35: Wirdong mga Karanasan

33 3 0
                                    

[Kabanata 35: Wirdong mga Karanasan]

Tadeo Alcaraz Punto de Vista

🌹

HINDI nagkakamali ang nagbigay sa 'kin ng impormasyon! Biglang bumigat ang aking dibdib dahil sa matinding pangamba. Hindi maaari Verona, hindi!

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nilangoy ko ang lawa para sagipin si Verona. Buti at marunong ako sa paglangoy. Nasagip ko naman ang katawan ni Verona at dinala ko ito sa pampang.

Niyugyog ko siya ng paulit-ulit pero wala pa ring nangyayari. "Verona! Bakit mo naman ako iniwan!" Nagsimula nang malaglag ang mga luha ko sa kaniyang malamig na katawan. Kita ko ang kaniyang mukha sa ilalim ng maliwanag na buwan. Nakapagpaparagdag din ng liwanag ang gasera na aking dinala sa pagpunta rito.

Inayos ko ang buhok niya at sumilay sa akin ang napakarikit niyang mukha, tila ba'y isang natutulog lang na binibini. Pinagmasdan ko muna ang aking mahal. Hindi ko inaasahan na mawawala siya sa ganitong paraan! Marami pa akong pangarap para sa 'min! Patawad sa lahat, mahal ko!

Sandali ko muna siyang iniwan para maghanap ng gamit para akin siyang ilibing. Nang biglang...

"Huwag mo muna siyang ibabaon, ginoo!"

Bigla akong napalingon sa taong nagsalita na nasa tapat ko na ngayon. Matandang babae, nababalutan ng itim na damit hanggang sa paa niya. Tila isang tagapaglingkod ng simbahan?

"Bakit hindi ko po siya ibabaon?" pagkukuro ko. "Dahil buhay pa siya!" monotono niyang wika. Napaismid ako. "Malaki po ang respeto ko sa mga nakatatanda sa akin, pero mabuhay po tayo sa katotohanan. Mangyayari ang mangyayari, mawawala ang tao at lilisanin ang mundo. Tanggap ko na na wala na ang aking mahal!"

Hindi man lang siya nagbitaw ng kung anumang reaksyon. Nagsimulang tumindig ang aking mga balahibo.

"Kung gusto mo pa siyang makasama hijo, sumunod ka lang sa sasabihin ko," Patuloy pa rin ang monotono niyang tinig na nakapagpapadagdag sa akin ng kilabot.

"Ihiga mo siya dito sa gilid ng pampang." Napatango na lang ako kahit 'di na maipaliwanag ang mukha ko. Kung ikaw lang ang magiging daan ng pagkabuhay muli ng aking mahal, gagawin ko ang lahat!

Nagwika siyang muli, "Kunin mo sa kwarto ang kaniyang sariling unan at ang sarili niyang kumot." Napahilamos ako ng mukha dahil imposible ang kaniyang inuutos! "P-Pero... hindi na po ako makapapasok sa kanilang hacienda!" giit ko. "Huwag kang mag-alala hijo, nagpapahinga na ang mga tao sa loob no'n dahil gabi na!" Sabi ko nga gabi na!

Nanginginig-nginig akong tumayo at iniwan ang eksenang iyon. Nagtungo ako sa kanilang hacienda at hindi naman ako nahirapan na kuhanin ang inuutos ng matanda. Nang makarating na ako sa entrada ng kanilang hacienda ay may narinig akong kumaluskos at sa pagkabigla'y napatakbo ako palayo. May narinig din akong malakas na putok ng pistola na nagpabigat ng aking dibdib. "HOY! ANO'NG GINAGAWA NG ISANG TULISAN DITO! BUMALIK KA RITO!" malakas na wika ng guardia personales nila. Nang makalampas na ako sa kanto ay bigla na lang akong nakarinig ng kalabog, mga katawan nilang bumagsak sa lupa habang hawak-hawak ang leeg at sumusuka pa ng sariling dugo. ANO'NG NANGYAYARI SA KANILA?!!!

ANG WIRDO NG MGA PANGYAYARI!

Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang nangyari at mabilis na tumungo na lang sa lawa.

Nang makarating na ako sa lawa, napansin ko ang napakatahimik na tanawin, nagtaka ako kung bakit nawala ang matandang kausap ko kanina. Naiwan namang nag-iisa ang malamig na katawan ni Verona. Napakunot ako ng noo at napabulong na lang, "Nasaan kaya 'yun?" Habang kinakamot ko ang aking likod.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now