22: Sa plaza

52 4 0
                                    

[Kabanata 22: Sa plaza]


Verona Valdecisimo

🌹

"TULUNGAN ko na kayo," wika ko dahil upang mapalingon sila sa akin.

"Nako hindi na, parusa sa amin ito at buong puso naming tatanggapin." Ngiti ni Veronica.

"Wala naman akong magawa eh, nababagot ako... ni hindi ko magawang matulog." Simangot ko.

"Claudia... ano payag ka ba?" ani Zonia.

"Sige na nga mukang 'di naman natin mapipigilan si Señorita Verona!" tawa ni Claudia. "Kahit Verona na lang... wala namang masama ro'n." Ngiti ko.

Tulong-tulong kaming nag hugas ng mga pinggan, napakasarap nilang kasama.

Ilang sandali lang ay naisipan namin na magpahinga na at magtutungo kami ng plaza bukas.

🌹

KINABUKASAN, siyesta ng dakong ala-una ng hapon, inaya ko sina Claudia, Veronica at Zonia na magtungo kami sa plaza.

Maaliwalas na panahon at malamig ang simoy ng hangin ang nadarama ng aking balat, animo'y parang ang gaan-gaan ng lahat at ang saya sa pakiramdam.

"Halina kayo," aya ko.

"Tara!" tugon ni Claudia.

"Sige!" pagpayag ni Veronica.

"Sama natin ang kapatid ko," saad ko.

"Sige, tawagin mo na siya." Ngiti niya.

Agad akong pumanik sa kwarto namin.

"Carla, Carla. Sama ka sa amin, pupunta kaming plaza!" yugyog ko sa kaniya.

"Ah... kayo muna, medyo pagod kasi ako sa biyahe," tugon niya.

Dinampi ko ang kamay ko sa noo niya. Maayos naman, hindi rin mainit.

"Ganun ba, o sige, kami'y hahayo na!" tumango siya.

Pagkababa ko. "Tumanggi muna siya, magpapahinga raw muna siya at napagod sa biyahe, siya rin kase ang nag-alaga sa akin nang magkasakit ako," paliwanag ko.

"O, pa'no, TARA!" ngumiti sila at kami'y umalis.

🌹

KASALUKUYAN kaming naglalakad sa maaliwalas na kalye rito sa loob ng Intramuros.

"Kamusta naman ang pamumuhay sa Sta. Peregrina?" tanong ni Claudia.

"Maayos naman, sa inyo ba?" tanong ko.

"Maayos din." Ngiting tugon niya

"Napansin ko lang kagabi, masayang-masaya kayo kapag inaasar si maestra." Ngiti ko.

"'Yun ang madalas at paboritong gawin naming tatlo, masyado kasi siyang wirdo at seryoso kaya pinapalambot namin ang kaniyang puso," tugon ni Veronica.

Naiwan sa akin ang tinuran niyang Wirdo...

"P-Paanong wirdo?" tanong ko.

"Minsan kasi nagagalit siya sa maliit na bagay, minsan tatawa ng pagkalakas-lakas, ewan ko ba minsan hindi nalang namin pinapansin," tugon ni Zonia.

Napansin niya naman na naging balisa ang aking hitsura. "Huwag kang mag-alala, mabait naman si Madre Olivera, minsan na niya akong pinagtanggol," wika ni Claudia.

"Pero alam mo kung sino lang ang hindi mabait sa kumbento," sabat ni Veronica.

"Sino?" tanong ko. Nahiya naman ako, para akong espiya na uhaw sa impormasyon.

Mi Amor: Until the End ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن