20: Buhay-madre

48 4 0
                                    

[Kabanata 20: Buhay-madre]

Verona Valdecisimo

🌹

LINGGO!!

"Gracias, Señor, y no me vas a descuidar todos los días. Gracias, porque me has curado de mi enfermedad. Gracias por todas las bendiciones que le damos la bienvenida. Perdona si peco, comete errores y se quedo corto. Perdona a tu hijo pecador como yo. Lo ruego todo en el nombre de Jesús nuestro Señor. Amén," (Thank you, Lord, and you are not going to neglected me every day. Thank you, because you have cured me of my illness. Thank you for all the blessings we welcome from you. Forgive if I sin, make mistakes and fall short. Forgive your sinful son like me. I pray it all in the name of Jesus our Lord. Amen,) panalangin ko.

"Y el Dios Todopoderoso, el Hijo y el Espíritu Santo te bendicen. Amén." (And the Almighty God, Son, and Holy Ghost bless you. Amen.)

"Ve al amor de Dios y de los demás,"
(Go to the love of God and others,) saad ng padre.

"¡Gracias a Dios!" (Thanks be to God!) palakpakan ang lahat.

🌹

KATATAPOS lang ng misa. Magpupunta na kami ni Carla sa kumbento! Saktong tirik ang araw nang lumabas kami mula sa simbahan. Son las 1 en punto en tardes. (It's 1 o'clock in the afternoon.)

Nasa Intramuros kami ngayon dito sa dakong Simbahan ng San Agustin. Maraming tao ang papalabas pa lamang ng simbahan. Marami ring mga bata na nagbebenta ng sampaguita; karamihan sa kanila ay naghihikahos sa hirap. Agad akong nakaramdam ng awa sa kanila, kaya't nilapitan ko sila habang hila-hila ang kapatid ko.

"Magandang tanghali, munting binibini!" Ngiti ko.

Napalingon siya sa akin at napangiti. "Binibini, bili na po kayo ng sampaguita ko. Sariwang-sariwa iyan at mabangong-mabango," saad ng batang babae, nasa sampung taong gulang. Kitang kita sa kaniya ang natural sa kagandahan na itinatago ng kahirapan. Naka suot siya ng puting pinagtagpi-tagping baro at pulang lukot-lukot na palda.

"Magkano iyan, munting binibini?" tanong ko. "Singko centimos, binibini!" tugon niya.

"Sige, bibilhin ko lahat!" saad ko. Bigla naman siyang napangiti nang malawak. "Talaga po, binibini! Maraming salamat po!" tuwang-tuwa niyang sambit. Binigay na niya ang isang bungkos ng sampaguita at inabutan ko siya ng dalawang piso. Hindi maalis sa kaniyang mukha ang galak. Kahit sa simpleng pagbili ko sa kaniyang paninda ay malaking tulong na sa kaniya iyon. Agad siyang tumakbo pauwi sa kanila. Parang may kung anong sarap sa pakiramdam ang nadarama ko ngayon.

Makalipas no'n ay nilisan na namin ang tagpong iyon.

Bumalik ako sa aking kapatid nang may ngiti sa labi. "Nagagalak ako na may kapatid akong may mabuting kalooban, nawa'y pagpalain ka ng Diyos sa iyong kabutihan... Maswerte rin ng mapapangasawa mo!" biro niya. Namula naman ang pisngi ko. "Kapatid ko, gusto mong kumain?" Pag-iiba ko ng usapan para 'di na siya mag-ungkat pa. "Tengo hambre," (I'm hungry,) reklamo ko pa. Tumango naman siya habang ngingiti-ngiti. Inirapan ko na lang siya, alam niyang nagpapalusot lang ako para 'di na namin pag-usapan pa si Tadeo. At saka, hindi ko muna kayang alalahaning muli 'yung sinapit namin kahapon.

"Ayun! May pansiteria!" Napalingon naman ako sa itinuturo niya. May nakalagay na pangalan sa itaas ng gusali. 'Pansiteria de Montevella'. Isa siyang dalawang palapag na karinderya. Habang nilalakad namin ang daan patungo doon ay naaamoy na namin ang bango ng mga niluluto doon.

Nang makarating na kami sa Contador de restaurantes (Restaurant counter) ay bigla kaming kinausap ng Personal del restaurante (Restaurant staff).

Mi Amor: Until the End ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon