Chapter 53

95 4 9
                                    

Chance
"DUDE! Long time no see!", sigaw sa akin ni Kemen nang makababa ako sa kotse ko. Nakangiti din naman na nakipag-fist bump ako sa kanila ni Jax. Nasa harap kami ngayon ng resto bar na pagmamay-ari ng pamilya nila Jax.

"What keeps you busy, dude?", tanong sa akin ni Jax. Nagkibit-balikat naman ako.

"School.", matipid na sabi ko.

"Or maybe girls!", nanunuksong tanong ni Kemen. Napangisi naman ako.

"Girls? Bakit plural? Hahaha! There's only one girl for me.", natatawang sabi ko. Natawa din naman silang dalawa.

"I knew it!", sabi ni Kemen.

"That calls for a celebration! Our Chance is inlove!", sigaw ni Jax sabay hila sa akin.

Papasok na sana kami sa loob nang makita ko ang pamilyar na kotse na nag-park sa tabi ng kotse ko. Mula doon ay bumaba si Maddi. Napatingin ako kay Jax at Kemen.

"We didn't invite her.", depensa agad ni Jax. Napabuntong-hininga na lang ako.

Maya-maya pa nga ay lumapit sa amin si Maddi. Nakasuot sya ng fitted na yellow dress na hanggang hita nya lang ang haba. Kita din ang cleavage nya at ang mga labi, pulang-pulang. Gusto kong mapailing pero nakangiti syang tumigil sa harap ko.

"Look who's here.", sabi nya sa akin. "Hello, Chance.", bati nya.

"Hey.", malamig na bati ko sa kanya. Pero nanatili syang nakangiti.

"Don't worry. I'm not here to spoil your fun. Besides, I know now who you belong with.", sabi nya.

Napatingin naman ako sa kanya. I can't read her expression. If she's being sarcastic or what. Pero nakahinga ako ng maluwag nang sabihin nyang hindi sya sasama sa amin.

"I'm going in.", sabi nya sa akin na tinapik pa ang kanang balikat ko. Ngumiti din sya kina Jax and Kemen bago lumakad papasok ng bar.

"Well... that's a first.", hindi makapaniwalang sabi ni Kemen.

"Does she know who your girl is?", takang tanong ni Jax. Tumango ako.

"Pinsan nya si Holy. And they live in the same house.", sagot ko. Nagulat naman silang dalawa.

"What?!", sabay nilang tanong. I tried to laugh but it came out humorless.

"Tara na sa loob.", sabi ko. At pumasok na nga kami sa bar.

Maingay, crowded, amoy alak at pawis. That's what inside the resto bar. Nasa isang table kami nila Kemen at Jax habang umiinom ng alak at nagkukwentuhan. Light beer lang naman ang inorder ko dahil hindi ako pwedeng malasing. I'm a responsible driver. Samantalang ang dalawa ay umorder ng hard drinks. May driver naman sila parehong kasama.

"Bakit hindi mo isinama si Holy?!", pasigaw na tanong ni Kemen sa akin para marinig ko sya. Malakas kasi ang music sa loob.

"She's tired!", pasigaw din na sagot ko. And I think hindi nya din magugustuhan ang lugar na 'to. Tumango lang naman si Kemen. I'm not sure if he heard my answer.

Maya-maya pa ay may lumapit sa amin na tatlong babae. They look young, maybe same as our age, hard to tell exactly because of their make-up. They all have long straight hair and all wearing too short skirts and too fitted tops.

"Hi. Can we join you?", maarteng tanong nung isa. Napatingin pa sa akin si Jax at Kemen pero hindi naman ako sumagot.

"Sure!", masayang sagot ni Jax. Agad naman naglapitan ang mga babae. Yung pinaka-matangkad sa kanila ay tumabi sa akin.

"Hi.", bati nya sa akin. Nakangiti sya at nang-aakit ang mga mata.

Sorry, but I'm taken.

Okay. Hindi pa nga kami ni Holy pero papunta na din yun doon kaya wag kang ano dyan! Ngumiti lang ako sa kanya pagkatapos ay tinuloy ang pag-inom.

Habang nagku-kwentuhan ay nagkayayaan silang sumayaw sa dance floor. Palibhasa ay pare-pareho nang may tama ng alak ay game silang tumayo lahat para sumayaw. Pero nagpaiwan ako sa table. Masyadong crowded ang dance floor, maghahalo-halo lang ang mga amoy namin doon.

"Light beers? Hindi ka malalasing dyan.", sabi nung babaeng katabi ko. Hindi din pala sya sumama sa mga kaibigan nya. Nakangiti sya sa akin habang hawak ang sariling baso ng alak.

"I'm driving.", sagot ko.

"What?!", sigaw nya sabay lapit sa akin. As in halos idikit nya na yung dibdib nya sa braso ko sa sobrang lapit nya. "I'm sorry I didn't hear you. By the way, I'm Joyan.", sabi nya. Sabay tawa ng may kaharutan.

"I'm Chance. And I said, I'm driving. I can't get drunk.", kalmadong sabi ko. Bahagya akong lumayo pero mabilis naman syang lumapit agad.

"I'll drive you home, if you want. Here, drink this.", nakangiting sabi nya sabay abot ng baso ng alak na nasa lamesa. Umiling ako.

"No, thanks. I'm fine.", sabi ko.

"No, I insist. Come on. Let's have fun!", pamimilit nya pa din with a giggle.

Ang kulit naman nito! Nagulat ako nang ikawit nya sa leeg ko ang isang kamay nya at hilahin ako palapit sa kanya.

"Let's have fun together.", bulong nya sa tenga ko. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga nya.

Maya-maya pa ay humarap sya sa akin at unti-unting inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Hahalikan nya ko! Naitulak ko sya at napalayo sya ng konti nang may magsalita sa harap namin.

"What a surprise.", nakangising sabi nya. Mapungay ang mga mata nya na nakatingin sa amin.

"Maddi.", usal ko sa pangalan nya.

"Does Holy know about... that?", tanong nya. Sabay tawa.

Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa tanong nya pero hindi ako natawa. Kinabahan ako! Tsk! Wala naman akong ginagawang masama ah? Relax, Chance!

"Do you know her, Chance?!", malakas na tanong nung babae. Si... Joyan? Right, Joyan. Yun daw ang pangalan nya.

Ngingisi-ngising naglakad palapit sa amin si Maddi. Inilapag nya ang hawak na bote ng alak sa harap ni Joyan kasabay non ay may nahulog mula sa kamay nya. Pero hindi nya yun pinansin at tinitigan ang babae.

"Do you know me?", tanong ni Maddi dito. Hindi naman agad nakasagot si Joyan. "I guess you don't. You look like... a low-class bitch.", sabi nya sabay tawa. Parang hindi nya mapigilan matawa.

"What?", tanong ni Joyan na parang nabigla.

"I am the cousin of this man's girl. And I'm telling you, she's no joke. Baka baliin nya yang braso mo na kung saan-saan kumakapit.", sabi ni Maddi. Nagulat si Joyan pero parang may takot din sa mukha nya.

"Maddi. Please.", awat ko sa kanya. Baka kasi gumawa pa sya ng eskandalo. Mukhang lasing na din sya eh.

"I'll leave you two alone. But don't say I didn't warn you.", sabi nya kay Joyan sabay tingin sa akin na parang may gusto pa syang sabihin. Pero natawa na lang sya at tumalikod, naglakad palayo sa amin.

Napayuko ako nang makalayo sa amin si Maddi. Kinakabahan pa din ako. Paano kung sabihin nya kay Holy? Pero wala naman akong ginagawang masama eh. Pero yung nakita nya, baka kahit sino ay iba ang isipin dahil doon. Paano na 'to?! Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis.

Maya-maya ay may nakita akong stick na parang sigarilyo sa sahig. Naihulog kaya ni Maddi? Dinampot ko iyon at hindi iyon basta sigarilyo. It's a rolled marijuana cigarette.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now