16: Mahal kasi kita!

76 7 2
                                    

[Kabanata 16: Mahal kasi kita!]

Verona Valdecisimo

🌹

Pero paano?!

"Paano mo naging kapatid si Ginoong Tadeo, gayong magkaiba kayo ng apelyido," napapantastikuhang tanong ko.

Napalingon sila sa akin dahil sa paglabas ko ng silid. "Ate, magpahinga ka na. Kami na ang bahala rito," kalmadong wika ng kapatid ko.

"Pero... gusto ko talagang malaman ang pagkatao ni Doktor Montevista," pagpupumilit ko. Napahinga naman nang malalim si Carla. "Sige na nga, basta pagkatapos nito magpahinga ka na." Napatango naman ako habang nakangiti.

Lumingon naman siya sa doktor. "Magsalita ka na, Doktor Montevista."

"M-Magpapaliwanag ako, ganito kasi iyan," kinakabahang tugon ni Doktor Montevista. "Kumalma ka, doktor. Hindi kami nangangain ng tao!" biro ni Carla.

Napatikhim pa ang doktor bago magsalita, "A-Ako si Doktor Montevista, bentesingko anyos. Ako ay isang punong doktor dito sa barkong sinasakyan natin. Manggagamot din ako sa puso bilang aking espelisasyon sa Hospital Central de Maynila ..."
Nagkatotoo nga ang aking tinuran, isa siyang manggagamot sa puso! Dios mio!!

"Ayoko na sanang banggitin ang aking pinagmulan, pero sige, ikukwento ko sa inyo kahit masakit. Ang mga magulang ko ay sina Don Marciello Alcaraz at si Donya Anastacia Montevista. Ipinanganak ako noong Enero 31, 1872.

Kaya Clyde ang pangalan ko ay dahil hinango pa ni ina ang pangalan ko sa ibang bansa.

Ang aking tirahan ay sa hacienda Montevista sa bayan ng Sta. Martina na sakop ng lalawigan ng Sta. Peregrina.

Nang maghiwalay sila ama't ina. Doon nagsimula ang lamat ng aming pagsasamahan bilang mag-ama. Lumipas pa ang araw ay binaril sa harapan ko si ina, bata pa lamang ako, ayon sa aking mga lolo't lola.

Mismong araw ng libing ni ina ay nabalitaan ko na ikakasal sina Don Alcaraz at Donya Perification na ina ni Tadeo, pero ibang magbiro ang tadhana. Kapanganakan ni Tadeo, Abril 18, 1874, namatay si Donya Peri.

Dahil legal sila ng ikalawang asawa ni Don Alcaraz, ipinagamit ni Don Alcaraz ang apelyido nito kay Tadeo. Pero ako, simula ng makasal sila ng taksil niyang asawa ay ang dating Clyde Alcaraz ay napalitan ng Clyde Montevista. Dahil simula sa araw na iyon ay kinamuhian ng mga lolo at lola ko ang ginawa at ang pagkatao ni Don Alcaraz.

Doon na sa aming hacienda ako lumaki, yumabong at nahubog ang aking pagkatao. Nag-aral ako sa Ateneo de Maynila, primarya at sekondarya at nagtapos sa kursong medisina at pagiging espesyalista sa Unibersidad de Santo Tomas," pahayag ni Doktor Montevista.

"Ang saklap naman ng nangyari sa 'yo," malungkot kong wika.

"Ipinangako ko kay ina sa puntod niya na magiging matagumpay na doktor ako. At ito na, aking natatamasa, naging espesyalista nga ako sa puso, pero ang mismong puso ko ay walang pumupunan. Siguro ay baka nagugol ko ang aking kalahati ng buhay ang maging magpakadalubhasa sa propesyong ito kaya't hindi ko na naisip pa na umibig pa" dagdag ni Doktor Montevista. Ayy! Sayang ang iyong kagwapuhan!

"Hindi pa huli ang lahat, doktor. Malay mo nasa kung saan lang ang itinadhana para sa iyo, maaaaring nakasabay mo na, nakasalamuha mo na, o nakatabi't nakausap mo na." Ngiti ko.

Sandali... Tila nilaglag ko ang aking sarili! Santisima!

Mi Amor: Until the End ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon