40: Ang Paghuhukom

47 3 0
                                    

[Kabanata 40: Ang Paghuhukom]

Verona Valdecisimo

🌹

KUMBENTO STA. PEREGRINA.

"Ang daya ni'yo ate! Bakit kayo lang ang naglakbay!" Pagnguso ng kapatid ko. Hala! Nagtatampo! Ha ha!

"Pasensiya ka na, kapatid ko. Nais ko sanang kayo'y isama, pero si Maestra ang masusunod, ih," pag-aalong paliwanag ko.

"Ayos lang iyon, ate. Basta mamayang gabi, may pupuntahan tayo!" Napakunot naman ako ng noo. Saan naman kami pupunta?

"Saan naman iyon?" pagkukuro ko, "Basta, ate!" Hayss! Pasikre-sikreto pa ito! Tss!

🌹

Kumunot ang noo ko dahil nasa tapat kami ngayon ng isang simbahan. Ano'ng gagawin namin dito?

Pumasok na kami sa loob at sinabi ni Maestra na magdarasal daw kami. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko sa kumbento pati na rin ang mahal ko.

Hindi naman ako nakapagdasal nang maayos dahil sa paglalambing ni Tadeo sa akin. Napansin kami ni Maestra at nasuway pa niya kami. Hayss, Tadeo! May oras ka rin sa 'kin!

Hindi lang pala roon nagtatapos ang aming ginagawa dahil sa pagkakaalam ko ay pitong simbahan ang pinuntahan pa namin bago kami umuwi. Nakakapagod at masakit sa paa! Pero nagandahan naman ako sa mga tanawin sa mga loob ng simbahan na iyon.

KINABUKASAN

Hindi pa tirik ang araw at bahagyang malamig-lamig pa nang mapansin ko na may isang tao na nasa labas at kumakatok. Pinagbuksan ko naman ito ng pinto at tumambad sa akin si... "Guardia Lopez? Oh! Magandang umaga! Ano't naparito ka?! pagtataka ko. "Magandang umaga rin. May ipinapaabot lang ang iyong ama." Sabay abot niya sa akin ng isang liham, kinuha ko naman ito. Liham? Ba't kaya nagpadala si ama nito?

"M-Maraming salamat, Guardia Lopez!" Napipilitang ngiti ko. Yumuko naman siya at itinapat niya ang sumbrero sa kaniyang dibdib. "Sige, binibini!" Sabay hakbang niya palayo sa akin.

Dahil sa kinain na ng kuryosidad ang aking katawan ay isinara ko na ang pinto at dali-dali akong pumanik sa aking silid.

"Grabe, gustong-gusto ko na silang makasamang muli!" mahinang bigkas ko.

Sakto at mahimbing at naglalaway pa si Carla sa kaniyang kama. Hindi na niya ako makikitang nagbabasa ng liham na galing kay ama!

Binuklat ko na ang sobre at sinimulan ko ng magbasa.

Mahal kong anak,

Darating kami sa Maynila para litisin si Ricardo sa mataas na hukuman diyan bukas. Mag-iingat kayo lagi. Magkita tayo bukas. Mahal ko kayo, mga anak.

Ang iyong ama,

Don Juan.

Nanlaki ang mata ko at marahan kong naibaba ang kamay ko, hindi naman nalaglag ang liham. Sa wakas! Matatapos na ang pang-aapi ni Ricardo sa amin!

KINABUKASAN...

Narito na kami sa hukuman ng Maynila dakong alas-dos ng hapon. Bahagyang may kainitan lamang dito dahil sa maraming tao ang sumasaksi sa mangyayari dito sa loob. Marami ay nakikiusyoso lamang, may iba rin na nais na may malaman.

Mula sa isang pinto sa gilid ay may isang lalaking nakaitim ang iniluwa nito. Nang makarating na siya sa gitna ay nagsalita siya ng malakas, "Magsitayo ang lahat! Ang magsisilbing hukom sa paglilitis na ito ay ang kinatawan na ipinadala ng gobernador-heneral ng Filipinas na si Hukom Santiago Avelino ang punong hukom ng Maynila," anunsyo ng tagapagsalita.

Mi Amor: Until the End ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon