Chapter 19

223 18 17
                                    

Holy
NATIGILAN ang lalaking kaharap namin ni Chance dahil sa sinabi nya. Kahit ako ay gulat na napatingin sa kanya. Nag-file sya ng leave? Bakit? Akala ko ba ito ang pangarap nya? Hmm.

"W-what?", tanong ni Alpha. Nanatili naman na nakangisi si Chance sa kanya.

"That's right. I wanted to focus on my studies from now on.", sabi nya. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Mukhang sineryoso nito yung mga sinabi ko nung nakaraang gabi ah? Hahaha. Nice!

"That's... great.", sabi ni Alpha nang makabawi. Nandoon na ulit ang ngiti sa mukha nya.

"Yeah. Anyways, we'll go ahead. I have one last photo shoot today.", paalam ni Chance at bumaling sa akin. "Let's go?", tanong nya sa akin. Tumango naman ako.

"Una na kami.", sabi ko kay Alpha.

"Take care.", sabi nya at sumunod naman na ako kay Chance. Seryoso syang nakatayo sa labas ng elevator.

"Seryoso, nag-file ka ng leave? Akala ko gusto mo 'tong pagmo-model model?", tanong ko sa kanya. Bumukas na ang pinto ng elevator at sumakay na kami.

"Gusto ko but I realized my priorities now.", sabi nya at lumingon pa sa akin.

Parang may gustong ipahiwatig ang mga tingin nya pero hindi ko alam kung ano. O kung imahinasyon ko lang yon.

"Ahhh. Cool. Okay yan.", parang tangang sabi ko at tumingin sa pinto ng elevator. Nakita ko naman na napapangiti sya sa reflection nya sa metal na pader ng elevator.

Maya-maya lang ay nasa ground floor na kami. Pumunta kami sa isang studio at doon ay maraming tao. Mga nag-gagandahan at nag-gugwapuhang mga modelo. Nandoon din ang mga photographers at make-up artists nila. Meron ding mga nag-aayos ng mga props, ilaw at iba pa na ginagamit sa photo shoot.

"Chance, you're just in time. Magpaayos ka na at mag-start na tayo.", sabi ng isang may-edad nang lalaki na lumapit sa amin. Tumango lang naman si Chance.

"Sit here.", sabi ni Chance at inabot sa akin ang isang plastic chair. Naupo naman ako doon. "I want you to see what I want to do.", nakangiti pero seryosong sabi nya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

"B-bakit?", takang tanong ko sa kanya. Parang nagulat naman sya sa tanong ko at agad na nag-iwas ng tingin.

"Because... because you said you'll s-support me, di ba? S-so stay there and watch.", sabi nya sabay talikod at pumunta sa maliit na cubicle na nandoon.

Natatawa naman ako sa sarili ko. Oo nga pala. Sinabi ko nga pala yun. Ano ka ba, Holy? Kung anu-ano naiisip mo eh. Relax!

"Uy, Holy!", tawag sa akin ni Jax at humila ng upuan para tumabi sa akin. "Talagang isinama ka ni Chance dito ah?", panunukso nito. Pilit naman akong ngumiti.

"Oo nga eh. Photo shoot ba 'to para saan?", tanong ko.

"Yung kay Chance is para sa poster ng energy drink. TVC model din kasi sya non, dalawa sila ni Kemen. Yung sa akin naman para sa issue ng fashion magazine.", paliwanag nya.

Tumango-tango lang naman ako. TVC model din pala sya, pero bakit hindi ko nakikita mga commercial nya? Sabagay, wala naman kasing commercial kapag nanonood ako ng movies eh.

"Kilala mo ba yung Alpha Roy?", maya-maya ay tanong ko kay Jax. Napalingon naman sya sa akin.

"Alpha Roy Riva?", pagku-kumpirma nya. Tumango naman sya.

"Who wouldn't know him, di ba?", natatawang sagot nya. "Why?", tanong nya pa.

"Wala naman. Nag-meet kasi kami sa taas.", sabi ko. Napa-diretso naman ng upo si Jax.

"Nagkita ba sila ni Chance?", tanong nya na pabulong. Tumango naman ako agad.

"Oo, medyo awkward nga eh. Ano meron sa dalawang yon?", tanong ko. Sorry na, chismosa lang. Napangisi naman si Jax.

"Ewan ko ba, pero pag nagtatagpo ang dalawang yon laging may tension eh. Mayabang din kasi si Alpha, parang lahat kinu-kumpetensya. Lalo na si Chance na kung tutuusin eh walang-wala kumpara sa kanya. I mean, sikat na sya eh. Si Chance bago pa lang. Do you get me?", tanong ni Jax bago magpatuloy. Tumango naman ako. "Kaya ayan, everytime na magkita sila, parang mga babaeng nagpapasaringan. Tsh.", natatawang sabi ni Jax.

Ilang minuto pa ay lumabas na si Chance mula doon sa cubicle. At nagulat ako sa itsura nya. Nope, hindi sa itsura dahil alam ko naman nang gwapo sya. Pero yung suot nya, naka-open button na polo at walang panloob na shirt. Kita ang katawan nya at hindi ko akalain na may abs pala sya. Ngayon ko lang din napansin na hindi pala sya gano'n kapayat. Kahit papano ay may muscles din sya. Napalunok ako ng magtama ang paningin namin and... did he just smirked at me? Napangiwi na lang ako.

Inabot sa kanya ng isang staff ang isang bote ng energy drink. At nagsimula na ang photographer kumuha ng mga litrato. Una, si Chance muna mag-isa ang nagpopose doon sa gitna. Sa 2nd set ay dalawa na sila ni Kemen. Sa last set ay apat na sila. Dalawang babae at silang dalawang lalaki. Napansin ko yung isang babae na kapareha ni Chance ay panay ang bulong sa tenga nito. Pagkatapos ay tatawa. Si Chance naman ay pilit na ngumingiti lang sa camera.

"Tsk, tsk, tsk.", palatak ni Jax mula sa tabi ko. Nanonood din sya sa apat na nasa gitna. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit?", nagtatakang tanong ko.

"There goes Maddi again. Alam nya ng ayaw ni Chance ng ganyang arte nya kapag nasa set eh.", sabi ni Jax na nakanguso dun sa babae na bulong ng bulong kay Chance.

"Sino ba yun?", curious na tanong ko ulit.

"Si Maddi. Matagal ng may gusto kay Chance yan. Simula nung mag-start sa agency na 'to si Chance. Ang problema hindi sya type.", sabi ni Jax sabay tawa. Naiiling naman ako.

Kawawang babae. Sa dami ng lalaki sa mundo, sa masungit pa na 'to nagkagusto.

The Brightest ColorWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu