Chapter 14

254 24 22
                                    

Chance

DISMISSAL na pero magkasama pa din si Holy at Harold. Ang saya-saya pa nila habang nagkukwentuhan. Pero ano bang pakialam ko? Tsh. Tsaka isa pa, hindi lang naman sila ang magkasama. Kasama din nila si Cristina, yung kaklase namin na pinaka-slow yata sa buong school.

Naglalakad na ako papunta sa parking lot nang makita kong nasa tabi ko na naglalakad si Holy. Ngumiti pa sya sa akin nang makita nyang nakatingin ako.

"What?", masungit na tanong ko sa kanya. Pero hindi nabura ang ngiti sa mukha nya.

"Uwian na.", sabi nya.

"I know. And so what?"

"Eh syempre sasabay ako sayo.", sagot nya.

"Tsh. Bakit hindi ka sumabay kay Harold?", inis pa din na tanong ko sa kanya. Natawa naman sya ng malakas kaya medyo natigilan ako sa sarili kong tanong.

Shit! Bakit ko ba tinanong yun? Baka kung ano pa isipin nito ah, sa isip ko.

"Bakit naman ako sasabay dun, sa kanila ba ako nakatira?", tanong nya sabay tawa ulit.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi nya naman binigyan ng kahulugan yung tanong ko. Nakarating kami sa parking lot at agad na kaming sumakay sa kotse ko.

"Hala!!!", sigaw nya matapos maglagay ng seatbelt.

"W-what?", nagulat pa na tanong ko sa kanya. Dahan-dahan syang lumingon sa akin habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig nya.

"Nalimutan kong ipagpaalam kay mom kung pwede akong magpapunta ng kaibigan sa bahay.", sagot nito. WTF?? Akala ko naman kung ano! "Nakakainis naman o.", malungkot na sabi nya.

"Eh sino bang kaibigan? S-sila Harold?", tanong ko. Mabilis naman syang umiling.

"Hindi. Yung kaibigan ko dyan malapit sa simbahan. Bestfriend ko yun. Nag-promise ako na dadalhin ko sya sa bahay pero magpapaalam muna ako sabi ko eh.", matamlay na paliwanag nya.

Bumuntong-hininga pa sya at nang mapasulyap ako sa kanya ay talagang malungkot ang mukha nya.

"Invite them over.", casual na sabi ko sa kanya. Napalingon sya sa akin.

"Talaga? Payag ka?!", nakangiting tanong nya. She looked so happy like a kid who just received a box of candy.

"Hindi naman masamang tao yang kaibigan mo, di ba?", kunwari ay naninigurong tanong ko.

"Hindi ah! Promise mabait yun. Promise!", sabi nya. Tinaas nya pa ang kanang kamay nya habang nangangako.

"Then it's okay.", sabi ko.

"Yes!", masayang sabi nya. Napasuntok pa sya sa hangin habang pinipigilan ko ang tawa ko. Pero tuluyan akong natigilan nung mapaisip ako.

Happy ka din? Why? Hay naku! Inis sa sarili na nagtuloy ako sa pagdadrive nang ituro ni Holy ang daan papunta sa simbahan.

"Dito ang daan. Hehe.", sabi nya.

"N-ngayon na ba?", tanong ko sa kanya pero pumihit na din sa daan na itinuro nya.

"Oo, excited na ko eh.", sagot naman nya. Halata nga.

Saglit pa ay nasa kabilang kalsada na kami na katapat ng simbahan. Nag-park ako mismo sa harap ng tindahan na itinuro nya. Mabilis syang bumaba ng kotse pero bumalik din agad.

"Mauna ka na umuwi. Magko-commute na lang kami.", sabi nya. Tiningnan ko ang tindahan.

Maliit lang yon pero maraming kalalakihan na mga estudyante din ang nakatambay doon. May ilang babae din na bumibili. Ibang school ang uniform nila. Bumaba ako ng kotse at nagtataka naman na tumingin si Holy sa akin.

The Brightest Colorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن