Chapter 47

119 6 6
                                    

Chance
KUMAKAIN kami ni mom ng dinner habang nagkukwentuhan sa dining area.

"Eh ang exam nyo naman, son. How was it?", tanong nya.

"It was hard but I came prepared, mom. Remember, nag-aaral kami ni Holy dito di ba? I'm feeling positive kahit wala pang results.", masayang sagot ko sa kanya.

"I'm so happy. I can see the changes in you, son. I mean, you've always been like this before pero nung... namatay ang daddy mo...", sabi nya. Pero hindi nya na natapos ang sasabihin nya.

"I know, mom. And I'm sorry. I realized all my mistakes now.", I said with sincerity. Ngumiti naman ng matamis si mom sa akin.

"I think I should also thank Holy.", sabi nya habang tuloy sa pagkain. Napatingin naman ako sa kanya ulit.

"Po?", tanong ko.

"When she came to us, things changes. Good changes, in that case. And I can tell sya din ang dahilan ng saya mo these days.", sabi nya.

Napangiti naman ako ng malawak. Kapag sya talaga ang pinag-uusapan ay hindi ko mapigilan ang mapangiti ng sobra eh. I'm really inlove with her. Yes, it's love. I know it.

Marami na akong nakita at nakilalang magagandang babae pero sa kanya ko lang naramdaman yung ganito kasaya. Makita ko lang sya, marinig ko lang ang boses nya, maisip ko lang sya masaya na ako. At ang mga sinasabi nya sa akin, ewan ko pero nagpapabilis yun ng tibok ng puso ko.

Tulad na lang nung kanina. Ayaw nya daw may dumidikit sa akin ng gano'n. Nagseselos sya kasi, tsk. Bahagya pa akong natawa.

"I think I'm really inlove, mom.", wala sa sariling usal ko sabay subo ng manok. Natawa naman si mom sa akin.

After we ate, I went straight to my room. I took a shower at pagkatapos ay dinampot ko ang cellphone ko na nasa study table. Matawagan nga yun, sa isip ko. Matagal nag-ring ang cellphone bago nya sinagot ang tawag ko.

"Hello?", dinig kong sabi nya mula sa kabilang linya. Napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng boses nya.

"Ang tagal mo naman sagutin ang tawag ko.", kunwari ay pagtatampo ko. Pero mukhang walang effect. Tsh.

"Nanonood ako eh.", sagot nya. Kaya naman pala eh. Ang hilig nya manood talaga sa TV. Napansin ko na yan noon pang dito sya nakatira sa amin.

"Kumain ka na ba?", tanong ko. Ilang segundo pa bago sya sumagot. Tsh. Mukhang busy sa panonood.

"Oo, kumain na. Ikaw?", tanong nya din. Uy, concern. Hahahaha! Kinikilig ako sa sarili kong naiisip. Hay.

"Tapos na din.", sabi ko.

"Eh bakit ka tumawag?", tanong nya. Tsh, masama bang tumawag?

"Wala lang. Gusto ko lang marinig ang boses mo.", nakangiting sagot ko. Kikiligin na yan. Hahahaha!

"Talaga? Ako hindi eh...", sabi nya. Nagulat naman ako. Napatingin pa ako sa screen ng cellphone ko.

"A-ano?", tanong ko sa kanya. Bahagya pa syang natawa.

"Gusto kasi kitang makita.", sabi nya.

Parang tumigil ang oras ko. If kilig is deadly, sorry mom but goodbye. Hahahahahaha!

"Sige na, matutulog na ko.", sabi nya. Napatingin ako sa wall clock ko. Almost 10pm na pala.

"Sige. Bukas magkikita na tayo. Hahaha! Bye, my love. Goodnight.", sabi ko na sobra ang pagkakangiti.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now