14: Ang Manggagamot ng Love-nat

82 6 0
                                    

[Kabanata 14: Ang Manggagamot ng Love-nat]

Verona Valdecisimo

🌹

Hinatid na ako ni Tadeo sa silid namin. Bigla na lang siyang umalis, siguro naiilang.

Naratnan kong tulog na si Carla at nakapantulog na rin siya. Alam kong napagod siya kanina.

Tumabi ako sa kaniya pagkatapos kong magpalit. Medyo naalimpungatan siya. "Ate, matulog ka na," wika niya.

"Sige, maya-maya lang, 'di pa ako inaantok, e." Paano naman akong aantukin, 'yung puso ko walang awat sa pagtalon-talon. ¡Mi corazón no puede dejar de latir rápido! (Ang aking puso'y 'di maawat sa mabilis nitong pagtibok!).

"Kung alam mo lang kapatid ko kung ano ang nangyari kanina! ..." mahina at kinikilig kong bulong.

Nahagip naman ng aking mata ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Hindi ko talaga maipaliwanag ang aking nadarama sa mga oras na ito!" Ngiti ko.

Hindi ko naman naiwasang silipin ang kalangitan at may bituin akong napansin na ubod ng ningning. Habang ang buwan ay para bang nakangiti sa akin.

Dios mio, Verona! Bakit ka ba nakakaramdam ng labis na pag-ibig sa lalaking iyon!

Himig: Kalawakan
Ng: Music Hero

(instrumental)

"Iba talaga kapag hinalikan ka ng taong mahal mo!" Hindi ko naisip na nasabi ko na pala iyon!

Bigla siyang napabangon at at napatingin siya sa akin ng nakakaloko. Agad ko siyang hinampas ng mahina.

"Aminin mo na ate sa kanya ang totoo mong nararamdaman," wika niya. "Sige ka, 'pag naipon 'yan, sasabog ka," dagdag niya pa.

"Makatulog na lang," kibit-balikat kong wika. Isinara ko na ang bintana at pinatay ang gasera.

🌹

BIYERNES ng umaga ay para bang may dambuhalang kung ano ang tumatapak sa ulo ko dahilan para kumirot ito ng mariin. Grabe ang daming nangyari kagabi.

Mierda! Ang bigat ng ulo ko! Hindi ako makatayo, bakit ganito?!

Halos 'di ako makabangon dahil pumipintig ang mga ugat ko sa aking ulo.

"Carla! A-aray ko! N-nasa'n ka ba?!" sigaw ko. Pero, Tangina! Kamalas-malasan naman, o! Malat ako punyeta!!

Hindi naman ako nabigo, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Guardia Lopez. "Oh, binibini! Ano'ng nangyayari sa 'yo," nag-aalalang wika ni Guardia Lopez.

"Nasaan ang kapatid ko?" pilit kong tanong. Ang sakit talaga ng lalamunan ko, Punyeta talaga! Por dios por santo!

"Nasa palikuran, naghihilamos," tugon niya.

"P-pakitawag nga lang... bilis!" Agad siyang sumunod.

Wala pang limang minuto ay nakabalik na siya kasama ang kapatid ko. "O, ate, bakit?" Agad siyang tumabi sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Grabe ang init mo ate! May lagnat ka!" nag-aalalang wika ni Carla.

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now