39: Mahabang Paglalakbay

50 3 0
                                    

[Kabanata 39: Mahabang Paglalakbay]


Verona Valdecisimo Punto de Vista


🌹


Kasalukuyan akong nagpupunas ng hapag dahil wala naman akong ginagawa nang biglang magsalita si ama, "Padalhan mo ng batidwad (telegrama) si Tadeo, sabihin mo sa kaniya na inaanyayahan ko kamo siya dito para ipagkasundo ko kayo," mahinahong utos ni ama. Napalunok naman ako sa kaniyang mga tinuran!

"Opo, ama." Iniwan ko na ang ginagawa ko saka nagtungo sa aking silid para kumuha ng isang papel at pluma. Makaraan no'n ay nagsimula na akong magsulat.


Mahal kong Tadeo,

Inaanyayahan ka dito ni ama sa aming bahay, mamayang hapunan. Heto na! Maihaharap mo na ako sa altar! Mahal kita!

~V

Isinilid ko na ang sulat sa isang puting sobre at saka ko inutusan si Princesita na ipadala ang liham na ito sa Hacienda Alcaraz at kay Tadeo mismo.

Napatanga ako tapat ng pintuan habang nakangiti ng hindi napapansin. Isang alaala ang pumasok sa aking isipan.


Pagbabalik-tanaw...


"Tadeo! Naaalala ko na!" Ngiti ko. "Sige nga binibini, ano'ng natatandaan mo?" paghahamon niya, "Mula sa araw na ito, ang mundo at ang plazang ito ang ating magiging saksi sa ating pagmamahalan at sila rin ang magiging saksi sa kung papaano ka babagsak sa isang katulad ko! 'Di ba tinuran mo 'yon?!"

"Oo! Ako nga, binibini! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon dahil sa wakas! Nagbalik na ang mahal kong binibini, ang Binibining Verona ng buhay ko! Te amo, ahora y siempre!" (I love you, now and forever!)

"Te quiero, Ginoong Tadeo, mi futuro." (I love you, Mr. Tadeo, my future husband.)


Katapusan ng pagbabalik-tanaw.


Nagising na lang ang aking diwa ng kumunot ang noo kasabay ng pagsingkit ng mata ni ina. Hanggang ngayon kasi ay kinikilig pa rin talaga ako sa tagpong iyon.


🌹


Engrande ang lahat ng matatanaw rito sa aming tahanan, lalo't masyadong pinaghandaan ni ama ang araw na ito. Maraming mga alta-sociedad na bisita ang nasa aming tahanan. Punong-puno ng prutas at alak ang mahabang mesa, kasabay no'n ay ang mga platong galing pa sa tsina.

Alas siyete na ng gabi at ako'y nangangatog na rito sa aking kwarto. Nakabihis na rin ako ng puting-ginto na baro at saya na may kasama pang panuelo at sandalyas. Nakapusod din ang aking buhok gamit ang pamusod de mirasol. Ayos na ang lahat maliban sa aking pakiramdam!

Punto de Vista en Tercera Persona

Dakong alas siyete ng gabi nang dumatal mula sa Hacienda Alcaraz ang ama ni Tadeo. Unang sulyap pa lamang ng dalawang Don ay nagkamayan na ito at nagyakapan pa. Pinatuloy ni Don Juan ang kaniyang bisitang Don at pinaupo na sa mahabang lamesa.

Pinatawag na si Verona ng kaniyang ama sa pamamagitan ni Princesita, sumunod naman ito.

Ilang sumandali pa ay ang dahan-dahang pagbaba ni Verona sa hagdanan ng kanilang tahanan ay ang marahang pagpasok ni Tadeo na bihis na bihis. Nakasuot siya ngayon ng tuxedo at nakasumbrerong itim pa. Nagkatinginan ang dalawa at parehas silang naistatwa, napangiti na lang sila ng 'di nila namamalayan. Napatakip naman ng abaniko si Verona habang si Tadeo ay ibinaba ang kaniyang sumbrero at itinapat ito sa dibdib. Parehas silang nahulog sa patibong ng kilig at pag-ibig. Nagig isa ang ritmo ng pagtibok ng kanilang mga puso.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now