Chapter 51

106 5 6
                                    

Holy
"PUNCH, ano na?!", pangungulit ko kay Punch nang abutan ko sya sa kusina na kumukuha ng tanghalian nya.

"Bakit, anong problema?", inosenteng tanong nya sa akin. Naiinis naman na lumapit ako sa kanya sa kitchen counter.

"Turuan mo na akong mag-drive!", sabi ko. Naupo ako sa isang bakanteng upuan katabi ng lamesa sa isang side ng kusina. "Dali na!", sabi ko pa nang hindi sya sumagot.

"Baka pwedeng kumain muna?", natatawang sabi nya.

Nginusuan ko lang sya pero hinayaan ko na syang kumain muna. Naglakad-lakad ako sa kusina habang naghihintay na matapos sya. Maya-maya ay pumasok si Harold sa kusina na may dalang kahon ng donuts, pizza at bucket ng chicken.

"Nakita nyo ba si Maddi?", tanong nya sa amin. Halos sabay naman kaming umiling ni Punch. "Nasaan na ba yun? Nagpabili ng pagkain, wala naman pala sya dito.", nagtatakang sabi nya. Inilapag nya sa lamesa ang mga dala at naupo sa upuan na nandoon. "Tsk.", palatak nya.

"Bakit?", tanong ko.

"Wala ba kayong... napapansin na kakaiba kay Maddi?", tanong nya. Napakunot ang noo ko sa tanong nya.

"Like what?", curious din na tanong ni Punch.

"I don't know exactly but she's acting a bit strange.", sabi nya. Bakas sa boses nya ang pag-aalala para sa kapatid. Naupo ako sa katapat nyang upuan tsaka nag-isip.

"Kahapon...", pag-uumpisa ko. Automatic na napatingin silang dalawa sa akin. "Kinausap nya ko. Para syang lasing. Namumungay ang mata nya tapos tawa ng tawa. Tapos biglang nagagalit din. Hindi naman sya amoy alak nung nagkalapit kami.", sabi ko. Napaisip naman sila pareho.

"Lagi syang wala sa bahay these days. Hindi ko alam pero tingin ko hindi din sya pumapasok kasi one time nagtext sa akin yung kaklase nya. Nagtatanong if may sakit ba sya kasi ilang araw na daw hindi pumapasok.", sabi ni Harold.

"Saan naman kaya sya nagpupunta?", nag-iisip din na tanong ni Punch. Nailagay nya na sa sink ang pinagkainan nya at nahugasan na din nya.

"Yun nga din ang ipinagtataka ko eh. Hays. Malalagot sya kapag nalaman ni lolo at mommy yan.", inis na sabi ni Harold.

Ano kayang pinagga-gagawa nun?

Maya-maya ay nagpaalam na si Harold dahil may lakad pa daw sya. Pero bago sya umalis ay ibinilin nya muna ang mga pagkain na dala nya.

"You can have them, Holy. Bigyan mo din yung friend mo. Si R-reeya? Tama ba?", parang nahihiyang sabi nya. Bahagya naman akong nagulat dahil nagkakilala na pala sila.

"Sige. Salamat.", sabi ko na lang kahit nagtataka ako.
---

PAGKATAPOS kong iabot ang pagkain kay Reeya ay nagpaalam agad ako dahil magpapaturo nga ako mag-maneho kay Punch. Pagbalik sa tapat ng mansion ay nandoon na ang kotse na gagamitin namin pang-practice. Oo, ibang kotse. Baka mabangga kami, sayang yung Toyota Camry ko. Hahahaha!

Agad akong sumakay sa loob at doon kami nag-practice sa malawak na bakanteng lote malapit lang sa mansion. Una ay sa passenger seat muna ako. Pinapakinggan ko ang mga itinuturo ni Punch na functions ng bawat parte ng kotse sa loob. Tinitingnan ko din kung paano nya hawakan at pihitin ang manibela.

"O magpalit tayo. Subukan mo.", sabi ni Punch pagkatapos ng halos isang oras.

