Chapter 40

136 6 19
                                    

NATAPOS na ang mga exam namin ngayong araw. Nagliligpit na kami ng mga gamit para umuwi nang makita kong lumapit si Jessa kay Chance. Akmang hahawakan nito sa braso si Chance pero mabilis na nakaiwas si Chance sa kanya.

"Hindi ba pwedeng sumabay?", pagpapacute na tanong ni Jessa sa kanya. Tiningnan lang sya ni Chance pagkatapos ay nilayasan.

"Ihahatid na kita kahit hanggang parking lot lang.", sabi ni Chance nang makalapit sya sa akin.

Nakita ko kung paanong naglingunan sa amin ang ibang kaklase namin na nasa loob pa ng classroom.

"Hindi na ba sya nakatira sa inyo, Chance?", tanong ni Axel. Isa sa mga officer sa klase namin. Mabilis naman na umiling si Chance.

"She's living with her real family now.", sagot nya na sadyang nilakasan ang boses. "That means, she's no longer my adoptive sister.", dagdag nya pa.

"Omigosh.", bulong ni Trina.

"But nice pa din si Chance sa kanya. I smell something fishy.", bulong din ni Janice habang naglalakad sila palabas. Ngumiti lang sa akin si Chance ng sobrang tamis.

"Let's go?", aya ni Harold sa amin. Lumabas na kami at naglakad papunta sa parking lot.

"Don't you have your own car yet?", tanong sa akin ni Chance nang nasa parking lot na kami. Umiling ako.

"Wala pa. Hindi din naman ako marunong mag-drive eh.", sagot ko.

"Kunin mo na lang akong driver. Kahit walang sweldo payag ako basta makita kita araw-araw.", nakangiting sabi nya.

Napatingin ako sa paligid, hindi lang kami ang nandoon. May iba pang hindi namin halos kilala pero natatawa sa narinig nilang sinabi ni Chance.

"Tumigil ka nga.", nahihiyang saway ko sa kanya.

"Why? Hindi na tayo magiging magkapatid. I can pour my heart out to you now.", nakangiti pa din na sabi nya.

Hindi ko na lang sya pinansin. Tsk, ako ang nahihiya sa mga sinasabi nya eh. Maya-maya ay binuksan na ni Harold ang passenger seat.

"Aalis na kami.", naiilang na sabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Remember what you told me today.", sabi nya. Napakunot noo naman ako.

"Anong sinabi ko?", tanong ko. Sa dami ng sinabi ko sa kanya ngayon, alin dun?

"Tsk! Na gusto mo ko. Kinalimutan agad eh.", inis na sabi nya. Natawa naman ako sa kanya. Parang bata talaga sya minsan eh. Pero ang cute nya.

"Hindi ko kakalimutan.", sabi ko. At halos mapunit ang labi nya sa pagkakangiti.

"Ingatan mo ang pagdadrive. Magkikita pa kami bukas.", baling nya kay Harold.

Natawa lang naman si Harold sa kanya at kumaway. Sumakay na ito sa kotse.

"Bukas ako na ang maghahatid sayo.", sabi nya sa akin. Tumango na lang ako. Sumakay na din ako at nagpaalam na sa kanya.

Nang makauwi kami sa mansion ay nandoon sa garden sa labas si lolo at tita Morinne. Doon sila kumakain ng lunch.

"Hello, mom. Lolo.", bati ni Harold na bumeso sa dalawa.

"Hello po.", bati ko sa kanila.

Hindi ako bumeso dahil hindi ako komportable. Parang mga sosyal lang kasi yung gano'n, di ako sanay. Eh sabi naman ni lolo at tita Morinne, okay lang kung hindi ako komportable dun.

"Umupo na kayo dito. Sabay-sabay na tayo mag-lunch.", sabi ni lolo.

"Gina, pakikuha mo nga ng plates at utensils ang dalawang bata.", utos ni tita Morinne sa maid na nasa labas din. Agad naman itong sumunod.

"How's your exam?", tanong ni lolo nang makaupo na kami ni Harold.

"Naku, ang hirap po! Pero may naisagot naman.", sagot ko. Natawa naman si lolo.

"We did some group study nila Holy with some classmates kaya I'm pretty confident with the results.", nakangiting sabi ni Harold. Dumating na ang maid na may dalang plato. Agad akong naglagay ng pagkain at kumain na.

"That's nice. Why don't you invite those friends over?", tanong ni tita Morinne. Muntik pa akong mabulunan sa sinabi nya.

"Sure, mom.", sang-ayon agad ni Harold.

Napatingin ako sa kanya pero kumindat lang sya sa akin. Napangiwi naman ako. Sasama ba yun si Jessa kapag ininvite namin? Kasama si Chance, baka dito pa magharot yun si Jessa. Tapos si Chance din, isa pa yun na parang hindi din maawat eh. Tsk. Nagtuloy kami sa pagkain at kwentuhan. Nang matapos ay nagpaalam muna akong magbibihis.

"Go ahead, hija. Magpahinga ka na.", sabi ni lolo.

Pagkatapos kong magbihis ay naupo ako sa kama ko at inisip ang mga nangyari kanina. Nagawa ko ng umamin kay Chance. Ano na ang susunod? Tsk. Wala akong alam sa ganito eh. Pero ngayon, ang gaan na ng pakiramdam ko. Dahil alam ko na gusto namin ang isa't-isa at alam nya din yun. Napapangiti pa ako mag-isa nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng palda kong pamasok.

"Hello?", sagot ko.

"Hello, my love.", masayang bati ng nasa kabilang linya.

Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses na yun. Tiningnan ko pa ang pangalan na nasa screen. Si Chance nga talaga iyon. Napangiti ako. My love daw, kinikilig ako!!!

"B-bakit ka napatawag?", pigil ang kilig na tanong ko.

"Wala lang. Masama bang tawagan ang girlfriend ko?", sabi nya. Nagulat naman ako.

"Anong girlfriend?!", sigaw ko sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa nya. It's so manly yet so cute.

"I was just joking! Alam ko naman na kelangan ligawan muna kita 'no.", sabi nya.

"Liligawan mo ko?", tanong ko. Ang puso ko parang iiwan na ang katawang lupa ko sa sobrang kilig!

"Oo. Ayaw mo ba? Sige, ako na lang ang ligawan mo.", sabi nya sabay tawa. Napasimangot naman ako.

"Alam mo, wag ka na tumawag.", kunwari ay nagtatampong sabi ko sa kanya.

"Why? Are you busy?", inosenteng tanong nya. Tsk. Medyo slow.

"Oo!", inis na sabi ko.

"Okay. Then I'll just see you tomorrow, my love. Bye!", sabi nya. Pinatay ko ang tawag at inilagay sa ibabaw ng side table ang cellphone ko. Insensitive!

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa entertainment area. Manonood na lang ako sa TV, natuwa pa ako. Binuksan ko ang TV at naghanap ng magandang mapapanood. Komportable akong naupo sa sofa nang may makita akong magandang english movie.

Wala pa ako sa kalahati ng pelikula ay dumating si Harold. May dala itong bowl ng chips at drinks.

"Pwede bang makinood?", nakangiting tanong nya. Tumango naman ako. Alangan naman ipagdamot ko yung TV, akin ba yan? Iniabot nya sa akin ang isang drinks at inilapag sa table ang bowl na hawak nya.

"Salamat.", sabi ko. Nanood kami ng tahimik at natapos na ang pelikula nang muling magsalita si Harold.

"So... how are you and Chance?", tanong nya na nagpaangat ng tingin ko sa kanya.

The Brightest ColorKde žijí příběhy. Začni objevovat