5: Harana

111 7 0
                                    

[Kabanata 5: Harana]

Verona Valdecisimo

🌹

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay ang mabangong samyo ng isang lutuin na talaga nga namang nakagugutom.

Dinala ako ng aking mga paa sa kusina at tila nalaglag yata ang aking mga panga.

Isang ginoo na kanina'y nakasalubong ko lamang ngunit bigla siyang naririto ngayon.

Naratnan ko siyang nakatalikod sa aking kinatatayuan habang naghahalo siya ng isang putahe sa kaldero. Magaling siyang magluto, hindi malakas gaano ang apoy at marahan lang siya sa paghalo. Mariin siyang nakatutok sa ginagawa at napansin kong may tinitingnan siyang papel na dala-dala niya sa kaniyang kaliwang kamay.

Nabitawan ko yata ang bitbit kong susi ng bahay dahilan para magdulot ito ng malakas na kalansing nito. "Aray ko! Mierda!" Napagdaop ko ang aking mga kamay at naitakip ko ito sa aking bibig habang halos lumuwa na ang aking mata dahil sa hindi ko sinasadyang pagkakagulat sa kaniya.

Napansin ko rin na nabitawan niya ang papel at napunta ito sa kalan dahilan para matupok ito. Mierda! Baka iyon ang paraan ng pagluluto na kaniyang sinusundan! Lagot na!

"Lo siento! Ginoong Tadeo! Sandali lang at gagamutin ko iyan!" Agad akong nagtungo sa batalan at saka ko kinuha ang isang panyo na nasa aking bulsa. Binasa ko ito at dali-daling nagbalik sa kaniya.

"Ginoo, akin na ang kamay mo at nang magamot ko." Nakangiti niyang iniabot ang napaso niyang kaliwang kamay. Maliit lang naman ang paso sa kaniyang balat ngunit masakit yata ito sa kaniya.

Namatay na rin ang apoy at naluto na rin ang kaniyang niluluto kanina.

"Lo siento! Ginoo, hindi ko sinasadya. Hindi ko rin sukat akalain na naririto ka sa tahanan namin," nakanguso kong saad.

"'Wag kang mag-alala, binibini, ayos lang ako. At saka wala ito, malayo sa bituka," paliwanag niya ng buong katapangan.

"Nga pala, ano'ng niluluto mo?" tanong ko sa kaniya."Kaldereta ala Alcaraz." Ngiti niya.

"Bakit ka naman naparito?" tanong ko ulit.

"Sa katunayan niyan, binibini, ngayon ko sinisimulan na makilala ka!" DIOS MÍO!

"Ah... g-gano'n ba, e... S-Sino nagpapasok sa 'yo rito?" tanong ko.

"S-Si Binibining Carla," matapat niyang sabi.

Choques! Baka sinabi na ni Carla! Hindi ko siya mapapatawad!

"May nasabi ba si Carla sa 'yo?" mapangahas kong tanong. "Tungkol saan?" naguguluhan niyang tanong. Buti naman at wala.

"Ah... wala," tugon ko na lang.

"Alam kong nagugutom ka na, binibini. Halina't kumain ka na, Binibining Verona," aya niya. "Sige." Ngiti ko. Tumayo na siya at naghanda na ng mga pinggan at kubyertos saka naghain na.

"Ang alat!" biro ko.

"Totoo ba?!" Agad siyang sumandok ng kaldereta at tinikman niya ito.

"'Di naman, ah!" giit niya. Napahagikgik naman ako, napanguso naman siya.

"Biro lang! Ang sarap kaya!" Sarap halikan ng kaniyang nguso!

"Sa totoo lang... Ngayon lang ako nagluto, tinuruan lang ako ni Binibining Carla!" Ahh kaya pala.

"Wala talagang sikretong luto ng kaldereta ang aming pamilya, pinapasaya lang kita."

Choques! Oo naman! Masayang-masaya ako sa 'yo!

"Pagkatapos natin dito, babalik na ako kina ina," pabatid ko.

"G-Gusto mo sabay na tayo?" tanong niya. "O sige ba!" Ngiti ko.

"Pero bago muna 'yan, hayaan muna kitang handugan ng isang awit," sabi niya.

DIOS MÍO! HAHARANAHIN BA NIYA AKO?!

Kinuha niya ang isang gitara na nasa ibaba ng kaniyang upuan. Hindi ko naman namalayan na may gano'n pala roon. Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang magpatugtog.

Himig: Araw-araw
Ng Ben&Ben

Umaga na sa ating duyan
'Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal, oh mahiwaga
Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso?
Kay tagal ko nang nag-iisa
And'yan ka lang pala

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw

Oo Tadeo, ikaw lang talaga sa araw-araw!

Mahiwaga
Ang nadarama sa'yo'y malinaw
Higit pa sa ligaya
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa'yo'y malinaw

Sa minsang pagbali ng hangin
Hinila patungo sa akin

Tanging ika'y iibiging wagas at buo.

Totoo 'yun sana'y gano'n ka rin sa 'kin.

Payapa sa yakap ng iyong hiwaga
Payapa sa yakap ng iyong...

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa'yo'y malinaw

Mahiwaga
'Wag nang mawala araw-araw
Mahiwaga
Pipiliin ka araw-araw

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now