Chapter 13

262 24 19
                                    

Holy
PANGATLONG subject na namin. Last subject na 'to bago mag-break time. English.

"Find a partner. Then you will describe each other in a short essay, okay? You will pass it today.", sabi ng teacher. Anak ng. Essay pa eh nagugutom na nga ako. Hayy.

"Holy, is it okay if we'll be partners? I mean, in this essay. Hehe.", parang kinakabahan pa na tanong ni Harold. Sa likod nya ang upuan ko kaya naman madali nya akong nalapitan.

"Sure!", nakangiting sabi ko. Ihinarap nya sa akin ang upuan nya at nagsimula na kaming mag-sulat.

Maya-maya pa ay nagpalit kami ng papel para ipakita ang gawa namin sa isa't-isa.

"A macho?? Me??", takang sabi ko sa kanya nang mabasa ang isa sa mga description nya sa akin. And yes, required mag-ingles. English nga subject eh!

"Ah, hehe. I just thought about that because of what happened yesterday.", explain naman nya. "I can erase it if it offended you.", sabi nya at aktong kukunin ang papel nya pero inilayo ko yun.

"No, it's okay. Maybe I could be macho sometimes.", sabi ko sabay tawa. Natawa din naman sya.

"Hey, could you two discuss quietly?!", inis na sabi ni Chance mula sa upuan na katabi ko.

Medyo nagulat kami ni Harold sa pagsaway nya dahil hindi naman kami gano'n kaingay. Nagtataka din na nakatingin sa amin ang partner nya na si Jessa, ang class president namin.

"Sorry.", paumanhin ni Harold kay Chance pero sinamaan lang sya ng tingin nito tsaka ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Sungit talaga, sa isip ko. Pilit na napangiti sa akin si Harold dahil doon. Ngumiti na lang din ako sa kanya. Maya-maya pa ay kinolekta na ng teacher ang mga gawa namin at nag-dismiss ng klase.

"Sa wakas. Makaka-kain na.", masayang sabi ko. Bago pa ako makalabas ng pinto ay nilapitan ako ni Cristina.

"Holy, sorry about yesterday. I didn't know Vien would be like that!", sabi nya. Nagulat naman ako. Hindi ko in-expect na sya pa ang lalapit sa akin para mag-sorry. Tiningnan ko sya at halatang sincere naman sya.

"Ha? Eh hindi mo naman kasalanan yun. Ako pa nga dapat mag-sorry. Sinaktan ko yung kaibigan mo.", sabi ko. Umiling naman sya agad.

"He isn't really my friend. I just hang-out with them kasi I don't have other friends.", parang nahihiyang sabi nya.

Naawa naman ako sa kanya. Pansin ko nga na wala syang kaibigan sa klase. Well, ako din naman. Except Chance and Harold na nakakausap ko. Pero wala naman nanloloko o nambubuyo sa akin, unlike kay Cristina. Lagi syang niloloko ng mga classmate namin dahil sa pagiging slow nya.

"But now, I have you. We're friends di ba?", nakangiting tanong nya sa akin. Napangiti din naman ako. Maarte lang talaga sya pero sa tingin ko mabait naman si Cristina.

"Oo naman.", sabi ko. Halatang natuwa sya sa sagot ko at napakapit pa sa braso ko.

"Tara, let's eat na. Treat ko!", sabi nya at hinila na ako palabas.

Pagdating sa cafeteria ay medyo marami na ang estudyanteng kumakain pero marami pa din bakanteng upuan. Ang laki naman kasi ng cafeteria.

May tatlong lane para sa pag-order ng pagkain. Rice meal, pastries and desserts then may mga chips and drinks. Doon pumila si Cristina sa Lane 2. Sumunod na lang din ako kahit gusto ko sana ng kanin. Ang haba din kasi ng pila sa Lane 1, baka maubos ang oras namin. After namin mag-order ay naghanap na kami ng magandang pwesto.

"Holy!", tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko. It's Harold.

Nakaupo sya sa pwestong may mahabang table na malapit sa entrance. Masaya naman kaming lumapit ni Cristina.

"Dito na kayo maupo.", sabi ni Harold habang inaalalayan pa kami sa pag-upo.

"Thanks.", sabi namin ni Cristina. Nagsimula na kaming kumain nang makita ko si Chance na may dalang tray ng pagkain. Naghahanap sya mauupuan.

"Chance! Dito!", tawag ko sa kanya. Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para tawagin ang atensyon nya.

Nakita nya naman ako pero walang reaksyon ang mukha nya nang tumingin sa akin. Pagkatapos ay tumalikod sya at pumunta sa solo table malayo sa amin. Problema nun? Nireregla na naman.

"Ganyan talaga yan. Hayaan mo na.", sabi ni Harold. Napapahiyang ibinaba ko ang kamay ko at kumain na lang ulit.

"Hindi ka pa ba sanay? Is he not like that at home?", tanong ni Cristina. Napaisip naman ako.

"Ganyan din. Hehe.", sagot ko. Pero nagsasabay naman kami sa pagkain minsan.

"How did you know them, anyway? How did you end up living with them?", curious na tanong ulit ni Cristina. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago sumagot.

"Eh nagkataon kasi na tinulungan ko ang mommy ni Chance. Ayun, natuwa yata sa akin. Inampon ako.", sagot ko.

"I hope you don't mind, pero nasaan ang magulang mo?", tanong naman ni Harold.

"Wala na. Dalawang taon mahigit na din akong pagala-gala. Kung saan-saan dumidiskarte ng trabaho, pagkain, tulugan.", casual na sagot ko.

"Mygosh, I can't imagine me being like that. It's so hard!", maarteng sabi ni Cristina. "You are so strong, Holy.", puri pa nya sa akin. Ngumiti lang naman ako.

"May mga nakilala din naman ako sa mga panahon na yon. Nakatulong din sila sa akin. Pero itong nangyari sa akin na ampunin ng mga Delco, malaking pagbabago sa buhay ko.", sabi ko.

"How about relatives mo?", tanong ulit ni Cristina.

"Ang kilala ko lang sa side ni mama, kaso nung lumipat kasi kami dito sa Manila, wala na rin kaming contact sa kanila. Kaya hindi ko alam kung saan o paano sila hahanapin.", sagot ko. "Minsan naiisip ko, okay din siguro pinagdaanan ko mga 'to. Natuto talaga ako sa mga nangyari eh.", dagdag ko pa ng matahimik sila.

"You're so brave, Holy. Your parents must be proud.", makahulugang sabi ni Harold. Tumango lang naman ako at ngumiti sa kanya.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now