18: Pagtatapat

60 5 1
                                    

[Kabanata 18: Pagtatapat]

Verona Valdecisimo

🌹

SABADO ng umaga, dakong alas-onse, habang nakaupo ako sa aming kama dito sa isang magarbong silid dito sa barko, ay malalim pa sa dagat ang aking iniisip.

Napalingon ako sa aking kapatid na sa ngayon ay kasasara pa lamang ng pinto ng aming silid dahil siya'y nagmula sa labas "Carla!" tawag ko.

Nakasuot siya ng puting baro't saya. May paynetang kulay asul pa sa kaniyang ulo. Maaliwalas din ang kaniyang mukha at lagi niyang suot sa kaniyang labi ang matamis na ngiti.

Napalingon siya sa akin. "Oh ate, bakit?" tugon niya.

"May sasabihin lang ako," wika ko. Matamang nakatanaw ako sa malaking bintana ng aming tinutuluyang silid, tumatagos mula roon ang maaliwalas sikat ng araw at ang malawak na dagat.

Napabalik ang aking lumulutang na wisyo nang tumabi siya sa akin. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, ate? Kanina ko pa napupuna na tila wala ka sa iyong sarili, masama ba ang pakiramdam mo?" Sabay hawak sa aking leeg, naramdaman ko na lang ang kaniyang mainit na palad na dumampi sa aking leeg. "Hindi ka naman na mainit." Napabuntong-hininga pa siya.

"T-Tama ba ang ginawa ko?" walang emosyon kong tanong.

Napakunot naman siya ng noo. "Ang alin?" Kita sa kaniyang mga mata ang pagkagulo ng kaisipan.

"Na bigyan ko ng pagkakataon si... D-Doktor Clyde?" matamlay kong tanong. Napasamid pa ako sa sarili kong laway ng banggitin ko ang pangalan ng binatang iyon. Hinagod-hagod naman niya ang aking likod hanggang sa ako'y kumalma.

Pero 'di rin niya napigilan ang sarili na magulat sa aking mga tinuran. "Hala ka ate! Totoo ba yan?!"

"Oo, kapatid ko," tugon ko.

"Ikaw bahala ate, nakahahalina kasi ang iyong karikitan, hindi na rin ako magtataka kung bakit maraming ginoo ang nahuhumaling sa 'yo." Napahagikgik pa siya. "Hindi ka nakakatulong, kapatid ko, mas lalo mo lang pinapagulo ang aking isipan," reklamo ko dahilan para mapatigil siya sa paghagikgik.

"Paumanhin aking kapatid." Napabusangot siya. "Aking matanong lang... wala namang namamagitan sa inyo ni Ginoong Tadeo 'di ba?" pagkukuwestiyon niya pa. Tumango ako.

"Huwag ka nang mag-alala, ate. Subukan mo lang si Doktor Clyde, suriin mo kung magiging epektibo. Basta't sundin mo ang nilalaman ng iyong puso. At huwag na huwag mong pagsisisihan ang mga bagay na iyong pinagdesisyunan sapagkat masakit sa kalooban 'yun kapag sinisi mo ang sarili mo kung bakit ko ito ginawa ganyan-ganyan. Lagi mo lang tatandaan na naririto lang ako parati na nasa tabi mo," pangaral niya sa akin.

Tama si Carla, bakit hindi ko sundin ang puso ko at saka wala namang masama.

Napatango-tango na lang ako. "Siya nga pala ate, dadalhin ka namin ni Doktor Clyde sa Hospital Central de Maynila mamaya. Balita ko ay higit sa dalawang oras na lang ay bababa na tayo," wika niya.

"Sige kapatid ko, gisingin mo ako kapag tayo'y bababa na," tugon ko. "Sandali... Ikukuha kita ng makakain bago ka magpahinga." Ngiti niya. Napatango naman ako habang nakangiti. Makaraan ay tumayo na siya at nagtungo sa kusina ng barko para ikuha ako ng pagkain.

Napaupo ako sa aming kama habang nakasandal ang aking likod sa makinis na pader. Ramdam ko ang aking mga kumikirot na kasukasuan. Napadampi ko ang aking palad sa aking tiyan, nakararamdam na rin ako ng pagkalam ng aking sikmura.

Pinagmasdan ko na lang ang buong paligid. Maganda ang aming silid na inupahan ni ama para sa aming magkapatid. Gawa sa matitibay na kahoy at nakukulayan din ito ng kulay kayumanggi. May nakasabit ding malaking aranya (chandelier) sa kisame ng aming silid.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now