3: Ang Pagpapakilala

180 7 2
                                    

[Kabanata 3: Ang Pagpapakilala]

Verona Valdecisimo

🌹

"Pero ipangako mo na sikreto muna natin ito, ah, na may pagtingin ako kay Ginoong Tadeo." Kasabay ng pagkakasabi ko ng katagang iyon ay ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto.

"Anoo! May pagtingin ka kay Ginoong Tadeo Alcaraz!" Tumambad ang 'di makapaniwalang mukha ni ama.

'Di ko alam pero sa tono ng pananalita niya ang dating sakin parang... nagalit siya!

"Aminin mo na anak ko. Totoo ba 'yun?" Maotoridad niyang tanong.

"O-opo ama," nangiginig na tugon ko.

Biglang umaliwalas ang mukha niya at naging kalmado. "Oh, bakit ganyan ang iyong mukha, huwag kang matakot sa akin, gusto mo bang magpakasal sa kaniya?" Napangiti siya.

¡Santisima! KASAL?! PARANG GUSTO KO 'YUN! ¡ Hindi ko ito inaasahan!

"Pero ama, kakikilala ko lang po sa kaniya kanina," pagtatapat ko.

"Huwag kang mag-alala, anak. Gagawan ko 'yan ng paraan." Ngiti niya.

"Talaga po ba! Naku! Maraming salamat po, ama!" Napasugod ako sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit.

🌹

LUMIPAS ang mga araw na hindi ko napapansin si Tadeo. Kamusta na kaya siya? Walang segundong lumipas na nawala sa aking isip si Tadeo, kaya't inabala ko na lang ang aking sarili sa bahay tulad ng magluto sa umaga, pagtugtog ng piano, pamamalengke kasama si ina, at ang pagmuni-muni ko sa lawa ng dalamhating Jacove na nasa tuktok ng bundok Sumaydana.

🌹

KAARAWAN ni ina ngayon. Ang balita ko ay inimbitahan ni ama ang pamilya Alcaraz. Ako'y natutuwa dahil sa magarbong selebrasyon ang inihanda para kay ina. Dakong alas-nuwebe na ng gabi, dumating ang pamilya Alcaraz at nagtataka ako na wala si Tadeo.

Pintuan pa lang ng aming tahanan ay naulinigan ko na ang malakas na pagbati ng isang Don. Medyo may katandaan na siya at may bigote rin. Makikita rin sa kaniya ang pagiging lahing kastila ngunit may pagka-Pilipino rin. Siguro ay insulares siya. Balita ko ay Don Marciello ang ngalan nito. Sino nga bang tao ang hindi makakakilala sa isang opisyales.

"Feliz Cumpleanos, Donya Zerita," (Happy Birthday!) panimulang bati ni Don Marciello.

Napatalikod si ina sa mga kausap niya. "Gracias! Don Marciello." (Thank you!) Ngiti ni ina. Sa ngayon, katabi ako ni Ina't ama habang si Carla naman ay nag-aasikaso ng bisita.

"Oh, parang wala 'ata ang iyong panganay (Tadeo)?" pagtataka ni ama.

"Ewan ko ba sa bata na iyon at kung saan-saan naglululusot!" Tumawa si Don Marciello sa kaniyang tinuran.

"Oh siya, kumain na kayo," pag-aya ni Ina.

"Sige. Maraming Salamat!" Ngiti ni Don Marciello.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now