17: "Oo, siguro, 'di ko alam."

92 6 0
                                    

[Kabanata 17: "Oo, siguro, 'di ko alam."]

Verona Valdecisimo

🌹

Himig: Dahilan

Ng: Silent Sanctuary

♫︎Gusto kitang umamin reklamo mo sa akin
♫︎Sumabog ka't sabihin at aagapan natin
♫︎Kahit anong liwanag hindi nagpapatinag

♫︎Sana'y muling mayakap tayong dalawa sa ulap
♫︎Ano ba ang dahilan at nakuha mong lumisan?
♫︎Di ko alam ang nais na mangyari ng iyong isipan
♫︎Ano ba ang dahilan at pinili mong lumisan?

♫︎Lihim na paalam ano ang dahilan?

"... Kaya ako naninibugho dahil mahal kita!" Napahagulgol na siya.

"Pero 'di naman kita mapipilit kung iba na ang laman ng puso mo, pero iyong pakatandaan binibini, na... m-minahal kita," patuloy niya pa.

Ang sakit! Ayokong nasisilayan siyang tumatangis! Nasasaktan ako!

"Aalis na ako. Papalipasin ko muna ito. Wala rin naman mangyayari," saad niya.

"Pakiusap! Tadeo! Huwag mo akong lisanin!" nagmamakaawang sigaw ko.

Alam kong nasasaktan siya at natural lang naman 'yun, kaya't itinuloy pa rin niya ang paglisan niya sa akin.

Maya-maya bumukas ang pinto. Nadatnan niya tuloy na tumatangis ako.

"O, ate! Ano'ng ginawa sa 'yo ni Ginoong Tadeo?!" alalang tanong ni Carla sa akin.

"W-Wala kapatid ko, may mahalaga lang kaming pinag-usapan," tugon ko.

"Nakita ko ring tumatangis si Ginoo, eh!" wika niya.

Carla Valdecisimo Punto de Vista

Ano kayang pinag-uusapan nila ate? Ang tagal!

Maya-maya bumukas ang pinto at napansin ko na umiiyak si Ginoong Tadeo.

Gustuhin ko man na siya'y kausapin pero hindi ko magawa.

Agad akong pumasok sa aming kwarto at nadatnan ko ngang humahagulgol si ate.

Verona Valdecisimo Punto de Vista

"Tahan na ate, lalong sasakit ang ulo mo," pag-alo niya.

"Kailangan mong magpagaling," dagdag niya pa.

"O sige kapatid ko, mamamahinga muna ako," tugon ko.

Kailangan lang siguro namin ng pahinga.

"Sige ate, dito lang ako babantayan kita sa tabi mo," ani niya.

"Sige, salamat kapatid ko."

Masakit na ulo ko sinabayan pa nila sa sobrang sakit kaya't itinulog ko na lang.

🌹

NAALIMPUNGATAN ako sa may taong nasa harapan ko. Kinusot-kusot ko muna ang aking mata, puro kasi muta na. Nang makilala ko na ay nandilat tuloy ang aking mata.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now