadong nyang mukha. Natawa ako ng malakas. "Anong nakakatawa?"

"Ikaw. Inis na inis ka eh. Hahahaha!", sagot ko. Sumimangot naman sya.

"Hindi mo ba ko namimiss?", ulit nya sa tanong nya kanina.

"Mahirap yatang hindi mamiss ang ganyang mukha.", seryosong sabi ko.

Unti-unti naman nawala ang inis sa mukha nya. Napalitan iyon ng ngiti nya. Tingnan mo, ang daling utuin. Hahahaha! Joke! Namiss ko naman talaga sya eh.

"Lalabas kami mamaya nila Kemen at Jax. Do you want to come?", maya-maya ay tanong nya sa akin. Nag-isip pa muna ako sandali.

"Baka wag na lang. Puro kayo lalaki, baka ma-OP pa ako.", natatawang sabi ko. Hindi naman na sya nagpumilit.

"Sige. Kinukumusta ka pala ni mom. She's asking if you'll visit us here.", nakangiting tanong nya.

Oo nga pala. Simula nung lumipat ako dito kay lolo eh hindi na ulit kami nagkita ni mom Amanda. Naging busy din kasi ako sa mga bagay-bagay eh.

"Sabihin mo dadalaw ako next week.", sagot ko. Napangiwi naman si Chance.

"She'll be in Japan next week. May retreat sila ng mga kasama nya sa work eh.", sabi nya.

"Gano'n ba? Eh di pagbalik nya na lang.", sagot ko. Humiga ako sa kama dahil nakaramdam na ako ng antok.

"Okay. I'll tell her.", nakangiting sabi ni Chance. Maya-maya pa ay napahikab na ako. "Inaantok ka ba?", tanong nya. Tumango ako.

"Napagod yata ako sa pagma-maneho kanina. Tinuturuan kasi ako ni Punch.", sagot ko.

"Sige, magpahinga ka na muna. We'll just see each other tomorrow.", malumanay na sabi nya.

"Okay.", sagot ko. Papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita sya ulit.

"Wait.", pigil nya.

Napatingin naman ako sa mukha nyang nasa screen. Parang nag-aalinlangan pa syang ituloy ang sasabihin nya.

"Ano yun?", takang tanong ko.

"Well, uh, you're aware that I'm courting you right?", tanong nya sa akin.

Medyo nabigla ako sa tanong nya kaya hindi agad ako nakasagot. Oo, sinabi nyang liligawan nya ako. Pero paano ba kasi ginagawa kapag nanliligaw? Tulad ba ng mga ginagawa nya?

Wala pang nanligaw sa akin noon pero yung mga nararamdaman ko sa bawat kilos nya. Mga simpleng bagay para sa akin na ginagawa nya, natutuwa ang puso ko.

"Uhm.", sambit ko pero wala talaga akong maisagot.

"I'm sorry, wala pa kasi akong niligawan noon kaya I don't know if I'm doing things right.", nahihiyang sabi nya. He's so sincere and I can tell he's being honest right now. Napangiti ako sa kanya.

"Sa totoo lang, wala pa din nanligaw sa akin kaya hindi ko din alam.", nakangiting sabi ko.

Pagkatapos ay sabi kaming natawa na parang mga bata. Pero bigla din kaming natahimik.

"Pero... I can tell you're doing things right. Nararamdaman ko.", sabi ko sa kanya. And there he goes with that shy smile. Ang cute nya talaga kapag ngumingiti ng ganyan.

"I guess I'll just continue with what I'm doing.", sabi nya maya-maya. Tumango lang ako. "So... sige, magpahinga ka na. Hehe.", sabi nya.

"Sige.", sagot ko.

"Bye."

"Bye.", pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Nakangiting tumagilid ako sa kama at hinablot ang unan na nasa tabi ko. Niyakap ko iyon at masayang pumikit para matulog.
---

MADILIM na nang magising ako. At pagdilat ko ay sakto naman na may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Holy! Bangon na! Kumain ka na sa baba!", sa lakas ng boses nya, sigurado akong si Reeya ang kumakatok. Hihikab-hikab na binuksan ko ang pinto at tama nga ako. Si Reeya nga ang maingay na nasa labas.

"Ang ingay mo, huy. Baka may makarinig sa bunganga mo.", sabi ko sa kanya.

"Sorry ka, walang makakarinig dahil lahat sila na baba na. Ikaw na lang ang hinihintay! Sabay-sabay daw kayong kumain.", paliwanag nya.

"Sige na. Bababa na ako.", sabi ko at kinaway-kaway pa ang isang kamay ko.

"Bilisan mo! Uuwi na ako at baka hinihintay na ako nila nanay.", sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Akala mo naman ang layo ng bahay mo!", sabi ko. Napangisi naman sya.

"Oo nga 'no?", sabi nya sabay tawa. "Whatever. Uuwi na ako. Bye!", sabi nya at iniwan na nga nya ako.

Naiiling na pumasok ako ulit sa banyo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay bumaba na ako sa dining area.

Tama nga si Reeya. Lahat sila ay nandoon na.

"Holy. Come and sit. Kumain na tayo.", sabi ni tita Morinne habang palapit ako sa upuan na katabi ni Harold. Nasa tapat ko si Maddi pero hindi nya naman ako tiningnan. Mabuti naman, hay.

"Try this.", sabi ni Harold sabay lapit ng bowl ng sea food sa akin.

"Thanks.", sabi ko.

"How was your studies, Maddi?", maya-maya ay tanong ni tita Morinne. Sabay kaming napaangat ng tingin ni Harold sa kanya.

"Good. We'll be having our group presentation tomorrow. I'll be one of the representatives for that.", sagot ni Maddi na hindi man lang nag-angat ng tingin mula sa pagkain nya.

"That's nice. Goodluck, hija.", sabi ni tita Morinne. Noon tumingin si Maddi dito.

"Thanks, mom.", nakangiting sabi nya habang tuloy sa pagkain. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko kung paano nag-igting ang panga ni Harold.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now