26: Nakabubusog na Pag-ibig

33 5 2
                                    

[Kabanata 26: Nakabubusog na Pag-ibig]

Verona Valdecisimo

🌹

KINABUKASAN

Wala munang klase dahil nga nasa ospital pa si maestra. Narito ako ngayon sa kumbento para mag impake ng gamit. Napansin ko na ang talim ng tingin sa akin ni Natalia. Tinaasan ko naman siya ng kilay ngunit nginisihan niya lang ako. Hindi na ako nagpapa-apekto sa kaniya dahil baka dumugo na ang kaniyang makinis na pisngi. Nakakaawa naman siya. Saka, hindi ko siya kauri! Bakit ko pa siya papatulan. Vete al demonio! Pendejo! (Go to hell! Asshole!)

Pagkatapos no'n ay nag ayos na ako ng aking sarili at kinuha ang kalahati ng aming gamit. Napansin ko siyang matamlay at walang gana.

"Handa ka na ba, kapatid ko? Ayos ka lang?" tanong ko. Tumango naman siya at ngumiti ng mapait. Hindi maitago sa kaniyang mukha ang kalungkutan.

"Kapatid ko, alam kong masakit na tayo'y lilisan muna dito. Pero, pagkatapos ng gulong ito, pangako! Babalik tayo rito ng may ngiti sa labi!" pagpapagaan ko ng kalooban niya. Bigla niya naman akong niyakap. Narinig ko singhap niya, pasensiya ka na kapatid ko kung napaiyak kita!

"Siyempre naman, ate! Babalik tayo rito" tugon niya habang humihikbi. "Tahan na, pangako! Tutuparin natin 'yun!" wika ko. Hinagod-hagod ko naman ang kaniyang likod para siya'y kumalma.

Bago kami magtungo sa napagdesisyunang tagpuan; ang Pansiteria ala Montevella, ay dumaan muna kami sa Hospital Central de Maynila, para makapag paalam kay maestra. Nang makarating kami sa Ospital ay nadatnan naming pinapakain ng almusal ni Veronica ang matanda, ngayong alas nuwebe ng umaga. Samantala, dito na rin nagpalipas ng gabi ang tatlong magpipinsan.

Nang makarating na kami sa tapat nila ay agad kong kinamusta si maestra. "Kamusta na po kayo, maestra?" tanong ko. Sumagot siya, " Ayos lang naman. Salamat!" Ngiti niya.

"Sa susunod po ay hindi na namin papatulan pa sina Natalia," biro ko. "Hayaan mo na ang mga batang iyon! Dahil na rin sa kawalan ng mga magulang ay siya ring pagiging pasaway at walang modo ang mga 'yon. Kulang din sila sa aruga!" biro niya.

"P-Pasensiya na po kung babalik muna kami sa aming tahanan. Maayos lang po talaga ang sitwasyon namin, pangako! Babalik agad kami dito... m-mahal ko kayong lahat," ani Carla.

"Mahal ko rin kayo. Kahit na sa sandaling pagkakataon na tayo'y nagkasama-sama. Itinuring ko na kayong tunay na anak!" Biglang pumatak ang luha ni maestra.

"Pangako niyo na babalik kayo!" wika ni Veronica. Itinaas naman namin ang aming kanang kamay sabay sabing, "Pangako! Babalik kami!" niyakap namin ang isa't isa.

"M-Masakit man wikain ito p-pero... p-paalam muna!" Halos kumulimlim ang aking mata dahil sa namumuong mga luha.

"Huwag kang magsalita ng ganiyan! Magkikita pa tayo!" ani Claudia.

"S-Sige na po, maestra. A-Adios!" ani Carla. Tila parang napupunit ang aking puso, agad kong hinila ang kapatid ko palabas dahil hindi ko na kaya pang itago ang aking nararamdaman. Sobrang sakit na iwan muna sila! H-Hindi ko kaya! S-sana maayos agad ang gulong sinimulan ng Ricardo na iyon!

Matapos naming bisitahin si maestra ay nagtungo na kami sa Pansiteria na sinasabi ni Ginoong Clyde. Nang makatapak na ang aming mga paa sa loob ng Pansiteria ay agad kong naamoy ang napakabangong mga lutuin. Halos 'di mahulugang karayom ang pansiteria na ito dahil sa dami ng mga kumakain. Hindi rin mawawala ang tunog na nagmumula sa isang maliit na grupo ng musikero. Malinis din kung tingnan ang lugar na ito. Hindi na ako magtataka kung bakit dinadayo ng maraming tao ang lugar na ito.

Mi Amor: Until the End ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon