36: Mapalansing Pag-ibig

29 4 0
                                    

[Kabanata 36: Mapalansing Pag-ibig]

Verona Valdecisimo

🌹

HINDI pa sumisikat ang araw dakong bukang-liwayway pa lamang ay naglalakad na ako sa daan patungo na ako sa Hacienda Valdecisimo. Kailangan kong matapos ang aking misyon sa lalong madaling panahon!

🌹

"Tadeo, gising!" Naalimpungatan ako sa isang tinig. Kinuskos-kuskos ko ang aking mata habang marahang nagkakamot ng ulo kahit 'di naman makati. Nang maging maayos na ang aking paningin, bumungad sa akin ang mukha ng aking minamahal pero hindi ang tunay na siya. Nakatulog pala ako!

"Uhmm... ang bango! Sino'ng nagluto?" Napalingon ako sa nagsalita, si Don Juan. Pagkaraan ko nga palang magluto ay nakatulog ako! "Ikaw ba ang nagluto?" tanong ni Natalia. "Ah... oo, Natalia," nahihiyang sagot ko. Hindi ko nga pala siya maaaring tawagin sa ngalan na iyon! "Ahh... maaari ba kitang tawagin sa pangalang Verona?" tanong ko. Napakunot naman siya ng noo. "Bakit naman?" Napahawak ako sa noo ko. Pasaway na binibini! "Basta! Maraming dahilan! Maaari ba?" giit ko. Mukhang nakumbinsi ko naman siya at napatangu-tango na lang siya.

"Anak? Ikaw ba ang nagluto?" Naagaw ang atensyon namin sa tinuran ni Don Juan. "Ah... si Tadeo po, ama!" tugon niya. "S-Salamat, Tadeo. Napakabuti mo naman!" Ngiti ng Don. "W-Walang anuman po 'yun!" nahihiya kong wika. "Halina't sumalo ka na sa 'min," pag-aya niya. Tumango naman ako bilang pagtugon at inayos na ang aking sarili para kami'y makakain na.

Habang nagtatama ang kubyertos at ang pinggan na nagdudulot ng ingay ay nagtanong ako kay Don Juan, "Ahh... maaari ko po bang ipasyal si Verona mamaya?" Napapahid muna siya sa kaniyang bibig gamit ang tuwalya na nasa pagitan ng kaniyang hita at nagsalita, "Sige lang! Magkasintahan naman kayo!" masigla niyang tugon. Nakakapanibago talaga ang ikinikilos nila, tila ba walang anumang sigalot na nangyari sa pagitan ng amin mga pamilya. Iyon ang ipinagpapasalamat ko. Hiling ko na sana pagkatapos ng misyon na ito ay ganito pa rin ang turingan ng aming pamilya.

Napataas ng kilay ang Don, nakatulala pala ako! "S-Salamat po, Don Juan!" Pilit kong ngiti. Napatango naman siya at ibinalik na ang tuwalya sa pagitan ng kaniyang hita na ginamit niya sa pagpupunas ng bibig kanina. Saka bumalik muli sa pagkain.

🌹

Natalia Punto de Vista

Wala sa sarili at mapanglaw akong nakatanaw sa aming durungawan dito banda sa aking kwarto dakong alas-otso ng gabi. Ilang linggo na rin magmula na magkita kami ni Tadeo. Marso na ngayon at sobrang nauulila ako sa kaniyang presensya. Kailan ko kaya siya makikita? Ni hindi man lang siya nagpapaalam.

Tadeo Alcaraz Punto de Vista

"LUSOB!" sigaw ng supremo. Nasa Cavite kami ngayon at susugurin namin ang kwartel ng mga guardia civil upang kumuha ng mga armas. Kasama ko ang limandaang katao na handang mag-aklas laban sa pamumuno ng mga mapang-abusong mga dayuhan. Mapalalaki at babae ay kasama sa digmaang ito. Isang putok ng baril ang pinakawalan ni supremo habang kami ay lumulusob sa kanilang kwartel.

"PARA SA INANG BAYANG FILIPINAS!" nag-aalab kong sigaw.

Gumanti rin ng mga putok ang mga guardia civil pero napasok namin ang kanilang kwartel dahil na rin sa dami ng aming pangkat. Hindi na malaman ng aming mga kalaban ang gagawin, halos nagkagulo na lamang sila dahil sa hindi namin inaasahan na paglusob. 'Mamatay na kayo!'

Ilang sumandali pa ay natagpuan namin ang heneral at pilit siyang nanlaban. Umakma ako ng itak pero tinamaan niya ako sa bandang tiyan ko gamit ang kaniyang espada. Nagdulot ito ng matinding sakit sa akin pero hindi ito naging hadlang, naging motibasyon ko pa ito para patayin ang aking kalaban. Kaya't kinuha ko ang isang matigas na bagay sa kaniyang lamesa at ibinato ko diretso sa kaniyang ulo, na agad niyang ikinabagsak. Pinugot ko ang ulo ng heneral at ipinakita ko ito sa mga kasamahan ko. Nang itaas ko na ang parteng iyon ay nagsigawan ang lahat. "MABUHAY ANG KATIPUNAN! MABUHAY ANG FILIPINAS!" Lubos ang aking saya dahil sa nagtagumpay kami, pero napaluhod ako dahil sa hiwang natamo ko kanina. Agad namang lumapit ang mga kababaihan at dinala ako sa isang sulok para gamutin.

🌹

Iika-ika akong naglalakad patungo sa aking kwarto dito sa bahay ni Don Lorenzo. Hindi ko na dinalaw ang kaniyang silid at baka siya'y namamahinga na, ayaw ko rin na mag-alala siya sa 'kin. Balot ng dahon ng bayabas ang aking tiyan na nasugatan kanina. Nang makarating na ako ay napukaw ng isang liham ang aking atensyon. Nilapitan ko iyon at binuksan, isang liham na galing kay Natalia! Bakit naman siya nagpadala ng liham?

🌹

Ginoong Tadeo,

Napapansin kong wala ka ngayon dito. Hindi mo na ba ako gusto? Dahil wala ka nang oras para sa 'kin? Sobrang nauulila na ako sa presensya mo. Magkita tayo bukas at doon ko malalaman.

Nagmamahal,

~Natalia

🌹

Nakalimutan ko na! May misyon pa nga pala ako! Kailangan kong bumawi!

Kinabukasan, dakong alas-onse ng umaga ay nagtungo ako sa kanilang tahanan, may hawak akong rosas na itinatago ko sa aking likod. "Binibini! Binibini!" malakas na bigkas ko.

Natalia Punto de Vista

Nandito ako sa aking kwarto at nagbuburda ng rosas sa isang puting panyo, nang maulinigan ko ang isang malakas na tinig na nagmumula sa ibaba ng aming tahanan. Sinilip ko muna ang bintana at tumambad ang lalaking nagpapahulog sa akin. Ang kaninang mapanglaw na mukha ko ay biglang napalitan ng saya at galak. Sa wakas! Dumating din siya!

Nagmamadali akong pumanaog mula sa aking kwarto at marahan ko siyang pinagbuksan siya ng pinto.

Nang lumantad ang kaniyang mukha sa aking paningin ay yumuko siya at itinapat ang kaniyang sumbrero sa kaniyang dibdib. "Mabuti at dumating ka, akala ko ay nakalimutan mo na ako. Mahigit tatlong linggo rin ang nakalipas nang huli tayong magtagpo. Saan ka ba galing? Ano'ng ginawa mo? Saka bakit may makapal na nakatapal sa tiyan mo?" sunod-sunod kong tanong. Nag-aalala ako sa kalagayan niya! Pinili ko muna ang pag-intindi sa sitwasyon kaysa sa pagtatampo, siguro konting tampo pero pinairal ko ang pang-intindi.

"Hindi ko makalilimutan ang taong kasingganda nito!" Sabay pakita niya ng rosas at inabot sa akin. Natawa naman ako sa kaniyang tinuran sabay kabig sa kaniyang balikat. "Bolero!" Mahina akong napahagikgik. "Wala ito, ayos lang ang katawan ko, binibini. May ginawa lang ako. Salamat sa pag-aalala," tugon niya. "galit ka pa ba?" dagdag niyang tanong. "Hindi naman, naulila lang talaga ako sa'yo. Parati kitang iniisip," mahinang bigkas ko. "Alam ko na para maibsan na ang pangungulila mo sa 'kin. Ipagluluto kita!" Biglang napakurba ang aking labi hanggang sa tainga. "Sige na nga, halika!" pag-aaya ko.

Nagluto kami ng tanghalian siya ang tagahiwa at ako naman ang tagahalo. Dapat palit kami kasi minsan nakaiinis din ang mga banat niya. Sarap saksakin! Biro lang! Mahal ko 'yan!

Isang oras pa ang nakalipas ay natapos na kami. "Tikman mo, Mahal!" Sabay subo niya sa akin ng kaldereta. "Hmm... ang sarap namang magluto ng aking mahal!" wika ko, habang nginunguya ang isinubo niyang ulam. "Mas masarap ka!" ngumuso pa siya. Kukunin ko na sana ang kutsilyo pero agad siyang nagsalita, "El broma, mi amore!" (just kidding, my love). Alam ko namang masarap ako, este, magluto kasi!

Napansin namin na bumababa na ang may-ari ng bahay na ito, hindi naman kasi ako ang tunay na nakatira rito kaya gano'n. "Ang bango naman! Kayo nagluto?" tanong ng Don. "Opo, Don Juan!" masiglang tugon ni Tadeo. Ngumiti naman si ama-amahan. "Halina at magtanghalian na tayo!" suhestiyon ni ina-inahan. Tumango namang kaming lahat at saka naghain na.

🌹

Tadeo Alcaraz Punto de Vista

Natapos ang araw na iyon at narito akong muli sa aking kwarto kaharap ang taalarawan na ibinigay sa akin ng matanda. Kinuha ko ang pluma at nagsimula nang magsulat tungkol sa nangyari sa araw na ito.

🌹

Mahal na taalarawan,

Nararamdaman ko at nagagawa na rin niyang mahalin ako at mahalin din siya. Sana magtuloy-tuloy lang ito.

Nagmamahal,

~Tadeo

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now