Chapter 7

338 30 16
                                    

KINAUMAGAHAN, maaga pa din akong nagising at naghanda para sa pagpasok. Kumakain na ako ng agahan nang bumaba si Chance. Hindi pa nakaayos ang necktie nya at bukas pa ang dalawang butones ng polo sa bandang dibdib. Halatang nagmadali sa pagbibihis. Nagsimula na din syang kumain.

"Balita naman sa lakad mo kahapon?", tanong ko sa kanya. Trying to start a conversation. Pero hindi sya sumagot. "Nauna pa ako sayong makauwi ah.", sabi ko ulit. Nag-angat naman sya ng tingin sa akin.

"So?", seryosong tanong nya. Mukhang bad mood, sa isip ko. Nginitian ko lang sya.

"Wala naman. Hehe.", napapahiyang sabi ko. Hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Tumayo na sya at aktong susunod na ako sa kanya nang magsalita sya.

"Magpahatid ka kay manong Ferdi.", sabi nya at natigilan naman ako sa pagsunod. Anong problema nun?

Napapakamot sa ulo na pumunta na lang ako sa kusina at inabutan ko doon ang mga maid at si kuya Ferdi na sabay-sabay na nag-aalmusal. Nagulat pa ang iba nang makita akong pumasok doon.

"Good morning.", nakangiting bati ko sa kanila. Bumati naman ang iba while yung iba ay tumango lang ng nakangiti din. "Kuya Ferdi, hatid mo naman ako sa school. Ayaw ako isabay ni Chance eh.", sumbong ko na parang bata kay kuya Ferdi.

May edad na si kuya Ferdi katulad ni manang Norma at aling Dolor, mga late 40's na, gano'n. Ang apat pang maid ay mukhang mga nasa mid 20's pa lang. Si Monica naman ay 19 years old. Matanda lang sya sa akin ng dalawang taon.

"Naku, may sumpong na naman ang alaga mo, Norma.", biro ni kuya Ferdi kay manang Norma. Natatawa lang naman ang ibang maid.

"Pag-pasensyahan mo na, hija. Ganyan na talaga ang ugali nyan mula noong mamatay ang daddy nya.", sabi ni manang Norma. Napaupo naman ako sa bakanteng stool na nasa kitchen counter.

"Noon po ba hindi yan ganyan kasungit?", curious na tanong ko. Umiling naman si manang Norma.

"Masayahing bata yan noon. Malambing. Kaso nung mamatay ang daddy, three years ago. Ayun nagbago.", kwento ni manang. Parang hindi ko ma-imagine yung hindi masungit na Chance. Ibig sabihin ay sobrang close sila ng daddy nya kung gano'n ang naging impact sa kanya ng pagkawala nito.

Nalungkot ako para sa kanya. Pero nagpasalamat din, dahil nanatili akong ganito kahit na wala na ang parehong magulang ko.

"Mamaya na kayo magkwentuhan at male-late na ang bata.", saway ni aling Dolor kay manang Norma. Napangiti naman ako.

"Tara na, Holy.", tawag ni kuya Ferdi sa akin at tumayo na sya.

"Mamaya na lang ulit, manang.", paalam ko at mabilis na sumunod kay kuya Ferdi.
---

DISMISSAL na. Lahat kami ay pinalabas na maliban kay Chance. Pinaiwan sya ni Mrs. Alonzo para kausapin. At dahil talamak na chismosa ako eh nakinig ako sa usapan nila. Dinikit ko ang tenga ko sa saradong pinto. At dahil tahimik na sa floor, konti na lang ang dumadaan na estudyante, eh maayos kong narinig ang usapan nila.

"Delco, what's going on with you? Your grades are failing again.", hindi maitago ang disappointment sa boses ng teacher namin. Hindi ko naman narinig na sumagot si Chance. "Nangako ka sa mom mo last year di ba? Na hindi ka na babagsak this year.", paalala ni Mrs .Alonzo. Bumagsak sya last year?

"Yes, ma'am.", mahinang sagot ni Chance.

"Then tell me what is wrong?", tanong ulit nito pero hindi na naman sumagot si Chance. "If this continues, I'm sorry pero I'll have to talk to your mom.", sabi ng teacher.

"I'm sorry, ma'am.", sabi ni Chance. Bumuntong-hininga na muna si Mrs. Alonzo bago sya palabasin.

"Sige na. You may go.", pagkasabing-pagkasabi ng teacher non ay nagmamadali akong nanakbo papunta sa pinto ng elevator.

Maya-maya pa ay nakatayo na si Chance sa tabi ko, naghihintay din ng elevator. Dahan-dahan ko syang nilingon pero parang wala naman syang nakikita. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad syang sumakay. Sumunod din ako agad.

"S-sasabay ako sayo ha? Hindi k-ko kasi nasabi kay kuya Ferdi na s-sunduin nya ako.", kinakabahan na sabi ko pero parang wala pa din syang narinig.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay in-unlock nya lang ang passenger seat pero hindi pa din umiimik. Nanahimik na lang din ako hanggang sa makarating kami sa mansion. Pagbaba ng kotse ay nagmamadali syang pumasok sa bahay at nag-diretso sa kwarto nya.

Umakyat din ako sa kwarto ko at nahiga agad sa kama. Naisip ko ang itsura ni Chance habang nagdadrive kanina. Ang lungkot ng mukha nya. Akala mo pasan nya ang buong daigdig. Eh bakit naman kasi pumapalya ang grades nya? Mahina ba ang ulo nya?

Pero sa tingin ko naman ay hindi. Baka distracted lang? Hmm. Naalala ko ang sinabi ni manang Norma kaninang umaga. Dahil pa din kaya sa pagkamatay ng daddy nya? Sumasakit na ang ulo ko sa pag-iisip at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Tok! Tok! Tok! Tok!

Nagising ako sa katok na yon sa pinto ng kwarto ko.

"Sino yan?", mahinang tanong ko pero sapat para marinig ng kung sino mang kumakatok.

"Si Monica 'to. Oras na ng gabihan.", malumanay na sabi nito. Sinilip ko pa ang digital clock na nasa side table ko.

7pm na? Ang haba naman ng tulog ko. Bumangon ako at binuksan ang pinto. Nakatayo pa din doon si Monica.

"Kinatok mo na si Chance?", tanong ko sa kanya na pupungas-pungas pa. Umiling naman sya.

"Umalis sya kanina pa eh. Hindi pa umuuwi.", sagot nya. Tumango na lang ako at nagsabing susunod na.

Umalis na naman? Saan kaya nagpupunta ang isang yon? Nagpunta ako sa banyo at naligo muna bago kumain sa baba.

Pagkatapos kumain ay nanood muna ako ng pelikula sa TV pampalipas oras. Nasa kalagitnaan na ako ng pangalawang pelikula nang marinig kong may nag-park ng kotse sa harap ng mansion. Si Chance na yun, malamang. Sya lang naman ang nagpapark sa tapat ng mansion kahit may garahe naman sila.

Maya-maya pa nga ay pumasok ito at dire-diretsong umakyat sa taas. Sundan ko nga para maki-chismis kung saan sya nanggaling.

The Brightest ColorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt