11: Liham

85 6 0
                                    

[Kabanata 11: Liham]


Verona Valdecisimo

🌹

NAALIMPUNGATAN ako nang biglang may lalaking nagsalita. Katabi ko pa talaga siya!

"Binibini, mag-aalmusal na!" wika ng lalaki.

Sino ito? Ba't ba siya nakasuot ng pang-gurdia civil? Nasaan si Carla? At saka nasaan ako?!

Baka may ginawa itong masama sa 'kin! Punyeta!

"SINO KA?! ANO'NG GINAGAWA MO RITO?! AT SAKA NASA'N AKO?! SI CARLA?! SIGURO MAY GINAWA KA SA 'KIN 'NO? WALANG HIYA KA!" pagwawala ko habang hinahampas ko sa braso ang lalaki.

"S-Sandali, Binibini. Hayaan mo muna akong magsalita!" wika niya. Tila nabugbog ko yata ang lalaki.

"'WAG MO NGA AKONG HAWAKAN! MASYADO KANG MAPUSOK! HINDI TAMA NA BASTUSIN MO ANG BABAE! AYUDA!" (¡HELP!) Agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya. Bastos! Walang hiya ka! Bitawan mo ako!

"Ate, gising ka na ba?" Napatigil siya sa tapat ng pintuan at napatakip naman siya ng bibig kasabay nito ay nandilat ang kaniyang mata.

"Ano'ng ibig sabihin nito! Susmaryusep!" Napakrus siya ng malaki.

Dahil do'n ay kinagat ko ang kamay ng lalaki.

"Arayy!" reklamo ng lalaki.

"Kapatid ko!" Agad akong yumakap sa kaniya.

"E, kasing lalaki na 'yan eh! Balak pa niya akong pagsamantalahan!" Muling nandilat ang mata ni Carla.

"Totoo ba ang kaniyang tinuran, Guardia Lopez?!" sigaw ng kapatid ko.

"Hindi po binibini! Hayaan niyo po muna akong magpaliwanag!" saad ng lalaki na Guardia Lopez pala ang pangalan.

Tumango naman si Carla.

"B-Buenas dias! Binibing Verona! Ako po si Guardia personal Enrique Lopez ng inyong hacienda. Ipinasunod po ako ng inyong ama para maka-siguradong walang mangyayari po sa inyong masama, at saka parehas pa po kayong babae. Ako po ang magiging tagapagtanggol ninyo hanggang sa pumasok na kayo sa kumbento. Huwag po kayong mag-alala, wala po akong ginawang masama sa inyo. Ginigising ko po kayo dahil tayo'y mag-aalmusal na," pahayag ni Guardia Lopez. Napatango naman ako.

"Ilang buwan ka nang naninilibihan sa 'min?" pagtataray ko. "Dalawang buwan pa lang po," tugon nito.

"Ate, huwag ka nang mag-alala. 'Pag may ginawa itong lalaking ito sa iyong masama, agad akong magpapadala ng sulat kina ama," saad ni Carla. Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Nagugutom na ako, kain na nga tayo!" reklamo niya.

"Sige kapatid ko," tugon ko.

Malawak at maraming tao ang naririto sa isang parte ng barko na comedor. Ang comedor ay ang silid-kainan. Iba't ibang lahi ang aming kasamang kumakain sa malawak na bilog na lamesa. May mga Ingles, Kastila at may mga mayayamang Pilipino rin. Ang mga Indio ay walang puwang dito at doon sila kumakain sa dakong ilalim ng barko na kung saan ay madilim at mainit dahil sa usok na nagpapa-andar ng buong barko.

"Mga tatlong araw lang ang ating biyahe papuntang Maynila, ate," panimula niya, "huwag kang mag-alala hindi tayo mababagot dito," dagdag niya pa. Tumango naman ako.

🌹

ALAS-KWATRO na ng hapon. Huwebes ngayon at sabado pa ang baba namin sa barko. Naisip ko lang matulog nang magdamag dahil nakatatamad naman talaga. Nagpaalam na muna si Carla na maglilibot lang siya dito sa barko.

🌹

ALAS-SIYETE nang gabi. Ayy! Nakatulog pala ako, hihi! Nakaramdam ako ng gutom. Bumaba ako para kumuha ng pagkain. Kanina ko pa 'di nakikita si Carla. Nasaan na kaya 'yung batang 'yun?

🌹

HABANG kumakain ako, may napansin akong sulat na nalaglag mula sa isang serbidora.

"Ale! May nahulog po!" tawag ko pero hindi niya ako pinansin.

Hindi ko na kayang takbuhin pa siya dahil kumakalam na ang aking sikmura. Pero pinulot ko ang sulat. Alam kong masamang magbasa ng personal na sulat pero 'di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, parang may nag-uudyok sa akin na iyon ay basahin. Habang kumakain ako may napansin akong letrang '~T'
Choques! Iba ang pakiramdam ko!
At dahil sa aking kuryosidad unti-unti kong binuklat ang laman ng sulat at binasa.

Binibining Verona,

Magandang gabi sa iyo, Binibining Verona. May nais lamang akong sabihin kaya ako nagpadala ng isang liham... Ayos lang sa akin na umalis kayo. Dahil din naman kay Carla 'yan. Pasensiya ka na kung tinanong ko ang iyong ama kung bakit hindi kita gaanong nakikita dito sa Sta. Peregrina lalo na sa inyong hacienda. Nalaman ko na lang na nagpunta kayo sa Maynila dahil balak ni Carla na pumasok sa kumbento at maging alagad ng simbahan. Nalaman ko rin na kaya ka niya isinama ay dahil wala raw siyang kakilala at masasandalan sa oras na siya'y magkaproblema. Huwag kang mag-alala binibini, naiintidihan kita. Sana'y hayaan ng tadhana na magtagpo ulit ang ating mga landas para ang kwento nating dalawa ay magpatuloy magkailanman.

Te extraño tanto. Esperaré tu presencia. Esperando que nuestros caminos se reencuentren. Te quiero. (I miss you so much. I will wait for your presence. Hoping that our paths meets again. I love you.)

Nagmamahal,
~T

Tila nalaglag naman ang aking puso sa kilig. Napahalik ako sa liham na galing sa kaniya, ito ang unang sulat na natanggap ko at sinabi niya na mahal niya ako!

Nakapagtataka naman na bakit alam niya na gabi ko ito mababasa, siguro narito siya?

At 'yung serbidora... kinasangkapan kaya siya ng ginoong nagpapahulog sa akin?

Mierda! Nakalimutan ko palang ipaalam sa kaniya na magtutungo kami sa Maynila! At ngayon... hinahanap na niya ako!

Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa 'yo, Ginoong Tadeo... pero umaasa ako na sana hindi mo ako sasaktan, dahil handa kong ibigay ang puso ko sa 'yo kaya't sana'y ibalik mo ito bilang isang walang humpay na pag-ibig.

Te quiero... Ginoong Tadeo, sana ikaw na!

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now