32: Paalam, aking irog.

44 4 0
                                    

[Kabanata 32: Paalam, aking irog.]

Verona Valdecisimo

🌹

PEBRERO a singko. Ang nakatakdang araw para bumiyahe ako pabalik ng Maynila. Kasalukuyan na akong nag-aayos ng gamit.

Napukaw ang atensyon ko sa singsing, gawa sa kahoy ito na may kulay asul na diyamante na animo'y kulay ng isang karagatan. Hinalikan ko ito at nagwikang, 'Ang ganda!'

Papanaog na mula sa aking silid ng biglang may nauulinigan akong nagbubulyawan. Nag-aaway ba sina ama?

Nag-iba bigla ang aking emosyon nang tuluyan na akong makababa. Bakit siya narito?!

"Mierda!" asik ko. Agad kong sinugod ang taong nasa harap ng aming tahanan.

"Hoy! ¡Que demonios! ¡Qué haces en mi casa?!" (What the hell! What are you doing in my house?!) Nakaamba na ang nag-aalimpuyo (nagngangalit) kong kamay para ipatikim sa kaniyang pisngi ang pagkamuhi sa taong ito.

"Espere!" (Hold on!) sarkastikong wika niya. Hayop na Ricardo na 'yan! Ano't sa'n siya kumuha ng lakas ng loob para bumalik pa rito sa hacienda! Saka... bakit ang tapang niya ngayon?!

"Detener, Verona!" (Stop, Verona!). Sabay taas ng kamay niya tanda ng pagpapahinto niya sa gagawin ko sa hayop na lalaki na ito.

"Porque, padre?!" (Why, father?!), pagtutol ko. Tiningnan naman niya ako sa blankong mukha na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ano'ng meron kay ama?!

Napa-atras na lang ako. Puno ng mga katanungan ang bumabagabag sa aking isipan. Humingi na lang ako ng paumanhin at nagwikang siya na ang bahala sa sitwasyon nila. Tumango naman ako at umalis.

Paikot-ikot ako sa kusina, kagat-kagat ang mga daliri sa kamay nang biglang magsalita si Princesita, "Binibini, maupo muna kayo. Nahihilo po ako sa inyo," puna niya.

"Princesita, hindi ako mapakali! Hindi ko alam kung anu-ano na ang pinagsasabi no'n sa aking ama!" Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko kasabay ng pagpatak ng mga malalamig kong pawis.

"'Wag na po kayong mangamba, wala rin po ako sa posisyon para tanungin kung bakit ganiyan ang nagiging reaksyon mo po. Pero sana maging maayos na ang lahat, binibini. Dahil pakiramdam ko ay parang may masama sa mga nangyayari." Nakatanaw lang siya sa malayo habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Umaasa ako na magkakaayos na sina ama."

"Salamat binibini, sa pagtanggap niyo sa akin dito. Ngayon pa lamang ay itinuring na kitang kapatid." Biglang kumurba ang kaniyang mga labi tanda ng pagiging masaya niya. Tumugon ako, "Salamat din at nandiyan ka." Kumurba rin ang aking labi at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

🌹

Nang sumapit ang katanghalian ay naka-alis na si Ricardo sa aming tahanan. Isinara niya ang pinto at saka niya ako hinarap dito sa sala. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang pangamba na baka lasunin ni Ricardo ang utak ng aking ama. Tinawag niya ako at napalingon naman ako sa kaniya. "Anak, 'di ka muna aalis sapagkat nagkaroon ng problema," kalmadong wika ni ama na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Ha?! Ano po?! Ano'ng problema?!" sunod-sunod na katanungan ko. Hindi na rin maipinta ang aking mukha dahil sa mga nangyayari. "Kailangan natin si Tadeo, padalhan mo ng telegrama ang iyong irog!" Maotoridad na wika ni ama. Tumango naman ako at wala sa sariling kumuha ng pluma at pumunit ng kapirasong papel mula sa kwaderno.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now