Bumaba sya ng kotse at ako naman ay umusog sa driver's seat. Excited akong mag-drive kaya naman tuwang-tuwa ako nang mahawakan ko ang manibela. Automatic car ang pinag-aaralan ko kaya mas madali akong natuto.

"Oops!", sabi ko nang bigla akong mapatapak sa brake.

"Tama na muna 'to ngayong araw.", sabi ni Punch. Pumayag na din naman ako dahil magga-gabi na eh.

Nag-drive na kami pabalik ng mansion pero bago pa makalapit ang kotse namin sa gate ay nakita namin ang kotse ni Maddi mula sa malayo. Pauwi na siguro ito.

Maya-maya ay bumaba ito mula sa kotse nya at may itinapon na kung ano sa damuhan. Nagkatinginan kami ni Punch.

Ano kaya yun?

Pagkatapos non ay nagmamadali syang bumalik sa kotse nya at nag-drive papasok ng gate. Hindi nya yata kami napansin o sadyang hindi nya kilala ang kotse na gamit namin kaya hindi nya kami pinansin.

Nang makapasok sya ay tsaka nagpatuloy sa pagmamaneho si Punch. Dire-diretso sa parking area ang kotse ni Maddi samantalang ang dala namin ay sa likod dinala ni Punch. Doon kasi ito naka-park sa lumang garahe.

Sabay kaming naglakad ni Punch pabalik sa bahay at pagdating doon ay inabutan namin si Harold mag-isang nakatayo sa may hagdan at nakatingin sa taas.

"Ngayon lang umuwi si Maddi?", tanong ko nang maupo sa sala. Nanatili naman na nakatayo si Punch.

"Yeah. I tried to talk to her pero wala daw sya sa mood.", sabi ni Harold. Naglakad sya palapit sa amin at naupo din sa katabi kong sofa.

"Hayaan mo muna, baka pagod.", sabi ni Punch. Napatingin ako sa kanya at naalala ko yung nakita namin kanina. Na may itinapon si Maddi sa damuhan bago pumasok ng gate.

Iniisip ko kung sasabihin ko kay Harold pero yung tingin ni Punch sa akin, parang sinasabi nyang wag ko muna sabihin yon. Kaya nanahimik na lang ako.

Harold
PAGLABAS ko ng kusina ay sakto naman na pagpasok ni Maddi sa bahay. Parang wala sya sa sarili na naglalakad. Habang palapit ako sa kanya ay napansin kong namumungay ang mga mata nya.

"Maddi.", tawag ko sa kanya. She look suprised when she saw me. I stood by the staircase and when she reached me, she smiles and then laughs.

"My dear brooootheeerrr.", sabi nya sabay tawa ulit. Napakunot ang noo ko sa kanya habang tinitingnan sya. She can't even stand straight.

"Are you drunk?", hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Do I look drunk?", natatawang tanong nya din sa akin. Hindi ako sumagot. She doesn't smell alcohol. She smell something else. "Then I must be drunk.", sabi nya.

"Maddi--"

"Sshhh.", pigil nya sa akin. "Wala ako sa mood makipag-usap. I'm sleepy. Matutulog na ako.", nakangiting sabi nya sabay akyat. Pasuray-suray syang naglakad paakyat habang kumakanta pa.

Ilang segundo pa akong nakatayo doon sa paanan ng hagdan mula ng mawala sya sa paningin ko. What's wrong with her? Is she--

"Ngayon lang umuwi si Maddi?", naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko si Holy. Paglingon ko ay nakaupo na sya sa mahabang sofa na nandoon. Punch is also there, standing at the side.

"Yeah. I tried to talk to her pero wala daw sya sa mood.", sabi ko as I walk towards them and sat at the other sofa.

"Hayaan mo muna, baka pagod.", sabi ni Punch. Hindi na ako nagsalita dahil napaisip din ako. Pero sana ay mali ang iniisip ko.

The Brightest ColorWhere stories live. Discover now