Chapter 43

128 6 9
                                    

KINABUKASAN pagkatapos namin mag-almusal ay mabilis na lumabas kami ni Harold para pumasok na sa school. At nakita namin na may naka-park doon na bagong kotse.

"Wow.", usal ko. Wala akong masyadong alam sa modelo ng kotse pero maganda ang isang ito.

"Toyota Camry?? Who owns this?", takang tanong ni Harold.

Maya-maya ay may lumabas na matangkad na lalaki mula doon. Tulad ng kotse ay itim din ang suit na suot nito. Crew cut ang buhok na brown. Matangos ang ilong nya at medyo singkit ang mga mata. At tingin ko ay mga nasa 25 ang edad nya. Pamilyar sa akin ang tindig nya. Nakangiti sya nang tumingin sa amin ni Harold.

"Good morning, Holy and Harold.", bati nya. Nagulat ako. Bakit kilala nya kami?

"Punch. What are you doing here?", takang tanong ni Harold.

"Kilala mo sya?", tanong ko kay Harold. Bago pa sya makasagot ay lumabas na si tita Morinne mula sa mansion.

"Oh, here you are.", sabi nya nang makita yung Punch. Pangalan nya ba talaga yun? Weird.

"Good morning, ma'am.", magalang na bati nya kay tita. "Good morning, Maddi.", nakangiting bati nya din kay Maddi na hindi ko namalayan na andon din pala. Inirapan lang naman sya nito at nagpaalam na kay tita Morinne.

"I'll go ahead, mom.", sabi nya kay tita. Bago sya sumakay sa kotse nya ay sinamaan nya muna ako ng tingin. Nagkibit-balikat lang naman ako.

"Holy, this is Punch. Sya ang magiging personal driver mo while you can't drive. Sya na din ang magtuturo sayong mag-drive.", sabi ni tita Morinne. Ngumiti sa akin si Punch kaya ngumiti din ako.

"We've met before. Hindi nga lang ganito kalapit.", sabi nya. Napaisip naman ako.

"Oh, yeah. Sya ang taong pinagbantay ko sayo while nasa mansion ka ng mga Delco.", sabi ni tita Morinne. "I remember, you said you had to run dahil nakita ka ni Holy.", natatawang sabi ni tita. Natawa din si Punch.

"Yes, ma'am.", sagot nya.

"Ikaw yon? Yung nagbabantay sa labas ng gate??", gulat na tanong ko. Tumango naman sya. Natawa ako dahil para akong nakahinga ng maluwag. "Akala ko magnanakaw ka noon! Inisip ko pa yun magdamag!", natatawa pa ding sabi ko. Natawa din naman silang lahat.

"So paano? I'll go ahead now since hindi na pala tayo magsasabay.", sabi sa akin ni Harold.

"Sige. Ingat ka.", nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango naman sya.

"Bye, mom.", at bumeso sya kay tita Morinne. Pagkatapos ay sumakay na nga sa kotse nya.

"Umalis na din kayo. Baka ma-late ka pa.", sabi ni tita Morinne sa akin. "Drive carefully, Punch. I trust you with this.", sabi nya kay Punch. Malawak na ngiti naman ang isinagot ni Punch.

"Yes, ma'am. We'll go now.", sabi nya.

Ipinagbukas nya ako ng pinto sa back seat at sumakay na ako sa loob. Kumaway pa ako kay tita Morinne habang palayo ang kotse.

"Gusto mo bang makinig ng music?", tanong nya habang nagmamaneho.

"Ayoko. Ikaw na lang makinig kung gusto mo.", sabi ko habang relax na relax sa pagkakaupo ko. "Sarap maupo dito sa kotse mo. Ito ba gagamitin natin araw-araw?", curious na tanong ko sa kanya. Natawa naman sya.

"Araw-araw natin itong gagamitin, but this isn't mine. Dahil sayo 'to.", sabi nya. Gulat naman na napaangat ako sa upuan.

"Seryoso ka??", tanong ko at bahagya pang lumapit sa kanya. Natatawa lang syang tumango. "Jackpot!", sabi ko.

"You really remind me of my younger sister.", nakangiti pa ding sabi nya. "Habang sinusundan at binabantay kita noon, nakikita ko talaga ang pagkaka-pareho nyo."

"Talaga? Nasaan ang kapatid mo?", tanong ko.

"She died of bone cancer.", walang kagatol-gatol na sagot nya. Bigla naman akong nahiya sa pagtatanong ko.

"Sorry--"

"No, it's okay. Matagal ko ng natanggap yun. I'm actually glad dahil hindi na sya nahihirapan.", sabi nya.

Napaka-optimistic naman ng taong ito, sa isip ko.

Natahimik na kami buong byahe pero hindi naman awkward. Ang totoo nga nyan ay gumaan ang loob ko kay Punch. Dahil siguro sa nai-share nya at sa personality nya. Sa tingin ko ay magkakasundo kami.
---

NAKARATING na kami sa parking lot ng school at nakita ko agad si Chance na nakasandal sa bumper ng kotse nya. Bumaba si Punch at mabilis na pinagbuksan ako ng pinto.

"Salamat.", sabi ko.

"Mukhang may naghihintay sayo ah.", sabi nya na napasulyap kay Chance.

Kilala nya din ba si Chance? Syempre! Kung sinusundan nya ako noon, malamang kilala nya nga si Chance. Tsk.

"Holy. Bakit hindi kayo sabay ni Harold?", agad na tanong ni Chance nang makalapit sa amin. "And who is he?", dagdag nya na nakatingin kay Punch.

"Good morning. I am Punch. Ako ang personal driver ni Holy.", sabi ni Punch na nakangiti. Inilahad pa ang palad nya kay Chance. Hindi ko naman inaasahan na tatanggapin yun ni Chance.

"G-gano'n ba? I'm Chance.", pakilala ni Chance sa sarili nya.

"I know.", sabi ni Punch. Nangunot naman ang noo ni Chance pero bago pa sya magsalita ay inaya ko na syang pumasok dahil baka ma-late na kami.

"Sino sya? I mean, bakit kilala nya daw ako?", tanong ni Chance habang naglalakad kami. Natatawa ako sa mukha nya dahil nagtataka talaga sya.

"Naalala mo yung sinabi ko sayo noon na nakita kong nagmamasid sa mansion nyo sa labas ng gate?", tanong ko sa kanya.

"Yeah. What about him?", tanong nya.

"Sya 'yon! Tauhan pala sya ni tita Morinne. Tsk.", naiiling na sabi ko. Kita ko naman na nagulat sya. "Ganyan din ang reaksyon ko kanina.", natatawang sabi ko sa kanya.

Pagdating sa classroom ay masayang nagku-kwentuhan ang mga kaklase namin pero biglang natahimik pagpasok namin. May mga ilang babae pang nagkukumpulan sa desk ko na unti-unting umalis doon nang dumating kami. Anong meron?

Nagtataka ako pero paglapit ko sa desk ko ay may nakapatong doon na isang puting bulaklak at isang kahon ng cake. Napa-inhale ako. At hindi ko alam kung naka-exhale pa ako dahil sa pagka-gulat.

Lumingon ako kay Chance at ayun nakangiti syang pinagmamasdan ang reaksyon ko.

"Ang sweet naman ni Chance!", sabi ni Jenny na tila kilig na kilig.

"Tsk. I knew it! May gusto sya kay Holy!", sabi din ni Cristina na nakangiting nakatingin sa akin. Napatingin din ako kay Harold, at ayun ngingiti-ngiti lang din ang loko.

"A-ano ba 'to?", hiyang-hiyang tanong ko kay Chance.

"Cake at rose?", inosenteng sabi nya naman. "Binili ko talaga yan para sayo.", sabi nya pa.

At ayun, namatay na sa kilig ang mga kaklase ko. Pakiramdam ko naman eh kasing pula na ng lipstick ni Trina ang mukha ko. Mabuti na lang at dumating na ang teacher namin at nagsiupo na kami para mag-exam.

The Brightest Colorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن