15: Hermano perdido hace mucho tiempo (Long lost brother)

65 6 0
                                    

[Kabanata 15: Hermano perdido hace mucho tiempo (Long lost brother)]

Verona Valdecisimo

🌹

PAKIUSAP 'WAG KANG KILIGIN NAHAHAWA AKO SANTISIMA!

"Sige, binibini. Huwag kang iinom ng alak." ngiti niya.

"Bakit naman?"

Ginawa pa akong lasinggero nito!

"Baka lumakas ang tama mo sa akin," saad niya

Aba Verona! Iba na ito! Dios mio!!

Doktor, ikaw pa ba 'yan? Mierdaa!

Doktor Clyde Montevista Punto de Vista

Grabe hindi ko talaga inakala maituturan ko ang mga katagang iyon!

Parang nararamdaman ko si ... Tadhana!!

Huwag ka ngang ganyan kapit lang Clyde sa mga kamay niya ng hindi ka mahulog!!

Himig: Ngiti
Ni Ronnie Liang

♫︎Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin.

♫︎Ayokong umasa pero sana nga matupad iyon na balang araw!

♫︎Mapupulang labi
At matingkad mong ngiti.
Ang mga ngiti mong nagpapahulog sa agad sa akin.

♫︎Umaabot hanggang langit
Huwag ka lang titingin sa akin
♫︎At baka matunaw ang puso kong sabik.

♫︎Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
♫︎At sa tuwing ikaw ay gagalaw
♫︎Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo
♫︎Ang awit ng aking puso
Sana'y madama mo rin
♫︎Ang lihim kong pagtingin.

"Sige, binibini at babalik na lang ako 'pag ako'y iyong kailangan," wika ko.

"Pero kailangan kita ngayon!" napatakip siya ng kaniyang bibig. Mierda talaga! Gusto ko na lang lamunin ng lupa!

"Salamat," wika niya.

"Walang anuman, sige Adios!" napansin kong lumungkot ang itsura niya.

"Huwag mong kakalimutang ngumiti," wika ko sabay alis ko.

Pagkalabas ko ng kwarto. Pshaw! Napahinga ako ng malalim, grabe! Iba talaga naging pakiramdam ko sa kaniya. Teka parang may naamoy ako...

Hmm ... Naaamoy ko si ... PAG-IBIG?!

Unang kita ko palang sa kaniya... Imposible na umiibig agad ako sa kaniya! ¡Tienes razón, yo mismo! (You're right, self!) Sadyang nahumaling lang talaga ako sa kaniya kanina!

"O, bakit parang hingal na hingal ka? At saka bakit ... ka ... namumula?!" Hala! Nandito na ang kapatid niya!

"A-Ah, w-wala!" utal kong tugon.

"Kilala ko ang mga galawang gan'yan, may gusto ka sa kapatid ko 'no?!" bigla niya akong hinampas.

"Huh! W-Wala ah. P-Pero ano!" Ayaw umayos ng bibig ko tss!

"Huwag mo nang ipagkaila Doktor Montevista. Nakabibighani talaga ang karikitan ng aking kapatid," wika niya sa malanding tono. Grabe! Nasaan ang pagiging dalagang Filipina niya! Nandilat ang mata ko at napalunok na lang.

Totoo naman e, maganda si Verona.

Tumikhim ng malakas ang katabi niyang guwardiya. "K-Kumusta na si Binibining Verona?" tanong ni Guardia Lopez. "Medyo maayos naman po sa ngayon," tugon ko.

"Eh, paano nga aayos eh nandiyan si Doktor Romantiko!" Napaiwas ako ng tingin.

"Kahit ayoko pang malaman nila, pero karapatan nila, e," mahinang bigkas ko.

"Ano 'yun, doktor?! Ano ang dapat naming malaman ... Umamin ka na agad?!" nakangiting wika ni Carla.

"Hindi iyon!" Nakangisi pa rin siya.

"E, ano?" tanong niya.

Hingang malalim Clyde ... Eto na...

"M-May b-bulutong po si Binibining Verona," pagtatapat ko.

Ang nakangising binibini ay biglang naging seryoso sa isang iglap.

"A-Ano! P-Paano?!" biglang tanong niya.

"Nahawa siya ng isang serbidora na aking pasyente," tugon ko.

"Ahh! Ganun ba, sige ako ng bahala sa kaniya," wika niya.

Verona Valdecisimo Punto de Vista

Ahhh! Hindi ito talaga maaari, mierda! Huwag kay doktor!

Dahil sa inip ko ay lumabas ako ng kwarto, medyo gumaan ang aking pakiramdam. Ang lakas talaga ng karisma ng doktor na iyon!

"Aking ipinagbigay alam kay Ginoong Tadeo na may sakit si ate," winika ni Carla sa dalawa.

Maya-maya dumating si Tadeo.

Napansin kong nanlaki ang mata ni Doktor Montevista. Ano'ng meron?

"C-Clyde?! I-Ikaw ba 'yan?! Kamusta na aking kapatid!" hindi makapaniwalang sambit ni Tadeo, sabay yakap ni Tadeo kay Doktor Montevista. Hindi naman nakatugon si Doktor Montevista sa kaniya. Napansin kong parang naging istatwa siya sa kaniyang kinatatayuan.

HUH! KAPATID NI TADEO SI DOKTOR MONTEVISTA?!!

P-Pero paano?!

Mi Amor: Until the End ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt