[Kabanata 19: Paubaya]
Verona Valdecisimo
🌹
Habang nag-uusap kami ni Doktor Clyde ay may biglang pumasok at nagulat kaming dalawa sa aming nakikita...
Si Tadeo!
Parang binuhusan siya ng ilang balde ng yelo dahil bigla na lang siyang natigilan sa kaniyang kinatatayuan, sa tapat ng pintuan. Kasabay ng pagbagsak ng butil ng kaniyang luha ay ang pagbaba-taas ng kaniyang lalagukan (adam's apple).
"T-Tadeo, m-magpapaliwanag ako!" sigaw ko.
"Paumanhin at ako'y nakagambala, hindi ko sinasadya. Ah... Binibining Verona... Ikaw sana'y laging maging masaya, iyon lang ang tanging hangad ko para sa 'yo." At marahan niyang isinara ang pinto.
Pinilit ko siyang habulin ngunit wala akong lakas para iyon ay gawin. Napapatak na lang ang aking mainit na luha, kasabay niyon ang paghagod ni Doktor Montevista sa aking likod. Kapusukan man itong ituring ngunit nararamdaman ko sa kaniya na hindi naman niya intensyon na gawan ako ng masama. Dagdag pa riyan, ay ang pagiging sinsero niya sa akin ngayon.
Hindi ko na namalayan na tahimik na pala akong humihikbi. Napatakip ako sa aking bibig habang umaaagos ang maiinit na likidong nagmumula sa aking mata.
Wala ka nang magagawa Verona. Pinaubaya ka na niya!
Ang sakit!
Wala akong magawa kundi ang magtaklob ng kumot sa buong katawan habang tumatangis.
Hindi ko kaya, hindi ko kaya na sa ganoon lang magtatapos ang lahat ng sa amin. Sobrang sakit!
Hindi kita sinasadyang masaktan Tadeo!
Hindi ko 'to kaya! Susundan ko siya!
Bigla kong inalis ang kumot na nakataklob sa akin at hinabol si Tadeo sa pag-asang mahahanap ko siya.
Patuloy lang ang pagbagsak ng aking mga luha.
Dinala ako ng aking mga paa sa harapan ng kalsada, bilang lang din ang mga tao na dumaraan. Nakaamba rin ang malakas na pagbuhos ng ulan, dahil sa mga maiitim na ulap na tumatabing sa haring araw.
Naratnan kitang tumatangis ka ng buong kapaitan.
"Tadeo!" sigaw ko.
🎶~Saan nagsimulang magbago ang lahat🎶
🎶Kailan nung ako'y 'di na naging sapat🎶
🎶Ba't di mo sinabi nung una pa lang🎶
🎶Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal~🎶🎶~Saan nag kulang ang aking pagmamahal🎶
🎶Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang🎶
🎶Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na🎶
🎶Ako ang kasama, pero hanap mo siya~🎶
BINABASA MO ANG
Mi Amor: Until the End ✓
Historical FictionMi Amor: Until the End (Revised Edition) ENERO 1898 "Marami na akong nakasalamuhang tao pero ang swerte mo kasi wala pa ni isa ang pumantay sa iyo." Pag-ibig sa nakaraan? O pag-ibig hanggang sa kasalukuyan? Alamin ang natatagong...