27: Bangungot ng hinaharap

37 4 0
                                    

[Kabanata 27: Bangungot ng hinaharap]

Verona Valdecisimo

🌹

ENERO 29 nang makababa na kami sa barko na sinakyan namin mula Maynila. Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa tahanan namin. Ilang sandali pa ay nadatnan namin si ina na katabi ang aming bunsong kapatid. Hindi ko na napigilan ang aming sarili at dali-dali naming tinakbo at niyakap si ina.

"Inaa!" napalingon siya sa amin sapagkat siya'y nakatalikod. "Oh, mga anak! Nagulat naman ako sa inyo! Kailan pa kayo dumating?" sunod-sunod na sambit ni ina. Halos 'di ko na maipaliwanag pa ang mukha ni ina, ang laki na ng pinagbago niya. Ang dating masiglang mukha ni ina ay napalitan na ng lungkot. Napansin ko ang mata niya na lumulubog at may napakalusog na ojeras (eyebags). Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon, tila todo ang pag aalaga niya sa aming bunso. Sigurado akong hindi na siya nakapagpapahinga. Aayos nga ang kalusugan ng kapatid ko pero napababayaan naman niya ang kaniyang kalusugan.

"Kumusta na po kayo? Si Angelita?" tanong ko. Sumagot si ina, "Malubha pa ang kaniyang kalagayan." malungkot na saad niya, "dahil ito kay Ricardo!" dagdag niya pa. Ang kaniyang malungkot na mukha ay biglang napalitan ng galit at pagkasuklam. Tinanong ko siya, "B-Bakit po? A-Ano'ng nangyari?!" naguguluhan kong tanong. "Dahil sa hindi maawat na pakikipagtalo ni Ricardo at ng iyong ama ay nagkaroon ako ng sipon at ubo, halos gabi-gabi ay lagi akong umiiyak. Hanggang sa isang araw ay nagkasakit ako, gumaling naman ako no'n pagkatapos pero nahawa naman ang kapatid mo! Nang ipakonsulta namin siya sa doktor ay napag alaman namin na mahina pala ang resistensiya ng kapatid mo! Nanganganib ang buhay ng kapatid mo sa ngayon! Anumang sakit, mapa-malala man 'yan o hindi ay pwede na niyang ikamatay! P-Pagod na pagod na ako, anak! H-Hindi ko kakayanin kapag nawala ang kapatid mo! H-Hindi ko kakayanin!" Hindi ko kayang makitang tumatangis si ina!

Kumuyom naman ang kaniyang kamao. "Kasalanan ito ng hijo de putang Ricardo na 'yan! Magbabayad siya!" Agad kong niyakap si ina, hindi ko na kaya pang nakikita siyang ganito-naghihinagpis at puno ng galit sa kaniyang puso. Hindi na rin nakayanan ng aking mga mata at bigla na lang gumuhit ang aking luha sa pisngi ko.

"Huwag kayong susuko, ina! Nandito na kami! Magbabayad talaga ang Ricardo na 'yon sa pagpapahirap sa 'ting pamilya!" pagpapalakas ng loob ni Carla kay ina.

🌹

NAGHAHANDA kami ng hapunan ng aking kapatid nang biglang dumating si ama. Pati si ama ay nagbago na rin ang hitsura. Nadagdagan ang mga kulubot sa noo ni ama. Lubog na din ang kaniyang mata, pati na rin ang pamumutla niya. Malaking dagok na ang ibinibigay ni Ricardo sa aming pamilya! Hindi siya titigil talaga para lang ibagsak kami!

"Oh anak! Salamat sa Diyos at nakauwi kayo ng ligtas!" Agad siyang pumarito sa'min at niyakap niya kaming dalawa.

Makaraan niya kaming yakapin ay nabaling ang atensyon niya sa mga lalaking nasa sala. "Oh Tadeo, narito pala kayo! S-Sino 'yang kasama mo?" tanong ni ama. "A-Ako po si Doktor Clyde Montevista, Doktor Clyde po ang aking palayaw," tugon niya. "kapatid ko po siya," dagdag pa niya. Napakunot naman ang noo ni ama dahil sa 'di niya mawari na may kapatid pala si Tadeo.

"Ahh, ngayon ko lang napag-alaman na may kapatid pala si Tadeo. Siya nga pala, halina't kumain na kayo dito ng hapunan," pag-anyaya ni ama sa kanila. Sumagot sila, "Hindi na po, salamat!" nahihiya nilang tugon. "Masamang tanggihan ang grasya. Huwag na kayong mahiya," wika ni ama. Napakamot pa sila ng batok bago sila tumayo at saluhan kami sa hapag.

Nasa tapat ko si Tadeo, bandang kabisera ng lamesa. Habang magkatapat naman ang aking kapatid at si Clyde. Nasa kanang banda naman ni ama si ina. Kasalukuyang natutulog si Angelita dahil busog na ito.

"Ikaw ba ang magsisilbing abogado ng aming pamilya?" tanong ni ama kay Tadeo. Tumugon siya, "Opo, handa ko po kayong tulungan!" Ngiti niya.

