4: Sa ospital

157 7 0
                                    

[Kabanata 4: Sa ospital]

Verona Valdecisimo

🌹

At bigla niyang kinuha ang aking kamay at hinalikan ito.

SANTISIMA! SI GINOONG TADEO! HINALIKAN ANG KAMAY KO DIOS MÍO!!!

Grabe! Unang beses na may lalaking humalik sa aking kamay at galing pa sa taong aking iniibig! Dios mio!

PARANG AYAW KO NANG MATULOG AT PAUWIIN SIYA!

"Ate!" Malakas na pagtawag sa 'kin ng kapatid ko.

Nanginginig kong tinapunan ng sulyap si Carla at nakarehistro sa kaniyang mukha ang pagka-irita. Nasa kalagitnaan siya ngayon ng hagdanan.

MIERDA! NAKITA KAYA NI CARLA?!

"Oo, 'eto na," sagot ko na lang.

"P-paalam, ginoo. Ako'y matutulog na." 'Yun na lang nasabi ko at tumakbo na papuntang hagdan.

Masyado akong pinakilig ng ginoo na 'yon!

Namumula naman akong nagtungo sa aking silid at mabuti ay tulog na ang lahat. Pinatay ko na ang gasera at nagkulob na ako ng aking kumot.

🌹

PAGKAGISING ko ay nakita ko si Carla na nasa tabi ko at nagbabasa ng libro. Napalingon naman siya sa akin ng mapansin niya na nagising na ako. Napansin ko rin no'ng lumingon siya sa akin ay lumapad ang kanyang labi dahil siya'y ngumiti.

Napakusot ako ng aking mata nang may halong pagtataka. "A-anong ibig sabihin ng ngiting 'yan?" Binigyan ko siya ng ¿No-me-lo-dirías-o-te-hago-cosquillas-mira? (Wouldn't-you-tell-me-or-I-tickle-you-look?)

"Sobra 'kong kinikilig sa inyo ni Ginoong Tadeo kagabi habang hinahalikan niya ang kamay mo! Santisima!" kinikilig niyang wika sabay yugyog sa akin ng malakas. Halos mahilo naman ako sa ginawa niya.

CHOQUES!! NAKITA NGA NIYA, MIERDA!!

"Grabe ate, kahit napakapusok ng ginawa niya na 'yun ay kinikilig talaga ko!"

"Oh siya sige na at palipasin mo na iyan!" kalmadong untag ko. Pilit kong itinatago ang aking nararamdaman para 'di niya ako lalong asarin.

Napanguso naman siya. "Bakit ate? 'Di ka ba natutuwa?" tanong niya, bigla naman siyang sumimangot.

"Natutuwa! Siyempre, unang beses 'yun, e," saad ko.

"Yiiiieeeee! Sabi ko na nga ba, e!"

"Pwede ba satin-satin muna 'to at sikreto lang," pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Oo naman ate, mananatiling sikreto lang 'yan."

"Salamat Carla, ikaw talaga ang pinakapaborito kong tao sa balat ng lupa!"

Mi Amor: Until the End ✓Where stories live. Discover now