30: Sa ilalim ng puno ng Bayabas

31 4 0
                                    

[Kabanata 30: Sa ilalim ng puno ng Bayabas]

Verona Valdecisimo

🌹

"Kausapin mo 'ko, binibini!" Pumatak na ang luhang kaniyang pinipigilan kanina. Nag-umpisa nang mawasak ang aking kalooban na naman. Hindi ko sinasadya, Clyde!

"'Wag ka nang malungkot, ginoo. Hindi naman ako tuluyang mawawala. Magkaibigan pa rin tayo. Subalit, may limitasyon lang na naragdag." Malungkot kong wika.

Clyde Montevista Punto de Vista

S-Sobrang sakit! M-Mahal ko siya, kaya ako nasasaktan! Bakit sa kaarawan ko pa! Masakit man sa'kin, pero ito na ang nangyayari! B-Baka tama nga siya. Mahal ko siya kaya handa ko siyang palayain. Kung kami naman talaga ang sa huli ay maaari siyang bumalik sa aking buhay. Umaasa pa rin ako sa tadhana. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng isang matalik na kaibigan na alam kong handang dumamay at laging nandiyan para sa 'kin.

"P-Patawad, kung hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa 'yo, ginoo. Pero tandaan mo lagi na minahal kita simula pa nang una tayong magkita."

"Huwag kang humingi ng paumanhin." Sabay lagay ko ng aking hintuturong daliri sa kaniyang labi. "Shh," huni ko.

Grabe! Ang lambot pala ng labi niya! Tila nakaramdam ng dagitab (kuryente) ang aking katawan.
Agad kong tinanggal ang daliri ko mula sa kaniyang malambot na labi. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa nakakailang na ginawa ko na iyon.

Mierda! Kahit pigilan ko ang sarili ko ay hindi ko magawa! Hindi ito tama, at alam ko iyon! Oo doktor ako ng puso, pero bakit ang sarili kong puso ay hindi ko kayang gamutin!

"'Wag mong sabihin 'yan dahil wala kang kasalanan. Ayos lang ako, kaya kong maging masaya... kahit pa mag-isa ako. Siguro ito muna ang panahon na kailangang piliin ko muna ang aking sarili, ang mahalin ang aking sarili." Pilit kong ngiti. Iyon ang nararamdaman ko, eh. Bigla na lang nabigkas ng aking bibig.

Bigla niyang pinunasan ang luha ko gamit ang kaniyang kamay. Pakiusap binibini! ¡Soy frágil! (I'm fragile!). Kung wala sa 'yo 'yan, sa 'kin meron! Nasasaktan lang ako! Umaasa lang ako!

"Tahan na, hindi nagbago ang pagmamahal ko sa 'yo, ginoo. Ako ang iyong pinakamatalik na kaibigan na nakilala ko!" Ikinurba niya ang mga labi ko pataas gamit ang kamay niya. "wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng mga kaibigan, dahil ang ilan sa mga turing nila roon ay para mo na ring kapatid!" dagdag niya.

"Salamat, dahil nandiyan ka lagi, napakaswerte ko," saad ko. Sumabat naman siya, "Mas maswerte ako, ginoo. Dahil dinamayan mo ako sa panahong ako'y malungkot. Maraming salamat!" Ngiti niya.

Binaling ko ang tingin ko sa puntod ni ina. "Pasensiya na ina, kung mismong kaarawan ko pa nailabas ang aking wasak na kalooban at ang mga luha. 'Wag kang mag alala ina, dahil hihilom din ito," bulong ko sa hangin.

"Tara na, umuwi na tayo," wika ko. Tumango siya at tumayo.

Verona Valdecisimo Punto de Vista

Nakabalik kami sa kanilang hacienda bandang mga alas-sais na ng dapithapon. Nagtaka naman sina ama kung bakit magkasama kami ni Clyde, mabuti at hindi nagalit si ama. Sakto naman ang pagdating ng pamilya Alcaraz nang makabalik kami.

Sinalubong ng yakap ni Tadeo si Clyde sabay wika, "Maligayang kaarawan, kapatid ko!" Ngiti niya.

"S-Salamat." Maikling tugon niya. Ngumiti rin siya ng pilit. Hayss, naiintindihan ko si Clyde. Pero, sana'y 'wag siyang lamunin ng selos at hinanakit. Masakit sa kalooban iyon, baka isang araw sumabog na lang bigla ang damdamin mo.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now