Nilingon naman niya si Clyde sabay wika, "Malalaman mo ba ang lunas sa karamdaman ni Angelita?" tanong ni ama. Tumugon naman si Clyde, "Opo, dadalhin po namin siya sa ospital sa lalong madaling panahon!" Ngiti niya.

"Ang swerte ko naman... ay este, ang swerte ng mapapangasawa ng aking anak," Ngingiti-ngiting biro ni ama. Namula naman ako ro'n, bati tayo 'di ba, ama!

"Ate, sagutin mo na kasi!" pag-gatong ni Carla. "Alam na niya ang gagawin, anak ko," biro ni ama. Tss! Pinagtutulungan na nila ako dito! Parang gusto ko nang lamunin ako ng lupa sa sobrang pagkailang!

"Basta anak, piliin mo ang lalaking karapat-dapat, piliin mo 'yung lalaking iniisip na ang inyong kinabukasan, kahit 'di pa kayo ipinagkakasundo. Parang 'yung ama mo lang!" ngiti ni ina sabay kurot sa pisngi ni ama. Napaiwas naman ng tingin si ama. Luh!! Tinamaan siya ro'n!

"Ayy! Langgam!" biro ko. Bigla naman silang natawa. "Tama ang iyong ina, anak! Hindi biro ang isang relasyon. Kailangan, ito'y gawin mong seryoso. Dapat, tapat ka!" pangaral ni ama. Tumango naman ako at ngumiti. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

🌹

NAGULANTANG ako sa ingay na nagmumula sa ibaba ng aming tahanan. Naka-aalarma ang ingay na 'yon kaya't napapanaog ako nito mula sa aking kwarto. Nakabihis pang tulog pa ako dahil kagigising ko lang, nakapaghilamos naman ako bago lumabas ng silid. Nang medyo makabababa na ako ay nauulinigan ko ang pagtawag ni ina kay ama.

"Tumawag ka ng doktor, Juan, mahal ko!" aligagang tawag ni ina. Napatakbo naman si ama mula sa labas ng tahanan namin. "B-Bakit?!" tanong ni ama. "S-Si Angelita! Kanina pa siya umiiyak!" Bigla namang bumigat ang aking dibdib. Hindi maaaring magkaroon ng sakit si Angelita! Baka hindi niya iyon kayanin! Diyos ko! Tulungan mo kami!

"Anak! Verona!" tawag ni ama. "P-Po?" sagot ko. "Tumawag ka ng doktor! S-Si Doktor Montevista, tawagin mo siya!" nagkukumahog na wika ni ama. Napapahilamos na lang siya sa kaniyang mukha dahil sa sobrang kaba.

"Masusunod po!" agad akong lumabas ng tahanan at nagtawag ng kutsero, wala na akong pakielam kung nakapantulog pa ako! Ang mahalaga ay ang buhay ng aking kapatid!

Nang makasakay na ako sa kalesa ay napagtanto ko kung saan ko siya hahanapin... Ah! Sa ospital, baka mahanap ko siya ro'n!

Nang makasakay na ako sa kalesa ay napagtanto ko na hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Ilang segundo pa ay dumaan sa aking isipan na baka nasa ospital siya ngayon. Kaya't wala mang kasiguraduhan ay inutusan ko ang kutsero na magtungo kami sa Ospital ng Sta. Pergrina.

Wala pang tatlumpung minuto ng makarating kami sa aking paroroonan. Nakalimutan ko pang magdala ng barya kaya't masakit man sa loob ko ay ibinigay ko na lang 'yung kwintas na ibinigay ni ama nang bata pa lamang ako.

Nang makababa na ako sa tapat ng ospital ay agad kong nasilayan ang aking pakay. Napansin ko siyang nakaupo sa taborete (chair) habang humihigop ng mainit na kape. Nang akin siyang tawagin ay naibuga pa niya ang kaniyang iniinom at hindi ko sinasadya na nasasamid na siya ngayon at uubo-ubo. Napakamagugulatin naman niya, hayss!

Muntik nang mawala sa aking isipan ang aking pakay sa kaniya. "G-Ginoo, paumanhin kung ika'y aking nagambala, p-pero kailangan ko ang 'yong tulong! Ang bunso kong kapatid! Lumalala ang kalagayan niya! Halina!" tawag ko. Ibinaba naman niya ang tasa at pagkatapos ay dali-dali siyang tumayo at lumakad papalapit sa akin, kasabay no'n ang paghawak niya sa 'king kamay. Nanlaki naman ang mata ko ro'n dahil sa pagkagitla, hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa. "Tara na!" wika niya, matapos no'n ay sabay kaming pumara ng kalesa at kaagad na bumalik sa hacienda.

🌹

NANG nasa tapat na kami ng pintuan ay may naulinigan akong malakas na sigaw. Naratnan naming kalong kalong ni ina ang aking kapatid sabay sabing...

"Anaaaaaakkkk!!!!"

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now