13: "Unang beses kitang..."

85 6 0
                                    

[Kabanata 13: "Unang beses kitang..."]

Verona Valdecisimo

🌹

NANG matapos na kaming sumayaw, naupo muna kami sa isang sulok at saka kami nag-usap. Kasalukuyan pa ring umeere ang magandang musika at patuloy pa rin na nagsasayawan ang mga tao. Sa pagkakataong ito, mabilis na ang ritmo ng mga tugtog at ang sayaw ay mabilis din.

"Paano ka naman napadpad sa lugar na ito?" tanong ko.

"Hindi ba't sinabi kong abogado ako sa Maynila," tugon niya.

"Oo nga pala." Napangiti tuloy ako.

"Ang ganda mo 'pag ngumingiti ka nang ganyan." Sabay turo sa labi ko.

Ang aking puso ay muling nagkakarerahan sa pagtibok. Napatakip tuloy ako ng bibig gamit ang aking magandang abaniko.

Marahan ko siyang hinampas ang balikat niya, at dahil doon ay napangiti pa siyang lalo.

Mierda! Grabe ang pormal ng damit niya! Tapos dumagdag pa riyan ang nakamamatay niyang ngiti!

"Oo naman, pero mas gwapo ka!"

Napatakip ulit ako ng abaniko sa bibig. Mierda ¡Mi boca es molesta, siempre estoy condenado! Avergonzando mis modales! Perdóname señor. (Nakakainis na ang aking bibig, lagi akong ipinapahamak! Nakahihiya ang aking inaasal na ugali! Patawarin mo ako ginoo.) Napaiwas na lang ako ng tingin.

'Yung labi ko walang awat na sa pag ngiti! Mierda! Mierda! Mierda!!

"Masaya ako Binibining Verona, na naisayaw kita sa kauna-unahang pagkakataon!" ngiti niya.

"Muchas Gracias, Señor Tadeo!" (Thank you, Sir Tadeo!) wika ko.

"¿Para qué?" (For what?).

"Kasi kasama kita ngayon... Napagaan mo ang aking kalooban," wika ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang mga papa-agos na luha sa aking mata.

"Nagagalak ako na makikilala na kita!" Naduduling na ako kasi ang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

Pumikit ako at maya-maya ay may naramdaman akong labi na marahang dumadampi sa aking...

Ilong at...

Sa aking labi.

Ito ang unang makahulugang halik na nagmula sa taong aking iniibig. Sandali... iniibig na nga ba talaga kita, Ginoong Tadeo?

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now