42: Natupad na Pangarap

36 2 0
                                    

[Kabanata 42: Natupad na pangarap]

Verona Valdecisimo

🌹

"Napa'no ang aking ama?" seryosong tugon ni Tadeo.

"Nabaril ang iyong ama! Kasalukuyang tinutupok ng apoy ang hacienda Alcaraz! Mukhang hindi na aabot sa ospital ang iyong ama!" aligagang balita nito.

Pumatak naman ang isang butil ng luha sa kaniyang mga mata. Bigla namang bumigat ang kalooban ko.

"Nakikiramay ako, mahal ko," malungkot na wika ko.

Napakuha siya ng bato at buong lakas niya itong ibinato. "HINDE! HINDE! HINDE! BAKIT SA KAARAWAN KO PA! NI HINDI KO MAN LANG SIYA NAPATAWAD! NAGSISISI AKO SA MGA NAGAWA KO SA KANIYA! P-PATAWAD AMA!" Paghapis niya.

Alam kong galit siya sa kaniyang ama, pero hindi iyon rason para hindi niya ito mahalin. Ama pa rin niya ito!

KINABUKASAN, nagtungo kami sa kanilang hacienda, dakong bukang-liwayway. Kahit hindi pa namin masyadong maaninag ang bakas ng pagkakatupok ng kanilang tahanan ay ang hustong panlulumo na nararamdaman ni Tadeo. Kasama rin namin ang dalawa ko pang kababata. 

Naglalakad kami papasok ng tahanan nila ngayon. Bahagyang malamig na rin ang temperatura rito dahil lumipas na ang malamig na gabi.

Bakas sa kanilang tahanan ang grabeng pagkasira nito. Maitim na maitim ang mga dingding nito at wala nang mapapakinabangan pang gamit. 

"AMAAAAAA!" Nabigla kaming lahat sa tinig ni Tadeo. Nakahinang ang kaniyang mata sa bangkay ng kaniyang ama malapit sa kusina. Pati ang katawan ng Don, nasunog din.

Sumingkit ang mata ko sa aking napansin. Vi dos disparos en su pecho. (I saw two gunshots on his chest.) Halos nagdikit na rin ang damit nito sa katawan at may mga parteng natuklap ang balat nito.

Awang-awa ako sa sinapit ng ama ng aking minamahal. Hindi na nagdalawang isip ang mahal ko at dali-dali niyang pinuntahan ang labi ng kaniyang ama saka niya ito niyakap ng mahigpit.

Tinabihan ko siya at hinagod-hagod ang kaniyang likod bilang pagdamay. Hindi naman makaimik ang dalawa. Mabilisan ko silang tiningnan at nakita ko ang kanilang mata na namamasa at anumang sandali ay maaari nang bumagsak ang kanilang luha.

Himig: The Garden ni Jimmy Scott

"AMAAAA! P-Patawad!" Kinuha niya ang malutong na kamay ng ama at saka niya ito hinalikan. 

"Patawad kung nagkagalit tayo! Hindi ko sinasadya! H-Hindi ko man nasasabi sa iyo 'to p-pero m-mahal ko kayo ama!" Buong kapaitan niyang pagtangis.

Parang tinutusok ng karayom ang aking puso sa aking nasasaksihan. Masakit ang mawalan ng magulang at naranasan ko na iyon! Mahirap mawalan ng isang tao na aarugain ka at mamahalin ka!

Hinagod ko pa ng mabuti ang likod niya. Ilang sandali lang ay nahimasmasan na rin siya. Nilingon niya kami sabay wikang, "Hali'kayo at ilibing na natin ang yumao kong ama. Kung nais n'yong tumawag ng isang padre... kayong bahala," mahinang sambit niya.

"Masusunod, pare!" Sinamahan ni Miguel si Marcos para tumawag ng isang padre. Lumakad na rin sila palayo sa amin.

Samantalang kami, abot-kaya naming binuhat ang medyo nangangamoy na katawan ni Don Marciello. Si Tadeo ang bumubuhat sa balikat ng kaniyang ama habang ako ay nasa paa. Inilabas namin ang bangkay nito.

Nang makarating na kami sa isang masukal na parte ng kanilang hacienda ay inilapag na namin ito. "Diyan ka muna, Mahal ko. Hahanap lang ako ng asarol at pala," pabatid niya sa akin. Tumango naman ako.

Mi Amor: Until the End ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora