37: Ang Katotohanan

58 5 2
                                    

[Kabanata 37: Ang Katotohanan]

Punto de Vista En Tercera Persona

🌹

Lumipas pa ang mga araw at napaibig na nga ni Tadeo si Natalia. Kasabay no'n ay ang unti-unting pag-aaklas ng bayan laban sa mga mapang-aping mga dayuhan. Kahit na hindi nila naipananalo ang ilan sa kanilang mga laban ay hindi iyon ang dahilan para sila'y sumuko, sapagkat ito'y naging motibasyon pa nila para magsikap na matalo ang mga kalaban.

🌹

Ito na ang huling araw ng misyon ni Tadeo. Matatapos na ba niya ang pagsubok na ibinigay sa kaniya? O, mamatay na si Verona habambuhay.

Tadeo Alcaraz Punto de Vista

Narito ako sa bahay ni Don Lorenzo Garcia, bandang azotea ay malalim akong nag-iisip. Nakahawak ako sa aking baba habang nakakunot ng noo. Hindi rin maawat ang mabilis na pagpintig ng puso ko at ang bigat ng dibdib na napababaliw sa akin. Kalma ka lang Tadeo, maaayos din ang lahat.

Si Don Lorenzo ang nagpatuloy sa 'kin simula nang maglayas ako sa bahay. Noong Pebrero a-kinse nang ako'y simulang tumuloy dito. Napakabait niya at hindi ko maikaila na napakayaman niya. Itinuring ko na rin siyang tatay-tatayan ko. Malayo sa magulong buhay kasama ang totoong ama ko. Nakatirik ang bahay na ito sa katabing bayan ng Sta. Peregrina.

Natalia Punto de Vista

Napukaw ang aking atensyon sa isang malakas na pagkatok ng pintuan sa aking silid. Inilapag ko muna ang panyo na aking binuburdahan ng rosas at saka pinagbuksan ang taong kumakatok.

Tumambad ang isang kasambahay na parang bata pa. May iniabot siya sabaking liham sabay ngiti niya. Nagpasalamat naman ako at sinaad ko sa kaniya na maiwan muna niya ako. Nang makaalis na siya ay marahan kong isinara ang pinto at naupo sa kama.

Sumilay sa aking mata ang isang 'di ko kilalang pangalan na nakalagay sa liham, 'Carla'. Sino ito?

Binuklat ko ang liham at kinuha ang laman nito, saka binasa ko ito binasa.

Mahal kong kapatid,

Kamusta ka na, kayo? Pasensiya na at ngayon lang ako nakapagpadala ng liham. Huwag kayong mag-alala! Maayos ang kalagayan ko rito. Kamusta na kayo ni Tadeo? Lagi kong ipinapanalangin na sana'y lagi kayong magmahalan ng tapat at laging maging masaya. Naaalala ko pa, lubha akong kinikilig kapag kasama mo lagi siya! Ha ha! Pero, tandaan niyo lagi na mahal na mahal ko kayo. Lagi kayong mag-iingat diyan!

Nagmamahal,

~Carla Valdecisimo
Pebrero 13

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now