Chapter 62

102 4 0
                                    

KINABUKASAN masama pa din ang loob ko dahil sa mga nangyari pero pumasok na ako sa school. Hindi naman kasi pwedeng excuse ang heartache sa school eh, di ba? As usual, hinatid ako ni Punch sa school at nang nasa parking lot na kami ay nakita ko agad si Chance na nandoon at naghihintay. Napabuntong-hininga ako.

"Gusto mong samahan kita sa loob?", tanong sa akin ni Punch nang hindi agad ako bumaba after nya mag-park. Napatingin ako sa kanya at halatang nag-aalala sya. Ngumiti ako.

"Hindi na. Ano ko, elementary student?", sabi ko sabay tawa. Natawa din naman sya.

"Susunduin na lang kita mamaya.", sabi nya.

Tumango ako at bumaba na sa kotse. Mabigat ang mga hakbang na naglakad ako palabas ng parking lot.

"Holy.", tawag sa akin ni Chance nang nasa harap nya na ako. Napatigil ako sa paglalakad. "Let's talk. Please.", pagmamakaawa nya. Hindi ako tumingin sa mata nya o kahit sa mukha nya.

"Wala na tayong pag-uusapan.", malamig na sabi ko sa kanya. Hinawakan nya ang kanang kamay ko pero tiningnan ko lang yon.

"D-don't be like this, Holy.", sabi nya. Pero binawi ko na ang kamay ko at naglakad na ulit.

Chance
HINDI ko na nagawang lingunin pa si Holy nang lampasan nya ako at nagpatuloy sya sa paglalakad papunta sa building namin. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Buong gabi kong inisip kung paano ko kakausapin si Holy. Kung paano ko maipapaliwanag sa kanya ngayong ayaw nya naman akong kausapin.

Paano ba nauwi sa ganito?

If I wasn't so stupid to keep them a secret, hindi na sana mangyayari 'to eh. Bakit ba kasi ako natakot when I know na wala naman akong ginawang masama?

Mabigat ang loob na naglakad na ako papunta sa building namin. May ilan na bumabati sa akin pero hindi ko sila magawang pansinin. Masyadong maraming laman ang utak ko pero umiikot lang lahat yon kay Holy.

Paano kami magkakaayos nito? Tsk!

Pagdating ko sa classroom namin ay natahimik ang lahat nang maupo ako sa upuan ko na nakatabi ni Holy. Pakiramdam ko ay lahat sila nakatingin sa amin. Hindi naman kami nagkikibuan ni Holy. Ilang minuto pa nga ay dumating na ang teacher namin.

Break time. Halos wala naman akong naintindihan sa mga itinuro sa amin. Napatingin ako kay Holy pero hindi naman sya lumilingon sa akin. Para akong hangin na hindi nya nakikita.

"Let's go?", aya sa kanya ni Cristina.

Sumunod naman sya. Kasunod din nila si Harold at pinanood ko silang makalabas ng classroom bago ako lumabas din. Pagdating sa cafeteria ay pumila kami para bumili ng pagkain.

Nakaupo na sila nang maiabot sa akin ang order ko. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako naglakad papunta sa table nila.

"H-here.", sabi ko sabay abot ng pagkain kay Holy.

Umaasa akong pansinin nya kahit yun man lang. But she ignored it. Napapahiya man ay naupo pa din ako sa harapan nya. Nasa tabi nya si Harold na hindi din tumitingin sa akin. Tahimik kaming kumakain pero biglang tumayo na si Holy sa upuan nya.

"Are you done?", tanong ni Harold sa kanya. Tumango naman sya.

"Una na ako sa taas.", sabi nya at naglakad na paalis. Susundan ko sana sya nang magsalita ulit si Harold.

"Let her be alone for now.", napalingon ako sa kanya sa sinabi nya.

"Pero--"

"Just let her think.", sabi nya. Tumingin sya sa akin pero hindi ko mabasa ang expression ng mukha nya. "Nasaktan sya sa mga nakita nya. Kahit pictures lang yon, nasaktan talaga sya.", sabi nya. Napaupo ako ulit sa pwesto ko.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon