Ang Simula

1K 32 16
                                    

[Ang Simula]


Punto de Vista en Tercera Persona



ENERO, 1898. Ang taon na kung saan malapit nang maganap ang napipintong labanan sa pagitan ng mga Kastila at ng mga Amerikano.

"Sa ngalan ng Imperyong Espanya at ng kanyang anak na Filipinas, aking hinahatulan, ikaw Don Lorenzo Garcia at Don Gutierrez. Dahil sa pakikisangkot sa mga rebelde. Kayo ay hinahatulan ng kaparusahang... Kamatayan sa pamamagitan ng garrote.



Caso el sarado," saad ni Hukom Avelino.



Halos 'di makapaniwala ang bidang abogado na maraming babaliktad kay Don Lorenzo, napatiklop na lang siya ng kanyang kamay at napahalukipkip na lang dahil sa inis, dahil kilala niya itong mabait at matulunging tao. Nahahabag ang kanyang kalooban sa Don, halos ito na ang naging kaniyang ama-amahan simula noong mag-away sila ng kaniyang ama na si Don Marciello.



Siya si Tadeo Alcaraz, dalawampu't tatlong taong gulang. Isang abogado at binata. Ang kaniyang ama ay isang Alkalde Mayor na kilalang matapang at may paninindigan at numero-unong kalaban niya sa lahat ay ang kaniyang anak na si Tadeo, dahil iba ang kani-kanilang prinsipyo sa buhay, kaya't 'di sila magkasundo. Kilala rin sila 'di lang sa kapangyarihan kundi dahil sila ay nakatira sa 'Hacienda Alcaraz'. Siya ba ang mi amor ni Verona?



Kilalanin naman si Clyde Montevista, bente singko anyos. Doktor sa puso, siya ba ang magiging karibal ni Tadeo sa puso ni Verona o siya ba ang magiging mi amor ni Verona?



"Pag-iibigang tapat at walang pag-aalinlangan. Handa kong ibigay ang lahat pati ang sarili kong buhay."



"Marami na akong nakasalamuhang tao ngunit napakapalad mo sapagkat walang mas makahihigit at makapapantay sa 'yo."



Sino sa personang iyon ang tinutukoy ni Verona na isang disinuwebe anyos na dalagita. Ang panganay na anak ni Don Juan Valdecisimo na isang Gobernador sa lalawigan ng Sta. Peregrina. Sa halos ilang siglo na namamahala ang kanilang pamilya, sila ay kinikilala na mayaman, maimpluwensya, at makapangyarihan. Maybahay niya si Donya Zarita na nagdadalang-tao sa bunso ng kanilang pamilya.


Si Verona Valdecisimo ay isang disinuwebe anyos na dalaga, maganda, matatag, at taglay ang pagiging dalagang Filipina. Sumunod naman sa kaniya si Carla Valdecisimo, masunurin at nangangarap na maging lingkod ng simbahan, at ang bunso na si Angelita Valdecisimo na isang sanggol na kasing-ganda ng anghel.



Masusubok ba ng mga hamon ng buhay si Verona? Matitibag ba ng anumang unos ang pinalaking matatag na anak ng pamilya? Sino ang kaniyang iibigin? Ang kaniyang irog ba? O ang kaibigang minahal niya kahit sa sandali? O baka naman, ay wala sa kanila. Halina't ating tunghayan.



Pag-ibig sa nakaraan? O pag-ibig hanggang sa kasalukuyan?



***



All rights reserved including the right of reproduction in a whole or in part in any form. This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.



The setting and time in this story is still the time of the Spanish conquest of the Spaniards. Some of the historical places also mentioned in this story are to look back at the places that have become part of our history. Again, events, incidents and tragedies are irrelevant and absurd, they are not written in Philippine history. Thank you.



Thank you for reading and I'll hope you've learn a lot.



Plagiarism is a crime punishable by Law.



©ALL RIGHTS RESERVED 2020



***


DEDICATION CORNER (Pls. Comment your username) here➡️

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now