Chapter 46

121 6 12
                                    

Maddilyn
GIGIL na umakyat din ako sa taas pero sa kabilang hagdan ako dumaan para hindi ko makasabay si Holy.

How I hate her! I hate her so much!

Unang kita ko pa lang sa kanya noon sa modeling agency ay nainis na ako sa kanya. Never nagpakilala ng babae si Chance sa kahit kanino, kahit sa mga kaibigan nya. Never nagdala ng kahit sino sa set. So right there and then, I knew she's someone important to him. Lalo akong nainis sa kanya nang malaman kong apo sya ni lolo Damian.

Inagaw nya na si Chance ngayon pati si lolo at ang yaman ng Argento, kukunin nya din? Never!

Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ni mom pero wala sya doon. Lumabas ako at pumunta sa office nya na nasa dulo ng floor na yon. Hindi iyon naka-lock kaya without knocking, I let myself in.

"What's wrong, Maddi?", tanong ni mom nang iikot nya ang swivel chair nya paharap sa akin. She's holding bunch of papers in her hands and she has her reading glasses on.

"Mom, I want Holy out of this house. I can't stand her!", I told her. She let out a sigh before putting down the papers.

"You know that's impossible, anak. She's an Argento. She's meant to be here with us.", sagot nya. Lalo akong nainis. "Come, sit here.", utos nya nang tumayo at naupo sa mahabang sofa na nasa left side ng office nya. But I didn't move.

"Mom. No. Inagaw nya na sa akin si Chance, mom.", sabi ko.

Kilala nya si Chance pero sa pictures lang. Never nya pa ito nakilala ng personal. Hindi ko naman sya napapapunta dito sa bahay. We can't even eat out let alone invite him over. Duh.

"Anak, you're still so young. There's a lot of guys out there.", sabi nya. And I agree. Marami din naman naghahabol sa akin. Mga mas gwapo, mas mayaman, mas sikat.

"But what about lolo?", tanong ko. Parang nagtaka naman sya sa tanong ko. "H-he'll take away lolo as well. His attention, wealth and all. A-and when that happens, s-saan na lang tayo pupulutin, mom?", nanginginig ang boses na sabi ko.

And that's what I feared the most.

"Anak, hindi yan mangyayari.", sabi ni mom.

"How sure are you, mom? Maybe to you, it won't happen. Totoo kang Argento. Pero ako? Kami ni Harold? Mom. A-ampon lang k-kami.", sabi ko.

Oo, ampon lang kami ni Harold and I'm aware of that. At natatakot ako na dumating yung araw na hindi na kami kailangan. Na paaalisin na lang kami. Dahil hindi kami tunay na Argento.

"Listen to me, Maddi. I won't let that happen, okay? Ako ang mommy nyo and I will not let such things happen to any of you.", sabi ni mom. Lumapit sya sa akin at tuluyan ng bumuhos ang luha na kanina pa nagbabantang tumulo.

Holy
HINDI ko sinasadyang makinig sa usapan nila Maddi at tita Morinne nang umakyat ako sa third floor para kausapin si lolo. Okay, alam kong mahilig akong makinig sa mga usapan pero not this one, no. It's really an accident! Nakabukas ang pinto at ang ingay ng boses ni Maddi.

Pero dahil sa mga narinig ko ay pakiramdam ko mas naintindihan ko na kung bakit gano'n na lang ang galit nya sa akin.

Akala nya dahil sa andito na ako eh mae-echapwera na silang magkapatid, sa isip ko.

Naawa ako ng konti kay Maddi. Naglakad na ako palayo ng office ni tita Morinne bago pa ako mahuli na nakikinig dito. May mas importante pa din naman akong pakay kaya ako andito.

Nang marating ko ang pinto ng office ni lolo ay kinatok ko iyon.

"Come in.", sagot ni lolo mula sa loob. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Ngumiti pa ako para itago ang kaba ko.

Sana pumayag si lolo. Ito lang ang naiisip ko para tulungan sila Reeya, dasal ko sa isip ko.

"What is it, apo?", tanong nya sa akin. Ibinaba nya sa lamesa ang record book na hawak.

"Busy po ba kayo?", tanong ko. Umiling naman sya.

"No. Just reviewing some things. May kailangan ka ba?", tanong nya ulit. Umupo ako sa silya na nasa tapat ng office table nya.

"Ano po kasi... Hehe. Hindi ko po alam paano sasabihin eh.", sabi ko. Kinakabahan ako eh. Tsk!

"Come on, apo. Tell me.", he said kindly. Ngumiti sya sa akin kaya parang na-encourage naman ako magsalita.

"May kaibigan po kasi ako na kelangan ng tulong, lolo. Bestfriend ko po sya, actually, at nung mga panahon na walang-wala po ako eh sya ang tumutulong sa akin.", paliwanag ko.

"Mm-hmm.", sabi ni lolo para magpatuloy ako.

"Eh ayun po, pinapalayas na sila sa bahay nila nung may-ari ng lupa. Naisip ko naman po na m-malaki ang mansion. B-baka po p-pwedeng tumira muna sila dito? P-pansamantala.", tanong ko. Napapikit pa ako dahil seryoso ang mukha ni lolo.

"Tatlo lang po sila sa pamilya at mababait po sila. Willing po sila magtrabaho bilang kapalit. Sana po pumayag kayo, lolo!", mabilis na sabi ko habang nakapikit pa din. Maya-maya ay narinig kong natawa si lolo.

"You remind me so much of your father.", nakangiting sabi nya nang dumilat ako. "Saan sila nakatira, apo?", tanong ni lolo. Nabuhayan naman ako ng loob.

"Doon po sa squatters' area malapit sa simbahan.", sagot ko. Sumandal sya sa swivel chair nya at tsaka dinampot ulit ang record book.

"Have them come over tomorrow.", sabi ni lolo.

Yes! Mabilis akong tumayo mula sa upuan at masayang nagpasalamat kay lolo.

"Salamat po!", nakangiting sabi ko. Ngumiti lang din si lolo at bumalik sa pagbabasa.

Lumabas naman na ako ng office nya at halos patakbong bumaba ng hagdan papunta sa kwarto ko. Nang makapasok ay agad kong dinampot ang cellphone ko na nasa ibabaw ng kama ko. Dinial ko ang number ni Reeya at padapang tumalon sa kama ko.

"Maghanda kayo ng mga damit nyo bukas!", excited na sabi nang sagutin nya ang tawag ko.

"Ha? Bakit?", nagtatakang tanong nya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko muna sasabihin. Hehe.

"Basta maghanda kayo. Kayong tatlo ha? Dadaan ulit ako dyan bukas ng tanghali.", sabi ko.

"Kinakabahan ako sayo, Holy. Ano ba kasi yun?", tanong nya. Natawa naman ako.

"Bukas na lang. Bye!", sabi ko sabay patay sa tawag. Inilapag ko ang cellphone ko sa side table at natatawang tumingin sa pader.

Excited na akong isama sila bukas! Gusto ko talaga silang tulungan dahil nakita ko ang hirap ng buhay nila noon pa man. Masaya ako na may pagkakataon na ako ngayon na makatulong. Sa sobrang excited ko, ayun nakatulog ako.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon