9: "Soy, Ricardo."

82 7 0
                                    

[Kabanata 9: "Soy, Ricardo."]

Verona Valdecisimo

🌹

KASABAY ng pagkalansing ng mga kubyertos sa aming mga pinggan ay ang pagsisimula ng usapan ng aking kapatid, "Ama, magpupunta na po ako ng Maynila doon sa kumbento ng Sta. Catalina," ani Carla (sakop ng Collegio de Sta. Isabel).

"Kailan ang iyong alis?" tanong ni ama. "Mamayang hapon po sana," tugon ni Carla."Naihanda mo na ba ang iyong gamit?" tanong ulit ni ama. "Opo ama, gusto ko rin po sanang isama si ate," wika niya. Nagulat naman ako roon, 'di pa ko nakapaghahanda!

"Sige, para hindi ka naman nag-iisa roon, 'di rin naman kami masyadong malulungkot kasi nandito naman si Angelita," saad ni ama. "Salamat po ama!" Ngiti ni Carla.

"Huwag kang pasaway roon Carla, lagi kang susunod sa mga tamang utos ng mga madre. Alam ko naman anak na masunurin ka," sermon ni ina. "Si ina, nagsermon na, mano nga po, inang madre," biro ko sabay hagikgik. Nagtawanan din sina ama't ina.

Maya-maya may narinig kaming kalesa at parang huminto sa tapat ng aming hacienda.

Punto De Vista En Tercera Persona

"Senor, ¿qué haces aquí?" (Señor, ano'ng ginagawa mo rito?) tanong ng guardia personal.

"Solo quiero hablar con Familia Valdecisimo," (Nais ko lang makausap ang Pamilya Valdecisimo,) wika ng lalaki.

"¿Quién eres? ¿Dónde está tu cedula?" (Sino ka? Nasaan ang iyong cedula?) maotoridad na tanong ng guardia personal. Ibinigay naman ng lalaki ang kaniyang cedula na dinukot niya sa kaniyang bulsa.

Habang sinusuri ng guardia ang cedula ng lalaki ay nagsalitang muli ang lalaki, "Puedo entrar?" (Maaari na ba akong pumasok?) tanong ng lalaki. Napatango-tango naman ang guardia at nagsalita naman ito, "Oye, abre la puerta, deja entrar a señor Ricardo," (Hoy, papasukin ni'yo ang lalaking 'to na nagngangalang Ricardo,) utos ng guardia personal. Makaraan nito ay pumasok na ang lalaki.

Verona Valdecisimo

Dahil sa ingay sa labas ay napatungo kaming lahat sa pintuan ng aming bahay.

Nang buksan ni ama ang pinto ay tumambad agad ang pigura ng isang lalaki na pasimple-simple lang at nagsisindi pa ng tabako. "¿Y quien eres tu?" (At sino ka naman?) panimulang tanong ni ama.

Napabuga naman siya ng usok mula sa kaniyang hinihithit na tabako bago siya sumagot, "No me conoces?! bien! Han pasado años, déjame presentarmede nuevo. Soy Ricardo, quiero decir señor Ricardo Gutiérrez, un Ricardo que casi me exiliaste en tu hacienda!" (Hindi mo na ako natatandaan?! Bueno! Ilang taon na rin kasi ang nakalipas. Hayaan ni'yo akong magpakilalang muli. Ako si Ricardo, este señor Ricardo Gutierrez, ang Ricardo na halos palayasin mo sa iyong hacienda!) sabi ng lalaki na Ricardo pala ang pangalan.

"Ricardo? ¿seriamente? ¡Mierda! Estoy sorprendido de que estés vivo!" (Ricardo? Seryoso? Mierda! Nakagugulat naman na buhay ka pa!) sarkastikong sabi ni ama.

"¡Sí, Don John! ¡Estoy vivo y de pie ante ti! Todavía me acordé ... ¡Matas a mi padre! ¡También quemaste una pequeña casa de gatos donde vivimos! ¡No tiene piedad, Don Juan! ¡Eres un animal!" (Oo, Don Juan! Ako ay buhay at nakatayo sa harap mo! Naalala ko pa nga... Ikaw ang pumatay sa tatay ko! Sinunog mo rin ang maliit na bahay kubo kung saan kami nakatira! Wala kang awa, Don John! Ikaw ay isang hayop!) Kita ko sa mukha nito ang labis na pagkamuhi kay ama, halos nagpipigil na yata siyang mag-iwan ng masakit na bakas sa mukha ni ama dahil sa napansin ko ang kaniyang kamay na nakayukom ng todo.

"¡No tienes derecho a decirle eso a mi padre! ¡Nunca puede hacer lo que tú le acusas!" (Wala kang karapatan na pagsalitain ng ganyan ang ama ko! Hinding-hindi niya magagawa ang ibinibintang mo sa kaniya!) pagtatanggol ko kay ama. Nagsisimula nang kumulo ang dugo ko sa lalaking ito dahil sa kaniyang kahibangan at kalapastangan na ginagawa niya sa aking ama.

"¡Y lo hizo, hace ocho años! ¡Cierra la boca porque no sabes nada de lo que realmente pasó en el pasado!" (At ginawa niya ito, walong taon na ang nakararaan! Alam mo, isara lang ang iyong bibig dahil wala kang alam tungkol sa kung ano talaga ang nangyari noon!) wika niya. Muli siyang humithit ng tabako at ibinuga niya ulit ang usok nito.

"¡Eres una blasfemia! ¡Quién eres tú para blasfemar a mi padre en nuestra hacienda! ¡Vete a la mierda! ¡Más vale que te calles! ¡Estás en mi territorio! ¡Cualquier cosa que mande en nuestra guardia personal puede serlestimada! ¿Entiendes!" (Isa kang lapastangan! Sino ka para lapastanganin mo ang aking ama sa aming sariling hacienda?! Tangina mo! Ikaw ang manahimik dito! Baka nakalilimutan mo na nasa hacienda ka namin! Anuman ang iutos ko sa mga guardia personal namin ay maaari mong ikapahamak!) umiigting na pangang asik ko sa kaniya.

"¡Qué estás haciendo, Don Gutiérrez! ¡Aléjate de nuestra hacienda antes de morir en nuestra tierra! ¡Muy bien, vete! ¡No me importa y no sé nada de lo que dices! ¿Quieres morir?" (Ano pa ba'ng ginagawa mo, Don Gutierrez! Umalis ka na sa aming hacienda bago ka mamatay sa aming lupain! Sige na, umalis ka na! Wala akong pakialam at wala akong alam sa mga pinagsasabi mo! Gusto na bang mamatay?) inis na sabi ni ama.

"Sige, sige... Iyan lang naman ang alam mong sabihin sa akin, e... Kumitil ng mga walang kalaban-laban at mga inosenteng tao, pahirapan ang mga dukha at ang magpalaki ng bayag! Araw-araw kang nakahiga at nagpapakasasa sa kaban ng bayan! Hindi na rin ako magtataka kung isang araw... ang pamilya mo ay babagsak at kukunin ng demonyo! Magpakasaya ka lang, Juan! Sige lang!" Humalakhak ng malakas si Ricardo na tila ba'y nasisiraan na ng bait.

"Ricardo? es que tu?" (Ricardo? I-Ikaw ba 'yan?) hindi makapaniwalang wika ni ina, nabasag ang basong hawak niya. Agad namang pinulot at nilinis ng mga kasambahay iyon.

"Tienes razón, estoy de vuelta!" (Tama ka, ako'y nagbabalik!) Ngiting wika ni Ricardo, sabay hithit ng tabako.

"¿Pero cómo?" (Pero paano?) Hindi matanggap ni ina ang mga nangyayari.

"Es una larga historia que no debería tener que perder el tiempo para contarte más." (Mahabang istorya na hindi ko na dapat pag-aksayahan ng panahon na ikuwento pa sa iyo.) Nakangiti pa rin siya.

"¡Ricardo, alé jate! Guardias personales le disparan!" (Ricardo! Umalis ka na! Mga guardia personal! Paputukan ni'yo ang lapastangang ito!) utos ko sa mga gurdia pero parang nagtuturuan pa sila. Putangina!

"Sige, aalis na ako! Nagpakita lang naman ako sa inyo para magbibay ng isang babala! Lalabas din ang mga baho mo, Don Juan! Maghanda ka na dahil isang araw... Hindi mo magugustuhan ang pagganti ko sa 'yo! At sisiguraduhin kong ako ang unang hahalakhak kapag ang pamilya mo na ang nagdudusa!" banta niya sa amin, napahithit pa siya ng kakapiraso na lang niyang tabako sabay alis habang humahalakhak. Para siyang demonyo habang lumalabas ang mga usok ng tabako mula sa kaniyang bibig.

Agad naming sinara ang pinto at napalingon ako kay ama ng buong pagtataka. "Sino po ba ang Ricardo na 'yun ama?" tanong ko.

Napahawak naman siya sa kaniyang noo. "Siya sana ang lalaking ipapakasal ko sa iyo dahil inaasahan ko na ang kaniyang ama ang mgaiging kanang-kamay ng Gobernador-Heneral at natupad ang lahat. Naging kanang kamay nga ni Gobernador-Heneral Blanco si Don Salvador Gutierrez. Pero dahil sa 'di malamang dahilan, ako ang sinisisi sa pagkamatay ni Don Salvador," kwento ni ama.

PUNYETA! NAGING BIKTIMA SI AMA NG PALIT-ULO!
AT SINO ANG GAGAWA NO'N?!

Pakiramdam ko may masamang mangyayari!

Mi Amor: Until the End ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon