8: Huli ka!

107 7 1
                                    

[Kabanata 8: Huli ka!]


Verona Valdecisimo

🌹

"ANO'NG IBIG SABIHIN NITO, HA! TADEO!" Naguguluhang tanong ni Don Marciello.

"IKAW RIN VERONA, MAGPALIWANAG KA!" Pagtataas ng boses ni ama.

"ALAM NIYO SANA NA BAWAL MAKIPAGKITA ANG BABAE SA LALAKI KAPAG HINDI MAGKASINTAHAN, PERO ANO'NG NAKIKITA KO NA 'YAN!" sigaw ni Don Marciello.

Choques! Pa'no na ito! Dios mio!

"Ah, D-Don Juan, magpapaliwanag po ako," saad ni Tadeo.

"SANDALI! AT BAKIT KA MAGPAPALIWANAG KAY DON JUAN? SIYA BA ANG IYONG AMA?!" Namumula at umiigting na panga ni Don Marciello.

"DON MARCIELLO, BAKA NATATAKOT SA 'YO ANG BATA, HAYAAN MO SIYANG MAKAPAGPALIWANAG," seryosong giit ni ama.

"Sige na, hijo. Magtapat ka na." mahinahong sabi ni ama.

"G-Ganito po k-kasi iyan. M-May g-gusto po akong s-sasabihin," Nanginginig na tugon ni Tadeo.

"Ano 'yun?" seryosong tanong ni ama.

"G-Gusto ko po ang inyong anak, k-kung inyo pong mamarapatin ay maaari ko po bang hingin ang kaniyang kamay," pagtatapat ni Tadeo. Biglang tumigil ang mundo ko sa kaniyang tinuran.

SANTISIMA! TEKA SANDALI LANG!

CARGANDO EL VEINTICINCO POR CIENTO... (Loading twenty five percent...)

CARGANDO EL CINCUENTA POR CIENTO... (Loading fifty percent...)

CARGANDO SETENTA Y CINCO POR CIENTO... (Loading seventy five percent...)

CARGANDO AL CIEN POR CIEN. (Loading one hundred percent.)

MAY GUSTO SA AKIN SI TADEO AT BALAK NIYANG MAGPAKASAL SA AKIN?

SERYOSO BA?! KUNG PANAGINIP ITO WALANG MANGGIGISING SA 'KIN TATAMPALIN KO!

Agad na bumalik ang aking kinikilig na diwa noong sumigaw si Don Marciello. Alam mo Don Marciello, manahimik ka na lang, may gusto ang anak mo sa 'kin!

"ANO?! KELAN PA?!" Nabigla ako sa reaksyon ni ama, tama naman kasi si ama na bawal makipagkita ang mga hindi naman magkasintahan. Biglang nawala ang pagkagat ng aking mga labi at napalitan ito ng kalungkutan.

"S-Simula po nang makilala ko po siya sa plaza, dito po sa lugar na tinatapakan natin ngayon," pagtatapat niyang muli.

DIOS MÍO! Ibig sabihin, nahulog na agad siya sa 'kin simula noon?!

"Don Marciello, tutal nandito ka rin naman na... Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?" tanong ni ama. Mabuti at kumalma na siya.

Sige na, Don Marciello. Hayaan mo na kami!

Napansin ko na Muy-bien-aceptaste-ser-padre-mira (Please-accept-the-decision-my-father-look) si Tadeo kay Don Marciello.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now